EPILOGUE

251 62 60
                                    

EPILOGUE: Live Forever




"No! No! I wasn't supposed to die!"




"Cinth... Cinth wake up!" Marahas akong nagmulat. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Samantha at ng matandang lalaki.




Nakabalik na ako.




"Where's Axel? Bakit niyo ako ibinalik?" malakas na tanong ko at mabilis na tumayo.




My legs were trembling and I almost fell. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa malapit na cabinet. Agad naman akong hinarangan ni Samantha at hinawakan ang aking palapulsuhan.




"Cinth can't you just calm down?" Kita ko ang pamumuo ng luha mula sa mga mata niya na nagbabadyang bumagsak. I avoided her gaze before biting my lower lip.




Marahas kong hinawi ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. "I need to find Axel, please don't follow me," tanging bilin ko bago ako tuluyang makalabas ng bahay.




Mapait naman akong napangiti nang makitang umuulan pala. Parang pati langit, nakikisama sa pag-iyak ko.




Wala sa sarili akong naglakad habang inaalala ang mga panahong kasama ko pa siya. Sabi ko hindi ako aalis. Sabi ko hindi ko siya iiwan. Pero bakit? Bakit ko siya iniwang mag-isa? Kakamatay lamang ng bestfriend niya at alam ko kung gaanong kasakit iyon para sa kaniya. Bakit pa ako dumagdag?




Iniangat ko ang tingin ko sa taas before my legs collapsed. Lord, napakaunfair mo naman! Bakit kung kailan masaya na kami, at saka mo ako kinuha? Bakit 'yung mga masasamang tao, hindi namamatay? Bakit ako pa? Bakit mo ako kinuha sa mga panahong kailangang-kailangan ako ng mahal ko?




Napangiti naman ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. "Cinth, mukha ka ng tanga," natatawang bulong ko sa sarili ko. Parang kahit anong oras yata ay mawawala na ako sa katinuan.





Malakas akong napahagulhol kasabay ng paglakas ng ulan. I clutched my chest before biting my lower lip once again to stop myself from crying.




Gusto kong umiyak.

Gusto kong sumigaw.

Gusto kong magwala.

Bakit sa dinami-raming taong puwede Niyang bawian ng buhay, bakit ako pa?




Natigil ang pag-iyak ko nang mapansing wala ng pumapatak na butil ng ulan sa aking katawan. Tumila na ba? Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko only to find a man holding an umbrella to cover me from the rain. He's wearing a black shirt, a black pants and a cap.




"Mukha na ba akong tanga?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga niya dahil sa sinabi ko.




"Pasensya na sa abala, ha? Masyado kasing masakit ang puso ko. Durog na durog." Mapait akong napangiti bago ko itinapat ang aking kamay sa aking dibdib.




"I wasn't supposed to die kaso kinuha na agad ako ng Diyos eh. Naiwan ko tuloy ang taong mahal na mahal ko. Sayang," pagkukwento ko pa. Hindi ko na kayang sarilihin ang sakit.




I need someone to talk to. I need a shoulder to lean on.




"Miss na miss ko na siya. I miss my love so fucking much." I cried harder.




Natigil ako sa pag-iyak nang maramdamang nababasa na ulit ako ng ulan. Mahina naman akong tumawa. Baka nagsawa na siya sa mga pinagsasasabi ko. Mukha na nga ata akong baliw.




I looked heavenward before my eyes widened. Hindi siya umalis at sa halip ay ibinaba niya ang hawak niyang payong kaya't pati siya ay nabasa na rin sa ulan.




Umawang ang aking labi nang humangin ng malakas at aksidenteng naalis ang suot niyang sumbrero. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuan niya. This can't be real...




"Axel?" mahinang bulong ko.




Sa halip na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang braso ko at dahan-dahan akong itinayo. He cupped my face before pulling me for a hug.




"I missed you, my love," bulong niya kaya mas lalo akong napahagulhol. Pati boses niya, kaparehong-kapareho.




Mahina naman akong natawa at humiwalay sa yakap niya. "Nababaliw na nga ata ako. Nakikita ko si Axel sa harapan ko," sabi ko bago sinampal ang sarili ko habang nakatitig sa kaniya. Akala ko mawawala siya kapag nasampal ko na ang sarili ko kaso hindi, he stayed there while staring at me.




Napahagulhol akong muli nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagsampal sa aking sarili. Once again, he embraced me. The warmth of his body was the same as Axel's. I can feel the sense of love and protection that Axel once gave me.




"I am dreaming, right? You're not real... You can't be real." Nangangatal na tanong ko habang ginantihan ang yakap niya.




"I'm not Axel, Hyacinth. I am Damiene Azel." Muntik na naman akong mapaupo nang manlambot muli ang aking tuhod. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin nang maramdamang nanghihina na naman akong muli.




Akala ko siya na. Akala ko...




"But I'm still Axel," naputol ako sa pag-iisip nang muli siyang nag-salita.




"A-Ano bang pinagsasasabi mo? You're... You're confusing me."




"I'm the present version of Damian Axel Marquez. I am his reincarnation," Napanganga ako. What the fuck?




"Just like you..." dugtong niya




"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? That's impossible!"




"Walang imposible, Hyacinth. Nakabalik ka nga sa 2020, pati ba naman reincarnation, hindi mo paniniwalaan? You're just like me too." Ilang beses akong napakurap bago ako napahilot sa aking sintido.




"P-Paano mo nalaman na bumalik ako sa 2020?"




"Because just like you, I turned back too. Hinanap kita Hyacinth. At hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako sa dahil hindi ko naitama ang pagkakamali ko noon," mahabang sagot niya at kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagpatak ng mga luha niya.




He stroked the strands of my hair before kissing the top of my head. Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ang aking kamay. Iginiya niya ito sa dibdib niya upang maramdaman ko kung gaanong kalakas ang tibok ng kaniyang puso.




"Remember what I said a hundred years ago, Iya?" Nanindig ang mga balahibo ko nang tawagin niya akong Iya. Axel is the only one who called me by that nickname.




Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya bago ko siya tiningnan sa mata.




"Our heart remembers, Iya. My heart only beats for you. Ikaw lang, Iya. Kahit ilang taon pa 'yan, ikaw lang."




With that, I knew that he's my love. His name might be different but I know that he is still Damian Axel; the man of my dreams. A hundred years had passed and we finally met again. We conquered everything despite of being against the time.





















The end

Against Time  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon