SPECIAL CHAPTER

277 57 51
                                    

SPECIAL CHAPTER




Tulala lamang ako habang nakasakay sa kotse ni Axel—o ni Azel. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba lahat ng nangyari o panaginip lamang?




Dumako ang mata ko sa kasalukuyang nagdadrive na si Azel. Yes, I decided to call him Azel now. Because this isn't the past. Baka kapag bumalik akong muli sa nakaraan, tawagin ko na siyang Axel muli. Pero sa ngayon, siya muna si Azel. Seryosong-seryoso siya sa pagdadrive at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin para icheck kung ayos lang ba ako.




Napatingin ako sa palapulsuhan niya na may tattoo katulad ng kay Axel noon. Coincidence nga lang ba na may tattoo rin siya?




"Y-Yung tattoo mo... Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko bago itinuro ang tattoo sa wrist niya.




"Lahat ng lalaki sa pamilya namin, mayroon nito." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya.




"B-Bakit?"




"Dahil sa kagustuhan ng great grandmother namin. Tradisyon na ito sa pamilya namin," sagot niya na mas lalong nagpakunot sa aking noo.




"Great grandmother?" He nodded before the side of his lips rose up.




"Reese Marquez Azucena." My lips parted when he mentioned Reese.




"Pinagsisihan mo ba na nagpatattoo ka rin niyan?" tanong ko bago muling itinuro ang tattoo niya.




Ngumiti siya bago umiling. "At first, yes. Ayaw kong magpatattoo, e. Wala sa plano ko," sagot niya bago siya mahinang tumawa. "After I had this tattoo, palagi na akong nananaginip na may binaril na babae sa mismong harapan ko," dagdag niya bago lumingon sa akin ngunit mabilis niya ring ibinalik ang tingin sa kalsada.




"Then?"




"Ewan ko ba, hindi ko kilala 'yung babae sa panaginip ko pero sobrang sakit. Tuwing magigising ako, paniguradong umiiyak ako. That's why I became curious about who she is. And voila, I found you," sabi niya bago muling ngumiti. God, I missed those smiles.




"'Yung lalaki sa tren... Ikaw ba 'yun?" tanong kong muli nang maalala ang nakabunggo kong lalaki noon sa train station.




Tumango naman siya bilang sagot. "Kakatapos ko lamang balikan ang nakaraan noon Iya kaya wala pa ako sa ko. Masiyadong masakit para sa akin eh. Hindi ko naman alam na ikaw na pala 'yun," paliwanag niya pa.




"Nandito na tayo," sabi niya matapos itigil ang sasakyan. Tumingin naman ako sa kung nasaan kami. Agad kumunot ang noo ko nang makita kung saan niya ako dinala.




"Bakit tayo nandito? I was here a while ago," tanong ko nang malamang nasa bahay kami kung saan ako nagpa-pastlife regression. Ngumiti na lamang siya at bumaba na ng kotse. Bababa na rin sana ako nang maunahan na niyang buksan ang pinto ng kotse. I bit the insides of my cheek to prevent myself from smiling.




Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay ang matanda na lamang ang bumungad sa amin at wala na si Samantha.




"Nandito na pala kayo." Kumunot ang noo ko dahil parang ineexpect na ng matanda na darating kami.




"Sino siya?" bulong ko kay Azel.




"He's my great grandfather, asawa niya si Reese--- I mean ni Lola Reese." Napangiwi naman ako nang tawagin niyang lola si Reese. Ugh, weird.




Against Time  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon