CHAPTER 16: The Flowers Blooms At Night

474 33 4
                                    

Dedicated to Aiyanng

Bella's POV

Tumingala ako kay Red habang naglalakad kami sa masukal na kagubatan. Napansin kong nangingitim ang ilalim ng kanyang mata.

"May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya tila nagulat naman siya sa tanong ko at agad ding umiling.

"Wala. Siguro ay nasubrahan lang ako sa pag-gamit ko ng aking kapangyarihan." sabi niya sa akin at huminto kami sa paglalakad.

"Bella. Ipikit mo ang mata mo." sabi niya sa akin at agad ko namang ginawa. Mga ilang sigundo lang ay nagsalita na ulit siya.

"Imulat mo na." sabi niya ulit agad ko naman siyang sinunod. Namangha ako sa nakikita ko sa paligid ko. Napaka ganda.

"Ano ang mga maliliit na liwanag na yan." sabi ko at tinuro ang mga liwanag na lumilipad sa paligid.

"Alitaptap ang tawag sa insektong yan." sabi niya sa akin at inilahad niya ang hintuturo niya at may dumapong alitaptap sa kanyang daliri. Isa pala itong maliit na insektong may ilawan sa kanyang puwet.

"Tara na." sabi niya at hinila ako sa isang lugar na natatamaan na ng liwanag ng buwan.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang naka tingin siya sa may buwan.

"Teka lang malapit na." sabi niya sa akin. Mga ilang sigundo lang ay naka tapat na ang liwanag ng bwan sa pwesto namin.

"Tignan mo Bella." sabi niya at tumingin sa paligid. Nagsisimula nang mamukadkad ang mga puting bulaklak at parang isinaboy ng buwan sa damong tinatapakan namin kanina.

"Umiilaw ang mga bulaklak?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, repleksiyon lang yan ng buwan. Ang bulaklak na yan ay tuwing gabi lang namumukadkad hindi ito katulad ng mga bulaklak na nakikita mo tuwing umaga." sabi niya sa akin at namitas ng bulaklak at pinagtagpi-tagpi ang mga ito.

"Ang sabi ni Cresent ang mga bulaklak ay bumubukadkad lang kapag natatamaan ng sikat ng araw dahil kailangan nila ito para mabuhay." sabi ko naman sa kanya.

"Halata ngang madami kang natutunan sa nakakatanda mong kapatid." sabi niya at patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Ngunit tulad ng sinabi ko hindi ito isang ordinaryong bulaklak. Gusto mo bang maring ang kwento ng bulakalak na ito?" tanong niya sa akin at natapos niya nang pagtagpi-tagpiin ang mga pinitas niyang bulakalak at ipinatong ito sa ulo ko na parang isang korona.

Tumango naman ako at isinandig ang ulo konsa balikat niya at nagsimula na siyang magkwento.

Isang araw dumalaw ang prinsepe ng buwan dito sa lugar na to upang mamasyal. At dito sa mismong lugar na ito nakita niya ang napaka gandang diwata na ang pangalan ay Bella.

Saksi ang lugar na ito kung paano nabuo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit nagalit ang haring araw at pinagbawalan ng bumalik sa lupa ang prinsepe.

Hindi siya nagpaalam sa diwata dahil ayaw niyang makitang malungkot ito. Labis na nalungkot ang diwata dahil hindi na bumalik ang prinsepeng mahal niya.

Ngunit patuloy parin siyang naghihintay sa lugar na ito at patuloy na umaasa na babalik ang prinsepe. Ang mga bawat gabing pagpatak ng luha niya ay dito sa lupa ay tumutubo ang panibagong tangkay ng bulaklak.

Walang nakakaalam kung nasaan na ngayon ang diwata pero ang mga bulaklak na ito ay patuloy paring bumubukadkad tuwing gabi para tanawin ang buwan.

"Doon mo ba nakimuha ang pangalan ko Red?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya pero bigla nalang siyang naubo at may kasamang dugo.

"Red! Red! Ayos ka lang?!" nag-aalala kong tanong sa kanya at pinunasan niya lang ang dugong kumawala sa bibig niya.

"Ayos lang ako wag kang mag-alala. Tara na baka hinahanap ka na sa inyo." sabi niya sa akin saka ibinalik ako sa tarangkahan ng palasyo.

"Magpahinga ka ns." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan din ako sa tyan.

"Red, kailan ka ba makikipag-ayos kila ama at ina?" tanong ko sa kanya at mukhang nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ang tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko kasing maging kompleto ang pamilya natin. Ayaw ko naman na wala ka sa piling ng anak natin." sabi ko sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Darating din tayo dyan. Pangako." sabi niya sa akin at hinalikan ulit ako sa labi bago umalis.

Red's POV

Nang makarating ako sa tarangkahan ng Muspelhiem ay agad akong hapaluhod sa sobrang sakit ng sikmura ko at napa-ubo ako ng dugo.

"Mukhang nangyayari na ang sinasabi ko sayo." sabi ng isang pamilyar na boses na nasa harapan ko kaya tiningala ko siya.

"Hel... Anong nangyayari sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sayo na ialay mo na si Bella sa akin kasama ang supling na nasa loob ng tyan niya. At mas pinapadali mo ang kamatayan mo sa patuloy na pag-gamit mo sa kapangyarihan mo." sabi niya at ini-angat ang aking baba para makita ko siya dahil naka luhod na ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Anong mangyayari kapag hindi ko inalay sayo si Bella at ang anak namin?" tanong ko sa kanya.

"Mamatay ka. Magiging walang saysay lang ang sinakripisyo ng kapatid mo. Asan na ang plano mong paghihiganti. Diba yun naman ang kagustuhan mo. Red." sabi niya akin.

"Nasa iyong mga kamay ang iyong magiging desisyon. Siya at ang anak mo o ikaw at ang kapatid mo lang ang magsasakripisyo." sabi niya at inilapag ang dalawang bote sa harapan ko na may mga sulat kung para saan ang mga ito.

"Inumin mo na ito. Para magawa mo ng maayos ang misyon mo. Sandali lang ang epekto nito sa katawan mo. Kaya kung ako sayo mag disesyon ka na." sabi niya sa akin at inilapag pa ang isang bote na naglalaman ng gamot saka siya naglaho ng parang bula sa harapan ko. Agad ko naman itong ininom upang magbalik ang lakas ko.

"Patawad Bella." sabi ko at kinuha ang bote.

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥

Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update

Arigato salamuch hamnida 😘

[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now