CHAPTER ONE : In The Midnight Hour
"Did you go outside?" He asked while looking at my eyes intently. Hindi niya inalis ang tingin sa akin hangga't hindi ako nakakapagbigay ng sagot.
"Uhm... no, why would I?" I lied. I knew he would scold me if I tell him that I did. I looked away and bit my lower lip.
"Good. You're aware that it's dangerous outside right?" I gave him a simple nod as an answer. He just smiled before pulling me for a hug. He gave me a tight hug and a peck on my forehead.
"Where's Reese?" He roamed his eyes all around the house.
"She's asleep. Napagod ata," sagot ko. "Uhm... I have something to tell you," pahabol ko.
"Spill."
I looked at him nervously. "I saw them," I whispered in a low voice.
He gave me a questioning look telling me to proceed.
"I saw the killer---" I was cut by a loud bang. My eyes widened as I saw blood flowing throughout my body. I was shot.
The last time I saw before I was out of breath was his tattoo. A semi-colon tattoo.
"OH? Ang aga aga tulala ka na naman diyan. Anong meron?" tanong ng bagong dating na si Samantha. Inilapag niya ang dala niyang bag at agad na umupo.
"Napanaginipan ko na naman 'yung kinukuwento ko sa'yo," sagot ko at umayos ng upo.
"Alam mo, that's creeping the hell out of me. Nasabi mo na ba 'yan sa mama mo? Ilang beses na 'yan ah."
Napailing na lamang ako at hinilot ang aking sintido. Knowing my mother, magpapanic lang 'yun kapag nalaman niya.
"Wala akong balak sabihin sa kaniya, okay? Parang hindi mo naman kilala si mama, mago-over react lang 'yun," I answered.
"O, anong gagawin mo d'yan ha? Hahanapin natin lahat ng taong may semi colon na tattoo gan'on?" Napapailing na tanong niya.
I shrugged my shoulders before answering her. "Kung pwedeng oo, bakit hindi diba?"Napanganga naman siya dahil sa sagot ko. "Nababaliw ka na ba?!"
"Parang," matipid na sagot ko. "Hindi ko naman siya mapapanaginipan kung walang dahilan, hindi ba?" dugtong ko pa.
"Do you believe in past life?" Napatingin naman ako sa kaniya. Past life?
"Sis, 2120 na. Don't tell me naniniwala ka diyan?" Natatawang tanong ko.
"Anong masamang maniwala? At isa pa, malay mo sa past life mo pala 'yang napapanaginipan mo. You should try it." Napailing na lamang ako dahil sa kahibangan niya. Past life? May ganoon ba? Kalokohan.
Maya-maya pa ay dumating na ang professor naming at nagturo. Kahit na nasa isip ko pa rin 'yung panaginip ko, nakinig pa rin naman ako sa kung anong sinasabi ng professor namin. Mahirap na, baka biglang magrecitation at matawag na naman ang pangalan ko. Malas pa naman ako pagdating doon.
Mabilis natapos ang klase. Pakiramdam ko ay drain na drain na ang utak ko dahil sa tatlong magkakasunod na quiz kanina. Muntikan pa akong bumagsak.
"Oh? Ayos ka lang?" tanong ni Samantha pagkalabas namin sa classroom. Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Hindi ako makakasabay sa'yong umuwi ha? May date kami ng boyfriend ko." Badtrip na nga ako kanina, mas lalo pa akong nabadtrip.
BINABASA MO ANG
Against Time (COMPLETED)
Short StoryWhat would you do if someday you'll wake up in someone else's body? Or in your body... a hundred years ago. Hyacinth is an ordinary girl from Year 2120. Carrying the burden from being a breadwinner of her family, love is not her priority. On the oth...