Dedicated to conelgerivee
Red's POV
Hinintay ko ang tamang araw at oras kung kelan mamatay si Baldr at minayagang mabuti ang mga kilos ni Loki.
kasalukuyan akong nandito nanunuood sa isinasagawang pagdiriwang sa Asgard.
Mula sa kalayuan ay nakita ko si Loki na pangisi-ngisi at mukhang may binabalak na hindi maganda.
Pasemple siyang lumapit kay Hodr at ipinigay ang pana at may binulong na kung ano. Sa na ay tumangi pa si Hodr sa binulong ni Loki pero wala din siyang nagawa kundi ang isentro ang pana kay Baldr.
Inihanda ko na din ang pana ko upang pigilan ang binabalak niyang pag-atake. Nang pinakawalan na ni Hodr ang palaso ng kanyang pana ay isinalubong ko din ang pana kong may apoy upang hindi ito derektang tumama kay Baldr.
Tumama ang palaso niya sa isang bagay dahilan para magkasunog sa lugar at magkagulo ang lahat ng tao. Tila nadismaya naman si Loki dahil hindi niya nagawang daplisan si Baldr kay kumuha pa siya ng isang palaso at sinubukan itong tirahin.
"Itigil mo yan!" sigaw ko sa kanya mula sa kanyang likuran. Ibinaba niya naman ang hawak niyang pana dahil naka layo na si Baldr.
"At sino ka naman para pigilan ako." sagot ni Loki sa akin.
"Pinapasabi ni Skud na ikakamatay ni Baldr ang binabalak mong gawin na pagtama ng palaso. Dederetso ang palaso sa puso niya na dahilan ng kamatayan niya. Kapag namatay si Baldr matinding parusa ang sasapitin mo dahilan para magkaroon ng ragnarok." sagot ko saka umalis na sa lugar na yun.
"Ayh... Nakakabagot naman! Bakit ba masyadong pakialamera ang Skud na yan! Makaalis na nga lang. Leche!" inis niya sabi at itinapo ang hawak niyang pana sa kanyang likuran ay sumakay na sa malaking itim na lobo.
"Nasaan na si Bella?" tanong ko kay Hel ng maka balik ako ulit sa Helhiem matapos ang ilang linggong pagsubaybay ko kay Baldir.
"Bumalik ka kaya sa Muspelhiem baka nandoon lang ang hinahanap mo." sagot ni Hel sa akin.
"Ibinalik ko siya doon at inilagay sa isip niya na sumama ka sa kanya at wala siyang naalala tungkol sa kontara natin." sagot naman ni ulit ni Hel.
"Maraming salamat Hel." sagot ko sa kanya saka umalis na sa lugar na yun at bumalik na sa Muspelhiem.
Pagdating ko doon ay nakita ko si Bella na naliligo sa bukal kaya napangiti ako at nilapitan siya.
"Red saan ka ba galing bat ang tagal mong bumalik! Tignan mo ang laki na ng tyan ko!" pagrereklamo niya sa akin. Agad ko siyang sinungaban ng yakap at halik.
"Hindi na ako aalis sa tabi mo. Pangako." masayang sagot ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Oo nga pala, bukas na bukas makikipag-ayos na ako sa iyong ama at ina." naka ngiti kong sagot ka kanya habang naka titig sa maamo niyang mukha.
"Hindi ba't kinupkup mo ako at dinala sa lugar na ito?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Ang totoo niyan Bella nagsinungaling ako sayo. Huwag kang mag-alala gagawin ko ang lahat upang maging maayos ang lahat. Tatahakin natin ang panibagong buhay na magkasa at bubuo ng masaya nating pamilya." masayang sabi ko habang naluluha. Napangiti naman si Bella at pinahid ang aking luha.
"Sasamahan kita sa desisyon mo kahit saan ka man magpunta o kung anong landas man ang tahakin mo." ani nito sa akin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang kasiyahan kaya naman ay agad ko na siyang sinungaban ng mainit na halik.
Hel's POV
"Alam mong mangyayari ang bagay na to?" tanong sa akin ni Surtr na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.
"Oo, pinaikot-ikot ko pa si Red hahaha..." natatawa kong sagot sa kanya dahilan upang hilutin niya ang kanyang sintido.
"So masaya ka na niyan?" sarcastic niyang tanong sa akin at pinameywangan ako kaya naman ay napataas ang kilay ko sa inakto niya. Kahit hari siya at kapatid ko siya ay wala siyang karapatang umasta ng ganyan sa harapan ko.
"Oo malamang. Nagtagumpay na ako na baguhin ang hinaharap at naging maayos na ang magulang ni Lily. Gusto ko lang naman itama ang mga nagawa ko sa kanila noong nakalipas na limang libong taon. Dahil sa akin ay matagal naulila si Lily. Ngayon ay isisilang na siyang muli at makakasama ang magulang niya." sagot ko kay Surtr habang naka tingin sa hawak kong mansanas na nabalot ng pula at nabalot din ng salamin na bigay sa akin ni Lily bilang pasasalamat.
"Ang totoo niyan, ipinakita ko lang sa kanya kung anong nangyari noong nakaraan nilang buhay hindi ang hinaharap. Ang Ragnarok ay matagal nang natapos ang mundo ay unti-unti nang bumabagon at umuusad. Habang tayong mga naiwan ay unti-unti ding nakakalimot sa sakit na dulot ng digmaam." ani ni Hel habang nakatingin sa hawak niya.
"Anong ibig mong sabihin? Nang araw na dinala siya na nagpakita si Lily sa kanya ay dinala lamang siya nito sa ilusyon?" nagtatakang tanong ni Surtr sa kanya.
"Ganon na nga. Iyon naman talaga ang kapangyarihan ni Lily. Bali ipinaalala lang niya ang mga nangyari noon!" asik niya rito.
"Kahit pala ang reyna ng hell ay may puso rin. Nakakatawa..." ani ni Surtr ay naglakad na palabas ng kanyang palasyo. Napairap naman si Hel sa kawalan dahil sa inakto ng kapatid niya.
~♥~ Wakas ~♥~
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida 😘
YOU ARE READING
[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)
VampireWarning: SPG Completed Maiintindihan niyo naman ang flow ng story kahit hindi niyo basahin ang book 1. Pero kung curious kayo hehe... Beke nemen pow Book 1: My Hot Professor Is A Vampire (Availble on Dreame) _________________________________________...