Hetong nadarama
Pilit na itinatago
Isinantabi
Para sa tamang tao--
Heto nanaman
Nagiisip kung anong ilalaman
Sa sulat para sa sinisinta
Kahit puso nya'y para sa iba--
Ngunit
Kahit anong pilit
Puso'y nasusumamo
Na sana puso mo'y maaamo--
Paglipas ng taon
Ako'y umaaasa
Na ang iibigin mo
Ay ako naman sana--
Kaya't anong magagawa?
Kung iniibig mo naman ay iba
Pilit na tatanggapin
Kaya'y sakit ay aakuin--
-chessy
2020
YOU ARE READING
Random Thoughts
PoetryJust random thoughts and poems by me :> I don't often write poems but here is some I wrote a year ago or months ago and I feel like it wouldn't hurt if I publish some. I'll also try on writing new ones so yea, enjoy!