Day 1354

5.5K 370 247
                                    

1:23 AM

Connor Arke
23 mins ago

Mamahalin pa rin kita. Paulit-ulit kitang mamahalin. Kung may isandaang dahilan para hindi ka mahalin, hahanap ako ng kahit isang dahilan para kumapit

Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. Kapag tama na ang lahat at puwede na ang mga hindi.

I love you, angel. You are my painful and yet my sweetest almost.

If the world won't accept you, please know that I will. Always.

Wade Yozon and 753 others like this

view all comments

Wade Yozon: INOM TAYO HAWAK KO PAMILYA MO WALANG HINDI PAKAKALASING NGAYON TANGINA NIYOOOOO

     | Connor Arke: Kahit 'wag mo nang ibalik haha

     | Hel Delgado: Gusto lang ng tsismis ng gagong Yozon HAHAHAHAHAHA

     | Connor Arke: Aso mo nakakawala @Joy Silang

     | Joy Silang: Sorry akala ko nasa kulungan niya eh hahahaha

Merry Arisa Salonga: Sana all paulit-ulit pinipili.

     | Connor Arke: @Alexis Ran??? Problema ng girlfriend mo hahaha

     | Merry Arisa Salonga: Magkasama kami don't worry HAHAAHHAHA

     | Wade Yozon: Baka mapagod si Ekis beybeh may work work work pa mamaya ha

     | Alexis Ran Crowell: Fuck you.

     | Merry Arisa Salonga: Yes, dadi 🤪🤪🤪

     | Connor Arke: The fuck? HAHAHAAHA

     | Cole Sullivan: Sumbong kita kay Tita Shen HAHAHAA

-

Ekis Babies Pa Rin Mga Ulol

1:26 AM

Wade: Inom ba, Atty???

Seen by everyone

Joy: May pasok ako mamaya. Pass. Lol.

Merry Arisa: Galit si Joy kay Atty hahaha

Joy: Pake ba niya kung galit ako haha

It's okay. I understand.

Joy: Mahal pala pero pinangunahan sa desisyon lol

Wade: Bata kasi si Aea n'on, MM.

Joy: And so? Paano maggo-grow si Aea kung sila nagdedesisyon for her?

Joy: I mean, okay, she may do impulsive things. Her decision may not be what they want for her pero enough reason ba 'yon to lie to her and to decide for her?

Joy: Kasi tao si Aea at hindi answer sheet na kayo ang mag-decide kung ano ang tama kung A B C D ba dahil lang bata siya o sa tingin niyo mali magiging desisyon niya kasi buhay niyo ba 'yon

Joy: Parang paano matututo at maggo-grow kung kinulong niyo naman masyado.

Joy: Sorry for getting so worked up pero I'm just frustrated hahaha

Wade: Okay lang MM. Mahal pa rin kita, MM ko, kahit lumalabas pagiging Batangueña mo. I find it hot hahahaha

Joy: Yawa ka Yozon!!!

Almost Mine (Ekis Babies #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon