Part 14

218 10 1
                                    

Keisha's POV

Maaga akong pumasok sa school dahil dadaan pa ko ng library kasi kailangan kong magreview sa darating na quiz bee

At syempre freshhh na ulit ako, di na ko sabog na ewan...dahil pinilit kong makafocus sa mga ginagawa ko at sakto na rin ako sa tulog...

At ngayon ay nasa loob na ko ng library at sobrang tahimik, akala ko nga walang tao eh...

Parang gusto kong mangprank dito, kunwari may sunog para naman maranasan din nila ang maingay na paligid.....nakuuu ang library namin dito parang quiet place..bawal makarinig ng kahit anong ingay dahil may parusa tch.

Ilang minutes din ay lumabas na ko ng library, at pag kalabas ko ay nakita ko namang pumasok ng library si Russ..

Gusto ko sana syang tanungin kung anong gagawin nya kaso wag nalang, di rin naman sya namansin eh...

Naglakad na ko papunta sa room at sakto namang nasa loob na ang mga hangal kong kaibigan...

"Woyyy Besssss nagreview ka??" Tanong ni Rose.... Tumango nalang ako sabay upo sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko..

"Balita namin magkalaban daw kayo ni Cath sa quiz bee?" Sabi naman ni Clarissa kaya napatingin ako sa kanila

"Magkalaban??" Pag uulit ko...tumango silang tatlo "huh? Pano nyo nasabi??" Tanong ko

"Ganto kasi yan, kanina nakasalubong namin yung ex mo--este si Russ...then magkasama sila ni Cath...tapos narinig namin na tinanong ni Russ si Cath kung nakapagreview na ba..ang sabi naman ni Cath di pa, pero kailangan daw nyang magtodo review dahil magkalaban kayo" pagpapaliwanag ni Nicolette

Napahawak nalang ako sa noo ko sabay minasahe iyon...grabe magkalaban pala kami

*lunch break*

Nasa cafeteria na kami...then as usual kumakain sila habang ako nagrereview lang...

Ambad nga nila kasi inilayo nila yung mga pagkain sakin, dapat daw magfocus lang daw  ako sa reviewer ko tsk! Unfair!

"Gutom na kooo" angal ko...napatingin naman sila sakin "hoy babae, tignan mo nga sila Cath at Russ nagrereview ng walang pagkain" turo ni Kyle

"Tss feeling genius naman yang si Cath eh noh" sarcastic na sabi ni Rose..tumango naman sila Clarissa

Napatingin naman ako sa direksyon nila Russ...makikita mo talagang masaya si Cath sa piling ni Russ, samantalang si Russ, seryoso lang ang mukha..

Haysssssst nakuuu..

"Hoy baka naiinggit ka na naman sa kanila" inirapan ko nalang si Kyle "Di kaya" pagdedeny ko "sowws" sabi naman ng tatlo

Tumayo naman ako at pumunta ng Cr.. Grabe talaga silang mang asar tch.

Pagkalabas ko ng cubicle, nakita ko namang pumasok si Cath at humarap sa salamin para mag ayos ng mukha samantalang ako naghugas na lang muna ng kamay..

"Nagrereview ka na??" Tanong nya...napatingin ako sa kanya sa salamin "A-ahm oo eh" maikling sagot ko "Sa tingin mo mananalo ka??" Nagulat naman ako sa tinanong nya

"Hindi" maikling sagot ko ulit, ngumisi lang sya bago magsalita ulit "I know na mananalo ka, pero di ako papatalo...goodluck nalang sayo" sabi nya sabay labas ng cr..

Sa bagay , matalino din naman si Cath kaya alam kong matatalo nya ko...

Pagkapunta ko sa room, nakita ko namang magkausap sila Russ at Cath sa harapan ng room namin....as in closer ang pag uusap nila kulang nalang maghalikan habang nag uusap *roll eyes*

Dumiretso na ko sa upuan ko "Bess nakita mo??" Tanong ni Clarissa..."Hayaan mo na yon" sabi ko

Bigla namang pumasok si Cath sa room  dahil nandyan na daw si Prof...

Ilang oras din ang lumipas at tapos na ang lahat ng subject namin so uwian na...pagkalabas ko ng room hayst nakita ko si Russ na parang may inaantay sa room namin at si Cath yon..

Dumiretso nalang ako ng lakad, di muna ko uuwi kasi dadaan muna ko saglit sa library...

Mga ilang oras lang din ay natapos na ko sa pagrereview sa library, kailangan ko na daw umuwi sabi nung nagbabantay don.....

Di na mag aalala si mama kasi sinabi ko na sa kanyang dumaan ako ng library at dadaan ako sa bahay nila Russ baka kasi madumi na don...

Pagkababa ko ng jeep, saktong bukas ang ilaw....imposibleng nandyan si Russ, ang alam ko kasi sa pamilya nya sya natutulog...

Eh bat may ilaw?? Siguro at nakalimutan nyang patayin..

Pagkalapit ko ay agad kong hinawakan ang doorknob at yon ay bukas, kaya diretso ko iyong binuksan...

Nakita ko naman sa sala si Russ at si.....Cath....maghahalikan sana kaso napahinto sila ng mapansin nila ko

"K-keisha??" Patay! "S-sorry, naisturbo ko kayo...ghe ituloy nyo na yan" sabi ko sabay takbo palabas at agad pumara ng jeep...

Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon, iba pa rin kasi pag sa harapan mo mismo nangyari eh tch.

Shettttt dapat kasi di ka na pumunta don Keisha eh......T____T

Siguro dapat ko na syang iwasan baka kasi sabihin ni Cath na di pa ko nagmomove on at may balak pa kong agawin si Russ sa kanya...

Nakarating ako sa bahay......di  naman sila nagtaka kung bat ako ginabi ng uwi at di rin nila  pinansin ang itsura ko kaya dumiretso na ko ng kwarto at doon nagmukmok

Hayssttttttttt ang saket parennnnnn

_______________________________________

Sorry for typo errors and wrong grammar guysss

^^PRANKING MY BOYFRIEND^^ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon