CHAPTER 22: The Aesir Gods

365 21 0
                                    

Dedicated to Park_AiraMae95

Red's POV

Napailing siya sa sinabi ko.

"Wala ni sino man ang kayang gumawa non." sagot niya.

"Gusto mong malaman kung anong ikinamatay ni Baldir kaya ka nandito?" sabi niya sa akin saka tumayo.

Ano bang trip ng babaeng to? Maganda sana pero parang may sayad lang.

Naglakad siya papalapit sa akin at ilang inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad naka kilos.

Sa isang gilap lang ay nakita ko nalang siyang naka higa sa damuhan dahil sa lakas ng pagtulak ni Lily sa kanya.

"Ano sasabihin mo ba sa amin kung anong dahilan ng pagkamatay ni Baldir!?" tanong ni Lily habang nasa ibabaw siya ng babae habang kine-kwenelyuhan niya ito.

"At sino ka nanaman." kalmadong sagot ng babae sa kanya.

"Ako lang naman ang anak ng taong nilalandi mo!" inis niyang sagot habang ang babae ay napatawa ng pagak.

"Hindi naman halata. Ang pangit mo kasi at ang gwapo niya. Sino ba ang nanay mo bata at sa kanya ka ata nag mana." sarkastikong sabi ng babae kaya sa sobrang inis ni Lily ay inilabas niya ang mala galamay ng gagamba at itinutok ang lahat ng talim niya dito. Nagsimula na ding umiba ang anyo niya na para bang maya't maya lang ay magiging halimaw na siya.

Napabuntong hininga naman ang babae bago sumagot.

"Sige na nga sasabihin ko na pero bago yan hayaan niyo muna akong magpakilala. Ako si Freya the god and beauty and lust. Kapatid ko si Baldr the god of light." pasimula niya.

"Si Loki ay isang tricker god at hindi maiiwasang gumawa ng bagay na nakasanayan niya na talagang gawin. Una hinahayaan lang naming lahat yun pero ng dahil sa pagiging tuso niya at mapagbiro ay napatay niya si Baldr na ikinagalit ni Odin." kwento niya.

"Ano ngang dahilan ng ikinamatay niya?" tanong ni Lily na hindi na makapaghintay. Kumukulo ata ang dugo niya kay Freya.

"Araw ng kasiyahan noong sa palasyo. Inutusan ni Loki si Hodr the blind god na daplisan si Baldr ng pana." sagot ni Freya at itinuro ang naka sulat sa bato kung kelan ang araw na yun.

"Bakit niya naman ginawa yun?" tanong ko. Ang shunga naman kasi alam niya ngang bulag yun pa pinatama niya.

"Kasi hindi siya naniniwala na napaginipan ni Baldr ang pagkamatay niya." sabi ni Freya.

"Kaya niya yun pinatamaan." sabi ni Lily na tumango-tango pa.

"Pero bakit gusto ni Loki na maghigante gayong siya naman ang may kasalanan." tanong ko sa kanya at napaupo nalang sa may damuhan.

"Hinuli siya at ikinulong sa kweba na may malaking ahas sa kanyang uluhan. Sa bawat tulo ng kamandag ng ahas sa balat niya ay matinding sakit ang mararanasan niya. At hindi ko alam kung paano siya nakatakas doon. Siguro ay tinulungan siya ng isa sa mga anak niya." sagot ni Freya.

"Si Hel ang tumulong sa kanya. Mga ilang araw mula ngayon ay magsisimula na ang digmaan. Ang tinatawag nilang Ragnarok. Dahil halos mag ta-tatlong taon na ang Fimbulwinter." sagot ni Lily.

"Nakuha na namin ang mga kailangan naming impormasyon. Maraming salamat. Dahil sa sinabi mo gusto kong bigyan kayo ng babala. Magtalaga kayo ng bantay sa tarangkahan sa oras na sumulpot na ang dalawang lobo sa kalangitan ng Midgard yun na ang hudyat ng aming pag-atake dito sa Ashgard. Ngayon palang ay sarahan niyo na ang lahat ng sekretong daan dito sa palasyo. " sabi ni Lily at aaktong aalis na.

"Bakit mo ba sinasabi ito bata?" tanong ni Freya.

"Dahil babaguhin namin ang hinaharap." sagot ni Lily at inayos na ang suot naming baluti upang hindi kami mapansin ng mga bantay sa paligid.

Tatlong buwan na pala ang nakalipas simula ng namalagi ako ulit dito sa Muspelhiem kaya napagdesisyunan kong mamasyal muna sa Midgard.

Nagsuot ako ng makapal na balabal at baluti. Dahil hindi pa sapat ito upang di ako malamigan ay agad kong inilabas ang apoy kong kapangyarihan at ipinalibot ito sa akin sapat upang mainitan ako.

Habang naglalakad ako sa dalampasigan na nababalutan ng yelo ay napansin ko ang mabahong amoy ng malaking balyena at mga naka lutang na isda sa karagatan.

Namatay kaya sila dahil sa lamig ng tubig? Nilapitan ko ito at may napansin akong may kulay berdeng malapot na likido na nakapalibot sa dagat.

Tulad ito ng tubig kung saan sinabi ni Lily na namalagi noon ang Jurmongan. Nakabalik na kaya ito sa dati niyang anyo makalipas ang walong taon?

Bigla nalang kumulimlim ang buong paligid kaya tumingala ako kung anong meron sa kalangitan at napansin kong nawal nalang bigla ang araw at may pula at malaking lobo ang dumaan.

Dahil wala nang araw ay napalitan ito ng buwan. Bigla namang may lumipad din na kulay bughaw at malaking lubo at kinain ang buwan. Ibig sabihin kinain din kanina ng pulang lobo ang araw?

Bigla nalang dumilim.ang paligid at ang tanging liwanag nalang na nakikita ko ay ang apoy na nakapaligid sa akin.

Paano nangyari yun? Hindi naman dito sa earth ang araw kundi nasa labas ng atmosphere?!

Sa oras ma sumulpot na ang dalawang lobo sa kalangitan ng Midgard yun na ang hudyan ng aming pag-atake dito sa Ashgard.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Lily na ito na ang hudyat ng pag-atake nila sa Ashgard kaya dali-dali akong gumawa ng pentagram sa nyebe at pumunta sa Ashgard

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa itaas ng bundok sa parang nang huli akong pumunta dito ay napakarami pang mga halaman at puno ngunit ngayon ay wala na tanging mga abo at uling nalang ng kahoy ang natira na para bang sinadyang sunugin.

Natanaw ko mula sa ibaba ang paglusong ng mga kawal sa unang tarangkahan ng Ashgards wall at sinusubukang itong sirain.

Mula sa kalangitan ay sumulpot si Thor at ibinagsak ang kanyang malaking martilyo sa tulay ng Asgard wall. Dahil sa lakas ng pagbagsak nito ay nahulog ang ibang mga kawal at mga halimaw na gustong sumira sa Ashgard wall.

Hindi din makapasok ang mga Erinyes dahil may invisible na harang sa itaas ng palasyo at nakita ko sa taas ng palasyo si Freya.

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥

Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update

Arigato salamuch hamnida 😘

[R-18] Kidnapped By The Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now