Book Cover By moonwarden
Red's POV
Habang nasa kasiyahan ay hindi ko.maialis ang tingin ko kay Bella. Hindi parin ako makapaniwala na malaki nga ang ipinagbago niya sa nakalipas na walong taon.
Napansin kong naglakad siya palabas kaya agad ko siyang sinundan. Kung hindi ako nagkakamali ay pupunta siya sa bukal na paborito niyang puntahan. Dahil doon ang daan na tinatahak niya.
Napahinto siya ng mapansing wala nang tubig ang bukal at tuyo na din ang mga bulaklak sa paligid nito.
"Bakit ka nandito?" tanong niya at inilabas ang kanyang espada ngunit hindi siya lumilingon sa akin. Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya lumabas ako sa batong pinagtataguan ko.
"Ang laki ng ipinagbago mo." bulalas ko sa halip na sagutin ko ang tanong niya sa akin. Lumingon siya at walang ano mang emosyon ang bumabakas sa mukha niya dahil na rin siguro sa suot niyang maskara.
"Wala ka paring pinagbago makalipas ang walong taon. Wala ka na ring pake kung may nagbago man sa akin o wala. At isa pa, layuan mo si lily!" sabi niya sa akin at ibinuka na ang kanyang itim na pakpak at sinugod ako gamit ang kanyang espada.
"Anak ko rin siya!" inis na sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya ng pagak.
"Wag kang magpatawa. Baka nakakalimutan mong ipinagkaluno mo kami kay Hel. Salamat sayo dahil nagkaroon ako ng malakas na kapangyarihan." sagot niya at lumipad paalis.
Napaluhod nalang ako sa batuhan dahil wala akong magawa para bawiin sila kay Hel. At ang mas malala pa ay wala akong magawa para hindi sila madamay sa Ragnarok.
"Ay nakalimutan ko bang sabihin na malaki ang ipinagbago niya sa nakalipas na walong taon? Sa tingin mo di pa siya naka move-on sayo. Hello hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo." sagot ni Lily na bigla nalang sumusulpot sa likuran ko habang may hawak na plato at puno ng inihaw na karneng baka.
Napangiti nalang ako bigla ng malala ko na yan ang pagkain pinaglilihian ni Bella noon.
"Gusto mo?" alok ni Lily sa akin ngunit umiling lang ako at naglakad paalis. Sumunod naman si Lily sa akin.
Kung wala akong magagawa sa hinaharap gagawa at gagawa ako ng paraan sa nakaraan.
"Alam mo ba kung paano makapunta sa Ashgard?" tanong ko sa kanya.
"Anong gagawin mo doon?" tanong niya sa akin.
"Gusto kong malaman ang puno't-dulo ng kaguluhang ito." sagot ko sa kanya. Napangisi naman siya at nagumpisa na siyang palabasin ang mga ugat ng rosas at lumikha ito ng sarili niyang bersiyon ng pentagram. Sa isang iglap ay nakarating ma kami sa labas ng kaharian ng Ashgard.
"Isuot mo ito upang hindi tayo makita." sabi ni Lily na may inabot na kulay itim na baluti. Nakita ko namang suot niya ito at bigla nalang siyang naglahong parang bula.
Isinuot ko na din ang baluti at nakikita ko siya mula sa loob nito.
"Saan ka kumuha nito?" tanong ko sa kanya.
"Sinabi sa akin ni Skud na sasabihin mong pupunta tayong Ashgard kaya kinuha ko ito kay Hel ng palihim." sagot niya sa akin at nauna ng naglakad sinundan ko naman siya. Dumaan kami sa isang malalim na balon at may lagusan sa ilalim nito.
Nilangoy namin iyon kahit na malalim ang tubig upang makarating na kami sa tunnel na daraanan namin ay medyo makakahinga na kami dahil may espasyo ng hangin sa taas ng malaking tunnel.
"Paano mo nalaman ang secretong daan dito sa Ashgard?" tanong kong muli sa kanya.
"Kung saan saan ka kasi nagpupunta kanina kaya hindi mo nalaman ang mga plano at hakbang ni Surtr. Nakita ko din ang mapa ng mga pweding lagusan papasok sa Ashgard. Nagiging delikado ang buhay ko dahil sa katangahan mo." sabi niya sa akin.
"Ano naman ang ibig mong sabihin doon?" tanong ko sa kanya.
"Wala, kalimutan mo nalang." sabi niya at lumusong ulit sa tubig kaya sinundan ko uli siya.
Umahon kami sa isang malawak na liguan dito sa ilalim ng palasyo.
"Dito naka kulong ang Jurmongad noon." sagot niya saka umahon na.
"Yung halimaw sa dagat diba ang laki non?" tanong ko sa kanya.
"Oo, pero di pa yun gaano kalaki noon kaya dito siya namamalagi. Bago siya ilipat sa katawan ng tao na nasa Midgard." sagot niya at nagpatuloy nang maglakad.
Habang naglalakad kami sa pasilyo ay nakasalubong kaming dalawang lalaking nag-uusap habang ang isa naman ay galit na galit.
"Paanong nakatakas si Loki sa kwebang yun?!" inis na inis na sabi ng lalaki sa kanya. Sino ba ang tinutukoy nilang Loki.
"At ang balita ko ay nagsisimula na silang maghanda para sa gagawing digmaan." sagot ng kasama niyang lalaki. At may lumapit na babae sa isang lalaki.
"May aasikasuhin pa ako." sabi ng lalaking kinausap ng babae at umalis.
"Yun si Odin at siya naman si Thor." turo ni Lily sa kanilang dalawa.
Habang palakad lakad kami sa buong palasyo ay napadako ang tingin ko sa sa lalaking nagngangalang Thor na naka tayo sa isang statwa.
Lumapit ako sa kanya at napansin kong umiiyak siya.
"Pagbabayaran ni Loki ang ginawa niya sayo!" inis na sigaw ni Thor habang naka kayo sa harapan ng statwa ni Baldir at naka kuyom ang kamao.
Baldir: the god of light
Yun ang naka sulat sa statwa. Ibig sabihin ay pinatay ni Loki ang lalaking ito. Kaya gusto niyang maghiganti at yun ang maglilikha ng Ragnarok.
Umalis na si Thor habang ako naman ay nanatiling naka tayo sa statwa ni Baldir. Kung maililigtas ko siya sa nakaraan may posibilidad na mababago ang kasalukuyan.
"Paano ka naka pasok dito?" tanong sa akin ng boses babae kaya lumingon ako sa aking likuran.
Paano niya ako nakikita gayong naka suot ako ng baluti.
"Paano mo ako nakikita?" tanong ko sa magandang babaeng may dilaw na buhok.
"Isa ito sa mga kapangyarihan ko." sabi niya at naglakad papunta sa statwa at inilapag ang kulay puting rosas na hawak niya.
"Anong kailangan mo at pumunta ka sa Ashgard?" tanong niya sa akin.
"At bakit ko naman sasabihin sa isang kalaban ang pakay ko." sagot ko sa kanya.
"Sige kung yan ang nais mo." sagot niya naupo say ilalim ng puno.
"Ang lalaki sa statwa. Bakit siya pinatay ni Loki?" tanong ko sa kanya.
"At bakit ko naman sasagutin ang tanong ng isang kalabang gaya mo." sagot niya sa akin na animo'y ibinalik lang sa akin ang sagot ko kanina. Napabuntong hininga ako at sinagot ang unang tanong ko kanina.
"Maniniwala ka bang nangaling ako sa nakaraan at balak kong pigilan ang mangyayaring ragnarok." sagot ko sa kanya agad niya naman akong nilingon at may gulat na expresyon.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida 😘
YOU ARE READING
[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)
VampireWarning: SPG Completed Maiintindihan niyo naman ang flow ng story kahit hindi niyo basahin ang book 1. Pero kung curious kayo hehe... Beke nemen pow Book 1: My Hot Professor Is A Vampire (Availble on Dreame) _________________________________________...