Dedicated to xoxobobby
Red's POV
Nang makabalik na ako sa kaharian ng Allensworth ay agad akong pumunta sa kwarto ni Bella dala dala ang bote na binigay sa akin ni Hel.
Binuksan ko ang bintana niyang hindi naka lock.
"Patawarin mo ako Bella." sabi ko at binuksan ang bote na binigay ni Hel ibubuhos ko na sana yun sa bibig ni Bella ngunit itinabig ito ng kung sino.
Shit nasundan pala ako. Pupulutin ko na sana dahil nakalahati nalang ito ngunit agad niyang tinapakan ang bote kaya nabasag ito.
"Cresent!" sigaw ko sa sobrang inis at inilabas ang espada ko at binalutan ng apoy. Nagpakawala siya ng matatalim na yelo ay nagsimula akong patamaan.
Dahil sa ingay ng labanan namin ay nagising si Bella.
"Red! Kuya! Itigil niyo na ito!" sigaw ni Bella at pinigilan si Cresent pero tila wala itong narinig kaya hinarang nalang ni Bella ang sarili niya. Matatamaan na sana siya ng matalim na yelo pero agad ko din siyang niyakap at hinarang ang sarili ko kaya ako ang tinamaan ng matatalim na yo sa likod.
"Red!!!" sigaw ni Bella at niyakap ako habang umiiyak.
"Gagaling din ang sugat niya Bella. Isa siyang bampira." sabi ni Cresent at lumapit sa akin bago ako nawalan ng malay.
Bella's POV
Umalis si Cresent upang tawagin ang ibang kawal para kunin si Red.
"Saan niyo siya dadalhin?" nag-aalalang tanong ko dahil sugatan si Red at maraming dugo ang lumalabas sa sugat niya.
"Dadalhin siya sa kulungan ng palasyo. Hindi gumagana doon ang kahit na anong mahika at kapangyarihan." sabi niya at sinundan ko sila kung saan nila dinala si Red. Dito pala ang kulungan sa pinaka ilalim ng palasyo.
"Bakit hindi pa gumagaking ang sugat niya at mas lalo pa itong lumalala?" tanong ko kay Cresent at nakikita ko nanamang nangingitim parin ang ilalim ng mata ni Red.
"Kukuha lang ako ng pweding pang gamot." sabi ko kay Cresent at bumalim na sa itaas.
Matapos niyang kumuha ng pang gamot sa sugat ay ako na ang nagprisentang manggamot kay Red matapos yun ay nilagyan ko ng makakapal na kumot ang lapag na pwede niyang higaan dahil malamig ang sahig sa lugar na ito.
"Tinangka ka niyang lasunin pero tinutulungan mo parin siya? Tama na ang pagpapakatanga mo sa kanya Bella." inis na sabi ni Cresent sa akin matapos kong gamutin ang sugat ni Red.
"Kung pagpapakatanga nga ang magmahal tanga nga siguro ako." sabi ko at nilampasan niya. Masakit ang loob ko sa ginawa niya kay Red gayong mukhang may dinaramdam ito at ayaw niya lang ipaalam.
Umakyat na ako sa aking silid upang magpahinga dahil hindi ako naka tulog ng maayos kaninang umaga at pagod pa ako sa byahe namin kaninag madaling araw galing sa kasiyahan sa kaharian ng mga werewolves.
"Napaka-hangal talaga ni Red. Mas pipiliin niya pang mamatay kesa ialay ang buhay mo." sabi ng isang nakakatakot na babae at naka suot ng itim na damit at may itim na pakpak.
"Sino ka?" matapang kong tanong sa kanya.
"Ako si Hel. Ang reyna ng Helhiem." pakilala niya sa kanyang sarili at naupo sa mesa.
"Anong kaylangan mo? At anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Matagal nang patay si Red pero dahil hiniling ng kanyang kapatid na si Acrine na mabuhay siya ay binigyan ko siya ng tatlong kondisyon. Ang unag kundisyon ay ang buhay ni Acrine. Pangalawang kundisyon ay ialay ka pagsapit mo ng ikaw labing walong taong gulang. At ang pangatlo ay ialay niya ang magiging anak niya sa taong mahal niya. At dahil nandyan na din ang kanyang anak at ikaw mas pinabilis ng kasunduan ang pag-alay niya sayo kaya ngayon ay naghihirap siya. At kapag hindi niya nagawang tapusin ang kundisyon ay magpapatuloy ang parusa niya. Hindi nga siya mamatay kundi maghihirap siya sa matinding sakit na nararamdaman niya kada isang oras ang lumipas." sabi niya sa akin kaya napaluha nalang ako. Ibig bang sabihin nito ay kaya ako inilayo ni Red ay para gawin ang kundisyon ni Hel at hindi para makapaghiganti kila ama at ina.
"Pero sa nangyayari ngayon Bella. Mas pipiliin niyang mamatay kaysa ang isakripisyo kayo ng iyong anak. Lahat ng pinaghirapan niya ay masasayang lang dahil sa isang pagkakamali. Ang mahulog sayo. At ang boteng ito ay naglalaman ng isang tubig na kapag iyong ininom ay mawawa ang alaala mo tungkol sa kanya at ang maalala mo lang ay ang buhay mo dito sa palasyo. At hawak niya ngayon ang lason na ibinigay ko. Kahit inumin niya yun ngayon ay hindi yun uubra hanggat hindi ito naiinom." sabi pa niya at ipinakita ang isang bote na may lamang gamot.
"Gising na siya." sabi niya pa ulit at pumaligid sa amin ang itim na usok at nang mawala ito ay nasa loob na kami ng selda ni Red. Agad ko siyang nilapitan at niyakap habang umiiyak.
"B-Bel-la." nahihirapan niyang sabi sa akin at umubo nanaman siya ng may kasamang dugo.
"Ano na ang desisyon mo Bella?" tanong ni Hel sa akin habang naka-lutang siya sa haggin na akala mo ay may inuupuan at ang isang binti niya ay naka patong sa isa.
"Iinumin ko na yan." sabi ko at akmang tatayo na sana pero hinila ni Red ang aking palda upang pigilan ako.
"B-Bella h-huwag..." nahihirapan niyang sabi.
"Magiging ayos lang ang lahat Red. Ayaw kong habang buhay ako habang ikaw naghihirap." sabi ko sa kanya at sapilitang hinila ang aking palda at kinuha ang bote kay Hel.
"Hel tulungan mong makaalis si Red sa lugar na ito. Pakiusap." sabi ko sa kanya habang patuloy na umiiyak.
"Mahal na mahal kita." lumuluhang sabi ko habang naka tingin sa kanya at tuluyan nang nilagok ang laman ng bote.
"Bella!!!!" narinig kong sigaw ni Red habang unti-unti nang dumidilim ang paligid.
Nakakalungkot hindi manlang namin nasilayan ang aming magiging anak. At bumuo ng isang masayang pamilya nang magkasama.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida 😘
YOU ARE READING
[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)
WampiryWarning: SPG Completed Maiintindihan niyo naman ang flow ng story kahit hindi niyo basahin ang book 1. Pero kung curious kayo hehe... Beke nemen pow Book 1: My Hot Professor Is A Vampire (Availble on Dreame) _________________________________________...