02 : Born In The Past

279 64 78
                                    

CHAPTER TWO: Born in the Past






"Sigurado ka na ba talaga dito?" I asked while holding his hand. He intertwined our fingers before looking at me.






"I don't have any choice. Kung walang kikilos, hindi na 'to matatapos." He answered before he wrapped his arms around me.






"Pero bakit kailangang ikaw pa?" tanong ko. My eyes swam with tears as he tightened his hug. "Don't go outside... please."






"I swear to God that I would protect you. And if this is the only way, then I'm more than willing to do it. " Mas lalo pa akong napahagulhol dahil sa sinabi niya.






"Please? Kahit ito nalang. Sundin mo naman ako." Inalis niya ang yakap niya sa akin.






"Hush, don't cry, please? D'yan lang ako sa labas ng pinto. Hindi ako lalayo. Babantayan ko lang sila, that's all. You don't have to worry, hindi ako masasaktan." He assured before giving me a peck on my lips.






"How can I be so sure? Hindi ko man lamang alam kung ano na ang nagyayari sa'yo sa labas. Paano kung... kung... kung p-patay ka na pala?" I asked while a new batch of tears fell from my eyes. A vein popped out in his neck upon looking at my face.






Maya-maya pa ay dumiretso ito sa kusina at bumalik na may dalang kutsilyo. My brows arched an inch.
I almost collapsed when he stabbed our door. Nanlaki ang mata ko nang makitang may butas na nabuo dahil doon.






"You can look for me here. I promise, hindi ako lalayo," he said as he embraced me once again.






"Promise?" tanong ko.

 




"I promise." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. "I'll be back."








"Cinth! Gising, Cinth!" Napamulat ako dahil sa malakas na sigaw ni Samantha. Agad akong bumangon at pinunasan ang mga mata ko na puno ng luha.






"Bakit ka umiiyak?" tanong niya bago ako binigyan ng isang basong tubig.






"Nanaginip ako," sagot ko.






"Again? Don't tell me tungkol na naman 'yan doon sa lalaking may tattoo?" Tumango naman ako bago muling napahawak sa dibdib ko. I let out a harsh breath.






"Anong nangyari kagabi?" Umupo naman siya sa tabi ng kama at seryoso akong tiningnan.






"Ang sabi mo, nabaril ka. Akala ko noong una nagloloko ka lang, pero hindi e. Kitang-kita ko yung mga mata mo, para ka talagang nabaril. Cinth hindi na ako natutuwa diyan sa mga panaginip mo. Natatakot na ako diyan," seryosong sabi niya. Napahilot naman ako sa aking sintido. Ako rin. Hindi rin ako natutuwa.






"Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari sa akin 'to, Samantha. Pero alam ko na lahat ng ito may dahilan. At gagawin ko lahat para malaman kung ano 'yun." Napahawak akong muli sa dibdib ko nang mapansin na sobrang bilis na naman ng tibok nito.






"'Yung lalaki sa panaginip ko... hinalikan niya ako," wala sa sarili kong nasabi.






Natawa siya. "Sis alam mo, kulang ka lang sa lovelife. Ihahanap kita, gusto mo?" pagbibiro niya. Napairap naman ako bago tumayo at dumiretso sa banyo para mag-ayos.






"Tara." Napatingin naman siya sa akin nang makitang bihis na bihis ako.






"Saan?"






"Doon sa sinasabi mong nagpapast life regression. Baka yun na nga ang sagot sa mga tanong ko," sagot ko bago naupo sa desk ko at naglagay ng kaunting make up. Nagkibit balikat lamang siya at pumunta na sa banyo para magpalit ng damit.






Maglalagay na sana ako ng liptint nang maalala ko 'yung nasa panaginip ko. Hinalikan ako noong lalaki. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero ang alam ko lang, masakit. Masakit sa dibdib.







"Sino siya?" I mumbled.






"Are you really sure about this?" tanong ni Samantha pagkalabas niya sa banyo. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at lumingon sa kaniya.






"Alam mo namang hindi ako nagpapaniwala sa mga ganito, Samantha. Pero kung ito nalang yung paraan para masagot ang mga tanong ko, why not? Hindi naman masamang subukan," sagot ko bago ipinagpatuloy ang paglalagay ng kolorete sa mukha.






"Tara na, ang bagal mo naman diyan!" reklamo nito. Napailing na lamang akong muli at bumuntong hininga. Bahala na kung ano mang mangyari.






"Sigurado ka bang legit 'to?" tanong ka nang makarating kami sa sinasabi niyang lugar. Akala ko noong una ay merong katulad noong mga napapanood ko sa TV na creepy na lugar. 'Yung parang may mga witch or sorcery stuffs.






"Pwede bang tumahimik ka na lamang? Sabi ng kaibigan ko, kilala niya raw yung may-ari nito. Tutuloy ka ba o hindi? Sabihin mo na agad habang hindi pa tayo nakakapasok," naiinip niyang sabi. Katanghaliang tapat na kasi at kanina pa kami nakatayo rito sa labas ng isang bahay that's why the blazing heat of the sun keeps piercing through our skin.






Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Naka-ilang door bell pa ako bago may magbukas ng gate. Isang medyo may kaliitan na matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa napakatanda na ang nagbukas sa amin ng gate.






"May kailangan ba kayo?" Mahinang tanong niya.






"Ah manong, dito po ba pumupunta 'yung mga nagpapapast life regressions?" walang prenong tanong ng kasama ko sa matanda.






Napahakbang ako paurong nang tumingin ito sa akin. "Dito nga. Pasok kayo," sagot niya.






Pumasok naman kaming dalawa ni Samantha. Medyo luma na ang bahay at gawa sa kahoy. Mayroon ring hagdan para makapasok sa pinaka-main door. Sumunod naman kami sa matanda hanggang sa papasukin niya kami sa loob ng bahay. Napakapit naman sa braso ko si Samantha na sa palagay ko ay naki-creepyhan na rin.






"M-Manong... sino po ba y-yung magh-hypnotise dito sa kaibigan k-ko?" Nauutal na tanong ni Samantha sa matanda.




Against Time  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon