CHAPTER FOUR: The Beginning of The End
Naalimpungatan ako nang mapansing wala na si Axel sa tabi ko. As far as I remember, tabi kaming natulog kagabi.
"Where is he?" mahinang bulong ko matapos libutin ang buong bahay pero ni anino ni Axel, hindi ko nakita.
Tanging kami na lamang ng natutulog na si Reese ang tao sa bahay.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ni Axel. Ilang beses pa itong nag-ring pero hindi niya sinasagot. Napapadyak ako sa inis at sinabunutan ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ako morning person?
"Ate mommy, why are you hurting yourself?" Napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko at gulat na napatingin kay Reese na mukhang kakagising lang at kinukusot ang mga mata.
"A-Ah... wala lang 'to, baby. Are you hungry? Ipagluluto na kita ng breakfast mo, ah?" Tumango naman siya kaya agad ko siyang binuhat at inuupo sa stool na malapit sa kitchen. Ipinagluto ko lamang siya ng almusal at ipinagtimpla ng gatas.
"Here na baby, enjoy your meal." I smiled at her.
"Thank you ate mommy!" Nakangiti niyang pasasalamat. Nginitian ko lamang siya at tinabihan. Ayaw naman niyang magpasubo dahil big girl na raw siya kaya't marahan akong napailing.
Muli kong kinuha ang cellphone ko at itinext si Axel.
Iya:
Asan ka? You're not answering my calls. Nag-aalala na ako, please reply :)
"Ate mommy, where's kuya daddy?" Ibinalik ko sa bulsa ng aking ang cellphone at nilingon si Reese na umiinom sa tinimpla kong gatas.
"Maagang umalis baby, e. Hintayin nalang natin na umuwi, okay?" She nodded before continuing to eat.
Tumayo ako. "Baby diyan ka muna ha? Magbibihis lang si Ate mommy. I'll be quick, I promise," dagdag ko.
"Sure po. I'll behave." Napangiti naman ako at hinalikan siya sa pisngi.
Papasok na sana ako sa kuwarto namin ni Axel nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Axel:
Sorry, something came up. I'll be back later, okay? Don't worry, I'm fine. Take care, my love. I love you.Napangiti naman ako bago nagreply.
Iya:
Ayos lang 'yun. Ingat ka diyan, okay? I love you too!Pumasok na ako sa kuwarto at agad na naligo. Nang makaligo ako ay agad akong nagbihis at inayos ang sarili sa salamin.
Napahawak ako sa aking mukha habang nakatingin sa aking reflection sa salamin. Mukha ko talaga ito. Mukha ng Hyacinth na ipinanganak taong 2120. Pero bakit nandito ang mukha ko? Totoo ba talagang ito ang buhay ko dati? Bakit parehas na parehas?
Marahas akong napatayo nang marinig ko ang tawag ni Reese mula sa labas ng kuwarto. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ang umiiyak na si Reese.
"Baby, anong problema?" tanong ko bago siya kinarga.
"There's... There's a body.... He's dead. Ate mommy there's corpse outside!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na umawang ang aking labi.
BINABASA MO ANG
Against Time (COMPLETED)
Short StoryWhat would you do if someday you'll wake up in someone else's body? Or in your body... a hundred years ago. Hyacinth is an ordinary girl from Year 2120. Carrying the burden from being a breadwinner of her family, love is not her priority. On the oth...