Rochelle Meana
9:45 AM
Miyanaaaa.
May dala ka bang pocketbook? Haba ng vacant namin asdfhgkgjagbd
Seen, 9:48 AM
Rochelle: Idadaan ko sa room mo after nitong class ko. Meron akong bago 😏
Sigi.
Salamat!
Rochelle: Hindi ba pupunta delivery man mo? Para makita ko naman!
Rochelle: I'm curious!
Hindi!
Saka 'wag mo nang kilalanin.
Ayaw n'on sa bata ☹️
May dine-date nang ka-age niya 😑
Magsama silang mga matatanda!
HUHUHUHU
Rochelle: Hays. Hirap niyan! Tapos kaibigan pa ng kuya mo.
True 🥺
Bakit ba kasi ako pinanganak na late.
Parang sa time na puwede na ako, siya may iba na.
Ngayon pa nga lang may ka-date na siya! Aba lang talaga!
Rochelle: KALMA HUY HAHAHAHAHA
Kasi naman Miyana!
Kahit gusto ko, alam kong mali 🥺
Kaya nga dinadaan ko na lang sa biro. Kaya nga pinipilit ko na lang na ituring na kuya. Kasi alam kong hindi tama.
🥺
Pero ang hirap kasi sobrang gusto ko siya matagal na! Ang hirap pigilan. Ang hirap itago.
Kaya nga naglakas-loob akong i-chat siya no'n. Hays.
Rochelle: True 😢
Rochelle: 'Yong kahit gusto mo naman, mali pa rin tingin ng iba.
Rochelle: Inaya pala ako ng date ni Yverson.
Huy! Yverson Hidalgo?!
Rochelle: Yep. Haba ng hair ko 🤷🏻♀️
Gagi ang pogi niyan! Pero sabi mo dati hindi mo type!
Saka 'di ba 'yong Jerwin ang ka-date mo?
Rochelle: Gagi matagal na kaming nag-stop mag-date n'on. Hindi ko kasi bet. Haha.
Luh siya. Hindi ako updated! Hahaha!
Rochelle: Mabait naman 'tong si Yverson. Saka gusto ko lang i-try kung magkakagusto ako. Saka date lang naman 🤷🏻♀️
Hala.
Rochelle: Aea, Aea, Aea. Minsan okay lang makipag-date kahit wala pang feelings kasi malay mo later on doon pa lang uusbong.
Rochelle: Kaya nga tinawag na dating. Getting to know each other phase. Titingnan if compatible for a relationship. Kung hindi magkakagusto, edi stop 🤷🏻♀️
BINABASA MO ANG
Almost Mine (Ekis Babies #5)
RomanceArzilea Madrigal had always been crushing over her brother's friend. But he never saw her more than the little sister of his best friend. But she was persistent because she knew he was the one. She held on. Connor Arke knew what he was feeling wasn'...