03 : Maybe The Last

233 65 40
                                    


CHAPTER THREE : Maybe The Last




My hands were trembling while looking at the calendar that I found. 2020? This is a pure nonsense! Panahon pa ata 'to ng mga ninuno ko! Wala sa sarili akong napaupo sa sahig. Damn, what am I doing here?




Am I really living in my past life?




Did the past life regression worked?



Or maybe this is just a dream?






"Bakit ka naman kasi pumayag sa past life-past life na 'yan Cinth? Napakatanga mo talaga!" Naiinis na sisi ko sa sarili ko. Tama nga talaga si mama, malas nga talaga ata ako. Bakit sa dinami-daming tao sa mundo, bakit ako pa?




Natigil ang pagdadrama ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. Dali-dali naman akong tumayo at lumabas sa kuwarto.




"Saglit nga lang!" Inis na sigaw ko nang mas binilisan at nilakasan pa ng kumakatok ang katok niya. "Sino ba 'yan? Saglit nga lang sabi!"




Padabog kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki. Tsk, bakit ganito sa panahong ito? Bakit ang daming guwapo? Kaya siguro walang natira sa generation namin, napunta na dito lahat!




"Uy Hyacinth! Si Axel?" tanong nito. Walang pasabi siyang pumasok sa bahay at prenteng umupo sa sofa.



"Hoy! Sino ka ba? Bakit bigla-bigla ka nalang pumapasok sa bahay namin?" Natataranta kong tanong.




Tumawa naman ito bago tumingin sa akin na para bang namamangha. "Tama nga si Axel kaninang umaga. Mukha ngang napalakas ang tama ng alak na ininom mo kagabi. Ang malas mo naman!" sabi niya bago ipinagpatuloy ang pagtawa. Napalabi naman ako dahil sa sinabi niya. Oo na, alam ko namang malas ako!




"Dude, wala akong balak makipaglokohan sa'yo. Ano ngang pangalan mo, ha?" tanong ko bago siya tiningnan ng masama.




"Muntik mo ng makuha kung anong pangalan ko Hyacinth, sayang! Lapit na eh!" My forehead creased. Ano raw?




Muli ko naman siyang tiningnan ng masama na nagpatawa na naman sa kaniya. Anong tingin niya sa akin, clown?




"Ano na namang ginagawa mo dito Jude Aeron?" Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita.




"Ano ba naman 'yan Axel? Pinapahulaan ko ba dito sa asawa mo ang pangalan ko eh! Ang KJ mo talaga!" reklamo ng lalaki na nag-ngangalang 'Jude'.




"Tsk, baka landiin mo pa ang asawa ko. Back off dude." Natawa naman si Jude dahil sa sinabi ni Axel. Ugh, why is he always laughing? Wala ba siyang problema?




"Ate mommy!" Napalingon naman ako sa batang karga-karga ni Axel. My eyes widened upon seeing her. Siya ang batang nasa panaginip ko!




Ibinaba naman ni Axel ang bata na agad ring tumakbo papunta sa gawi ko. "Hi cutie!" Nakangiting bati ko bago ko ito kinarga.




"Ikaw bro, cutie ka?" Pang-aasar ni Jude kay Axel. Napairap naman ito bago ibinaba ang bag ni Reese.




"Ate mommy look! May star po ako kasi I'm behave raw po sabi ni teacher!" Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niyang may tatak na star.




Against Time  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon