Ang Pamamaalam

14 2 1
                                    

Gaanong sakit na ang nadarama,
Di naman niya nakita ang pagdudurusa.

--

Itago man o ipakita,
Ang manhid lang talaga niya.

--

Di makita na naroon ka,
At sa iba nakatuon ang mga mata.

--

Ilang beses nang isinantabi,
Para lamang may ngiti sa kaniyang labi.

--

Ako ay lalayo na,
Para naman ako ay sasaya.

--

Sasaya sa piling wala ka,
At alam kong ako na.

--

Ako na mamahalin muna ang sarili,
At kakalimutan ang sakit na nananatili.

--

Kaya paalam sa iyo,
Kakalimutang ako'y napaibig mo.

--

-chessy

2020

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now