Keisha's POV
Ilang linggo na din ang lumipas simula nung nangyari sa bahay namin ni Russ.....Iniiwasan ko na rin sya dahil don sa nangyari...
Ayoko ng makagulo pa kaya naman, pinipilit kong lumayo kahit masakit...
Narealize ko na mahal ko pa rin sya....narealize ko na kahit ang sakit na, sya pa din ang gusto ko!
Hayssst, gusto kong bawiin si Russ pero mukhang huli na ata ako....ang pag kaka alam ko kasi sila na ulit ni Cath...
At wala na kong pag asa pang makuha sya kaya lalayo nalang ako......
By the way, nasa isang restaurant ako..gusto ko lang magpawala ng stress....
Nanlaki naman ang mga mata ko nung makita ko si Cath, then kumaway sya sakin na parang close kami...
"Oh Keisha, nandito ka pala" sabi nya sabay upo... Obvious ba na nandito ako??
"Hmm bakit nandito ka??" Tanong ko, ngumiti naman sya ng slight
"Well, gusto ko lang maghang out mag isa, then exactly nakita kita" she said while smiling widely..
"Aah heheh" sabi ko sabay higop ng milktea "Ahm Keisha... pwede mo ba kong samahan mag shopping??" Nagulat naman ako sa favor nya....tae toh, ano? Close ba kami??
"Hmm..sure" taena pumayag ka din self eeh
"Great, lezz gooo" Sabi nya sakin sabay hila palabas ng restaurant
Pumunta naman kami ng mall, at nagsukat sukat ng damit....yeah madaldal sya at masarap kasama, pero nagtataka naman ako bat naman nya toh ginagawa sakin...
Pumunta naman kami ng salon at nagpaayos kami ng buhok, binilhan nya din ako ng mga make up kits......eeh ayaw ko nga ng ganon tas pinipilit nya ko...
"Wag ka ng mahiya, just accept it...cause it's my treat" ngumiti nalang ako ng pilit....
Marami pa kaming ginawa then dumaan din kami ng NBS para mamili ng wattpad books...mahilig din daw kase sya don
Natuwa naman akoo sa kanya, kase para syang bata na ang alam lang eh puro gastos...
"Hehe nageenjoy ka ba??" Tumango naman ako
"So let's go in Starbucks" wahhhh ang gastos na nya
"T-teka bakit mo ko, nililibre?? May nagawa ba kong mabuti sayo??" Tanong ko...
"Basta....." Sabi nya nalang....
Pagtapos namin sa star bucks, pumunta din naming enchanted kingdom...
At marami pa kaming pinuntahan, nakoooo baka singilin ako neto...
Medyo gabi na kaming naka uwi, then nagtaka nga si mama kung new friend ko daw ba si Cath kaya pinapasok nya na muna sa loob ng bahay...
Hayssst gusto kong sabihin kay mama na, si cath ang umagaw sa boyfriend ko! Hmp!
"Napakaganda naman ng kaibigan mo anak" napangiti nalang ako ng pilit "Ayy heheh thank you po" sabi nya Kay mama
Hay nakoooo pakitang taoooooo -,-
Masaya naman silang nagkwentuhan ni mama then eto ako nakikinig nalang sa usapan nilang dalawa.....
"Woy ma, gabi naaa..baka mapagalitan pa sya ng mama nya" nakita ko namang lumungkot yung mukha nya
"Heheh okay lang yon, wala na kong mommy eh at saka si Daddy, hinahayaan nya lang ako kung san man ako magpunta" she said
Parang naguilty naman ako sa salitang mapangit ang ugali nya...
Sa tingin ko spoiled sya....
"Heheh sigeee po, mauna na po ko...maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin sa bahay nyo" ngumiti naman kami ni mama
Sinamahan ko naman sya palabas sa gate namin..."ahm kaya mo na bang mag isa??" Tanong ko baka kasi makidnap sya dyan eh..halata pa namang mayaman
"Heheh oo naman, hmm thanks sa pagsama sakin kanina....inaamin ko nag enjoy ako dun, its my first time na may makasama ako sa mga outings ko" she said with full of sincerely
Naspeech less naman ako sa sinabi nya, ang alam ko kasi may mga magagara syang friends..
"Heheh wala yon, ano ka ba" sabi ko sa kanya...ngumiti naman sya at saka nag lakad ng paalis.......
Papasok na sana ko ng bahay ng marinig ko syang sumigaw..."Keishaaaa, good luck bukas sa quiz bee" she said sabay sakay ng taxi
Napangiti nalang ako sa sinigaw nya, Kaya sumigaw den ako kahit di na nya ko maririnig...
"Good luck den sayooo"
Nang makapasok ako sa loob, dumiretso naman ako sa kusina at nagsimula ng hugasan ang mga Plato..... agad naman akong chinika ni mama...nakooo si mama talaga
"Anak, sobrang yaman ba nun??" Tumango ako sa tanong ni mama habang hinuhugasan ko ang plato
"Mag kalevel ba sila ni Russell nak??" Nakooo si mama talaga oh
"Opo" maikling sagot ko "Eh bat parang di kayo close??" Nakoo di talaga kami close non..
"Ewan ko ma---aray naman maaa" binatukan naman ako ni mama....feeling bagets potekkk
"Ano ka ba, dapat kinakaibigan mo yung mga ganon, nakapunta ka na ba sa bahay nila??" Hayst umirap nalang ako at umiling
"Maa may pagkamukhang pera talaga kayo, porket mayaman aabusuhi------Aa-aah aray aray maa" huhu kinurot ako ni mama sa tagiliran ko, taeee sya
"Kaw talagang bata ka ..teka, may kumpanya din ba sila??" Haysttt puro tanong si mama
"Opo, meron" maikling sagot ko..
Sana talaga matapos na ko sa paghuhugas ng makalagpas na ko sa mga tanong ni mama
"Eh anak, kaklase mo ba yun?? Nililibre ka ba nya sa cafeteria nyo tuwing recess??" Juskooooo parang reporter talagaaaa
"Ma, reporter ka ma??" Pilosopo kong sabi sa kanya, umirap naman si mama
Ang attitudeeee ni mama...
"Mahal ko kayo kaya sasagutin ko yung tanong mo ma.....opo kaklase ko pa sya pero never nya kong nilibre sa lunch" sabi ko sabay punta sa harap ng pinto ng kwarto ko
Magsasalita pa sana si mama kaso pinigilan ko na " Heppp, tama na ang pagtatanong...naantok na ko ma heheh goodnight muaah" sabi ko sabay sarado ng pintuan ko
Haysss si mama talagaaa, kung alam nya lang talaga....
At saka bat kaya yon bumait?? Tsk!
______________________________________
Sorry for typo errors and wrong grammar hehehz
BINABASA MO ANG
^^PRANKING MY BOYFRIEND^^
Fiksi RemajaAng sarap sa relasyon yung hindi lang puro seryosohan..para saken mas masarap yung tipong ipaprankkk mo yung taong mahal mooo hihi like surprise jokeee Di naman masama yung trip mo yung mahal mo eeh, ang masama kung totoo yung ginawa mo...yun yung m...