Dedication to amiraace
Bella's POV
Na alimpugutan ako ng maramdamang merong humahaplos sa mukha ko. Kahit na inaantok ay pinilit ko imulat ang aking mga mata upang masilayan kung sino ang gumagawa non.
"Prinsepe Red ano pong ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong at agad na umayos ng upo sa aking kama.
"Dumaan muna ako dito bago bumalik sa Migard para akumuha ng mga pagkain sa mundo ng mortal dahil hindi sapat ang mga pagkain dito sa Muspelhiem. At para sayo to." sabi niya sa akin at inabot sa akin ang kumpol ng mga puting rosas at mga libro.
"Hindi ko po alam magbasa." nahihiyang sagot ko naman sa kanya. Tinuturuan naman ako noon ni Haring Surtr pero hindi madalas at pamisan lang ay halos wala ding pumapasok sa isip ko.
"Wag kang mag-alala tuturuan kita para kung mamamasyal tayo sa Midgard ay may alam ka sa mga bagay bagay." sabi niya sa akin habang naka-ngiti.
Mamamasyal
Mamamasyal
Mamamasyal
Halos abot langit ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niyang mamamasyal kami sa mundo ng mga tao.
"Maraming salamat mahal na prinsepe." sagot ko sa kanya. Iniangat niya naman ang baba ko upang magkatinginan ang aming mga mata.
"Pwede bang Red nalang ang itawag mo sa akin." sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Ngunit mahal na prin---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya na ng hintuturo niya ang aking bibig.
"Diba ang sabi ko wag mo na akong tatawaging prinsepe." sabi niya sa akin at napatango nalang ako.
"Masusunod R-Red." kinakabahan kong bangit sa pangalan niya dahil hindi ako sanay na tawagin siyang prinsepe.
"Oh, diba mas ayos." sabi niya naman sa akin habang naka-ngiti.
"Magkita nalang ulit tayo matapos ang isang buwan. Dahil tatanungin kita kung ano ang mga napag-aralan mo sa libro. Alam kong alam mo din magbasa kahit papaano dahil tinuruan ka si Surtr." sabi niya sa akin at napatango naman ako bago niya ako hinalikan ng mariin sa aking labi.
***
Matapos ang buong araw na pagtratrabaho ko sa palasyo ay nagpasya akong maligo muna sa bukal ng mga pulang bulaklak.
Hinubad ko ang lahat ng saplot ko bago lumusong sa mainit na bukal. Nagbabad ako doon ng ilang sandali bago tinungo ang mga pulang bulaklak namitas ng isa sa mga ito.
"Andito ka lang pala. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap." sabi ni Prinsepe Red mula sa aking likuran kaya lumingon ako para makita siya. Halos tumulo ang laway ko ng makita ko siyang naghuhubad ng damit ngunit hindi niya hinubad ang suot niya pang ibaba bago lumusong sa tubig.
"Prin---Ahm Red anong pong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya at itinago sa bato ang hubad kong katawan. Kahit na may nangyari na sa amin ng paulit-ulit nahihiya parin ako kapag wala akong saplot sa kanyang harapan.
"Hindi ka ba nasasabik na makita akong muli Bella?" tanong niya at naglakad papalapit sa akin.
"Paumanhin." yun nalang ang tangi kong sambit ng tuluyan na siyang nakalapit sa akin at iniangat ang baba ko dahilan upang magsalubong ang aking paningin sa pula niyang mga mata na nag-aalab na tulad ng isang apoy.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para ipikit ko ang aking mga mata at hinihintay na dumampi ang kanyang malambot na labi.
Mga ilang sandali pa ay naramdaman akong inalis niya ang bulaklak na nakaipit sa tenga ko kaya napamulat ako.
"Mahilig ka sa bulaklak na spider lily. Alam mo bang ang bulaklak na ito ay ibinibigay lamang sa mga taong namayapa na sa mundo ng mga tao." sabi niya sa akin.
"Hindi ko alam. Yan lamang ang nakikita kong tumutubong halaman dito sa kaharian maliban sa mga tuyong damo at mga tuyong kahoy sa kaparangan." sagot ko sa kanya.
"Tara na, may mga dala akong pasalubong sayo na tiyak na matutuwa ka." sabi niya sa akin.
Maglalakad na sana ako papunta sa may bato upang kunin ang iniwan kong damit doon ngunit ibinalot niya sa akin ang kanyang balabal at binuhat ako at naglakad na.
"Teka naiwan ko ang damit ko doon sa may batuhan." sagot ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan yun. May mga binili ako para sayo." sabi niya sa akin kaya nanahimik nalamang ako habang buhat-buhat niya ako hanggang nakarating kami sa aking maliit na kubo.
Namangha ako sa mga damit na ibinigay niya sa akin. Napakaganda ng mga ito. Lahat ng ito ay may desenyo na mga bulaklak at may makikinang na palamuti.
"Ngunit Red hindi naman pweding ganito ang isusuot ko kapag maglilinis ako sa kaharian madudumihan lang ito." sabi ko naman sa kanya.
"Sinabi ko bang isuot mo yan kapag maglilinis ka. Isuot mo na yan ngayon dahil may pupuntahan tayo na siguradong matutuwa ka." sabi niya.
"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin patapos kong magbihis at mag guhit ng hindi ko matukoy na larawan sa sahig.
Pinatakan niya ito ng kanyang dugo at sa isang iglap lang ay nakarating na kami sa isang napakagandang lugar. Ito na ba ang sinasabi ni Savania na paraisong lugar na pinagmulan niya.
Inilibot ko ang paningin ko naglalakihang mga puno at nagkalat na mga bulaklak na iba't ibang mga kulay at mga buhay na damo sa napakalawak na kaparangan.
"Napakaganda!" sabi ko at tumakbo sa mga bulaklak at dinama ang malamig na hangin sa paligid. Para akong halimaw na nakawala sa lunga matapos ang ilang libong taon na pagkakakulong.
"Nasa Midgard ba tayo prinsepe Red?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, nasa Alfhiem tayo ang lugar kung saan nakatira ang mga Elves." sagot ni Prinsepe Red at inilagay sa ulo ko ang kuronang gawa sa makukulay na bulaklak.
"Tara may ipapakita ako sayo." sabi niya sa akin at naglakad kami sa gubat at maraming kumikinang na mga alitaptap.
"Lumabas na kayo!" sigaw niya at may mga munting nagliliparan na sa paligid kaya napatago ako sa kanyang likuran.
"Wag kang matakot mga kaibigan ko sila. Sila ang mga diwata na nagbabantay sa kagubatang ito." sabi niya kaya tinitigan kong mabuti ang isang lumilipad na dumapo sa kanyang kamay.
Isa itong maliit na tao na may mahabang tenga at napakagandang damit at may maliit itong pakpak.
"Para sayo." sabi ng isang diwata na may bitbit na isang tangkay rosas na may iba't ibang kulay.
"Madalas ka ba sa lugar na ito?" tanong ko.
"Paminsan lang kapag gusto kong makapag isip-isip. Naisip ko kasing gusto mo ang mga bulaklak kaya dinala kita dito." sabi niya sa akin at inalalayan akong maupo sa damuhan habang siya naman ay umakyat sa puno at kumuha ng prutas.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida 😘
YOU ARE READING
[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)
VampireWarning: SPG Completed Maiintindihan niyo naman ang flow ng story kahit hindi niyo basahin ang book 1. Pero kung curious kayo hehe... Beke nemen pow Book 1: My Hot Professor Is A Vampire (Availble on Dreame) _________________________________________...