Ako na sana
Pero dumating ka--
Ako ang kayakap
Pero ikaw ang sinisikap--
Ako ang kasama
Pero ikaw naman ang gustong makita--
Ako na nariyan palagi
Pero tatakbo siya sa iyo parati--
Ako na matagal ng nakilala
Pero ikaw na isang buwan pa nakikita--
Ako na akalang hinihintay
Pero ikaw naman ang inaantay--
Ako ang nasaktan ng patago
At ikaw nama'y nagtagumpay sa pag-amo--
Ako na pinangakuan
Ngayon ikaw na raw ang pakakasalan--
Sa akin na sana siya
Kung hindi ka dumating pa.--
-chessy
YOU ARE READING
Random Thoughts
PoetryJust random thoughts and poems by me :> I don't often write poems but here is some I wrote a year ago or months ago and I feel like it wouldn't hurt if I publish some. I'll also try on writing new ones so yea, enjoy!