Day 33

4.3K 358 284
                                    

Rage Madrigal

7:34 AM

Undas na bukas. Pakidalaw naman 'yong puso kong patay na patay kay Connor.

Seen, 7:35 AM

Rage: Ipagtitirik kita ng kandila.

Rage: Para sa utak mong namaalam na.

Hahahahard 🙂🔪

Anong oras ka umalis?

Ang aga ko na nga nagising hindi pa kita naabutan.

Rage: Bakit.

Magkaibigan nga kayo ni Connor. Parehas hindi uso question mark sa inyo, eh.

Rage: Bakit nga.

Wala lang. Anong oras ka nakauwi kahapon? Miss na kita kuya kong pogi 🥺

Rage: Ano na naman hihingin mo.

Gusto ko kasing mag-adopt ng tuta para kay Connor.

Rage: Ha?

Hakdog.

Hahaahhaha!

Nabanggit kasi ni Sai kahapon na mahilig sa aso si Connor.

Siguro aso ako n'ong past life ko kaya favorite ako ni Connor ngayon. Sa tingin mo?

Rage: Sa tingin ko kailangan mong mahimasmasan.

Funny ka na niyan? 🙂🔪

Anyway! Gusto kong mag-adopt ng tuta tapos ibibigay ko kay Connor.

Rage: Hindi naman niya birthday.

Kailangan ba birthday para magbigay ng gift?!

Rage: Bakit ako hindi mo bigyan ng regalo.

Nililigawan ba kita?! 😩✊🏻

Rage: Hindi ka sasagutin ni Connor kahit benteng tuta pa ibigay mo.

Curse of the Raging Patatas, lumayo ka!

Rage: Baka kung ako pa magbigay.

Wow Jollibee ka? Bida-bida ka eh 🙂🔪

Rage: Haha.

Pero gusto ko ngang mag-adopt ng puppy. Maghahanap ako ng shelter sa online.

Rage: Hanap lang muna, 'wag kang umalis.

Opo.

Wala rin naman akong pera kasi 'yong isa dyan hindi ako binigyan ng allowance.

Rage: Walang pasok, allowance pa gusto mo?

Sabagay okay lang pala hehehehe papaawa ako kay Connor para pumunta siya dito.

Rage: Parang awa 'wag kung anu-ano iniisip mo.

Mahirap ean kapatid 😂

Rage: Ako naaawa kay Connor.

Bakit sa 'kin hindi ka naaawa? 🥺

Almost Mine (Ekis Babies #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon