CHAPTER 18: His Daughter

512 33 10
                                    

Dedicated to shyrieghn

Red's POV

Matapos mawalan ng buhay si Bella at agad akong pinalibutan ng maitim na usok ni Hel at dinala ako pabalik sa Muspelhiem.

"Nasaan ang katawan ni Bella?" tanong ko sa kanya. Ang buong akala ko ay dinala niya ito.

"Iniwan ko sa selda mo. Hayaan mo munang paglamayan ang iyong pinaka mamahal na babae." sabi niya at naglaho nalang na parang bula.

Unti-unti ko na ding nararamdaman na bumabalik na sa dati ang lakas ko at mas higit pa doon. Ngunit ano pang silbi ng lakas at kapangayrihan kung wala na ang taong dahilan kung bakit patuloy parin akong lumalaban.

Sa sobrang inis ko ay pinagbabasag ko lahat ng mga bagay na makita ko sa aking kwarto. At nagmumukmok sa isang sulok. Mga ilang sandali pa ay may pumasok nalang sa loob at hindi nag-atubiling kumatok.

"Kakatapos lang ulit linisan dyan at palitan ng mga gamit sinira mo nanaman?!" naiinis na sabi ni Surtr at naupo sa kama.

"Anong kaylangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman gusto ko lang mangumusta. Sa tingin ko natapos mo na ang misyon mo kay Hel. Anong susunod mong gagawin. Kung wala ka pang balak na matino sa bubay mo pweding dito ka nalang muna. Wag mo ulit sisirain ang mga gamit mahirap bumili ng ganito sa midgard." sabi niya sa akin at iniwan niya lang ako.

Cresent Kaisler's POV

Hinanap ko si Bella sa kanyang kwarto ngunit wala siya kaya nag desisyon akong pumunta sa selda ni Red baka hinihintay niya lang itong magising.

Napatakbo ako ng makita si Bella sa sahig at walang malay. At wala doon si Red.

"Bella?" tawag ko sa kanya at tinapik tapik ang pisngi niya upang magising ito pero ganon nalang ang gulat ko nang maramdaman kong malamig na ang kanyang katawan at wala na din siyang pulso.

"Wala na siya..." hindi makapaniwalang sabi ko at umiiyak habang tinatawag si Luna upang tawagin sina ina at ama. Mga ilang minuto lang ay dumating na sila.

"Bella?!" umiiyak na sigaw ni ina habang umiiyak na niyakap ang walang buhay na katawan ni Bella. Ganon din si ama. Ngayon lang nila nakapiling ang nawawala nilang anak pero bakit ganto ang nangyari. Ang bilis naman siyang kinuha sa amin.

"Ina bakit hindi siya tuluyang naging abo?" tanong ko at dinahulan naman ako ni Luna at itinulak ang maliit na bote na naglalaman ng lason.

Umigting ang panga ko sa sobrang galit. Ibig sabihin ay pinainom siya ni Red ng lason kaya ito nakatakas. Naisahan niya nanaman ang walang malay kong kapatid.

"Nakatakas si Red matapos niyang painumin ng lason si Bella. Matagal ang magiging epekto nito sa katawan niya kaya may ilang araw pa bago siya tukuyang maging abo." sabi ko at ibinigay ang bote na may lalagyang lason.

Binitbit naman ni ama si Bella at dinala sa bulwagan ng palasyo. Nagpagawa siya nga kabaong na yari sa salamin at doon inihiga at inalayan ng mga puting rosas na paburito niyang ilagay sa kanyang silid.

Red's POV

Narito ako ngayon sa kaharian ng Allensworth habang naka-tanaw sa palasyo mula sa malayo.

"Hindi ka ba pupunta?" tanong ni Surtr mula sa likuran ko. Bakit ba sinama ko pa ang isang ito.

"Ano pang silbi. Ako ang dahilan kung bakit wala na siya." sabi ko at nag-lakad na papunta sa pentagram na ginuhit ko.

"Surtr, maraming salamat. Hindi na ako babalik sa Muspelhiem siguro dadalawin nalang kita paminsan minsan. Kaylangan ko munang hanapin ang sarili ko." sabi ko sa kanya at pinatakan na ng dugo ang pentagram na ginawa ko.

Ilang buwan akong naging palaboy laboy sa midgard. Hindi naman pulubi. Tulad lang ng isang normal na tao na may tahanan at pagkain. Habang naka-higa ako sa aking higaan at malalim ang iniisip ay bigla nalang may kumatok sa bintana ko.

"Ano nanaman bang pakulo it--" naiinis kong binuksan ang bintana ng binili kong condo unit. Ngunit natigilan ako ng makitang hindi si Surtr ito. Isa itong batang babaeng mukhang isang manika at tatya kong limang o anim taong gulang pa lamang ito. Naka upo ito sa bakal ng terrace ng aking unit. Agad kong binuksan ang pinto.

"Sino ka?" bored kong tanong sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot at deretso lang siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at inilibot ang paningin.

"Hoy bata tinatanong kita kung sino ka?!" naiinis kong sabi at pinalibutan ko siya ng mga bolang apoy. Hindi naman siya nagulat o umiyak. Humarap siya sa akin na walang imosyong makikita sa mata niya.

"Kaya mo bang saktan ang anak mo?" tanong niya sa akin at naging pula ang kaninang kulay kayumangi niyang mata at at ang kulot at dilaw niyang buhok ay naging pula rin.

Ipinadyak niya ang kanyang paa sa sahig at may lumitaw na isang simbulo ng rosas. Bigla nalang lumiwanag ng kulay pula ang paligid ipinkit ko ang mata ko dahil nasisilaw ako. Sa isang iglap lang ay bigalang lumamig kaya iminulat ko ang aking mata.

"Malapit nang magsimula." walang emosyon niyang sabi at inangat ang palad niya para saluhin ang snow na nahuhulog sa kalangitan.

"Ang alin?" tanong ko habang yakap yakap ang sarili dahil sa lamig.

"Ang ragnarok." sagot niya. Hindi ko na talaga makaya ang lamig dahil wala rin akong suot sapatod at nilalamig na ang paa ko.

"Saan mo ako dinala?! At sino ka bang bata ka?! At ano bang sinasabi mong ragnarok?!" naiinis kong sabi sa kanya. Ganon parin ang mukha niyang walang imosyon.

"Ako si Lily Allenswoth Vonvellrie. Wag kang mag-alala ama nasa Pilipinas parin tayo na walong taon na ang nakalipas. Ang ragnarok ay ang katapusan ng buong mundo ang labanan sa pagitan ng Aesirian Gods. Nalalapit na halos 3 taon na ang Fimbulwinter." sabi niya sa akin. Ibig sabihin ay magkakaroon ng snow dito sa Pilipinas matapos ang walong taon?!

At ano raw?! Anak ko siya!

"Haha...Wag ka magbiro---" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko dahil ibinato niya sa mukha ko ang makapal na jacket kaya sinuot ko ito dahil nilalamig na din ako. Gumawa din ako ng bolang apoy at ipinaligid sa akin upang mas mainitan ako.

"Sumunod ka sa akin." utos niya at sinundan ko siyang malakad hanggang sa nakarating kami sa isang bahay na yari sa kahoy.

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥

Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update

Arigato salamuch hamnida 😘

[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now