Keisha's POV
One week ago. At sobra sobra na ang pagpapapansin sakin ni Russ. Pero simula nung umabsent si Cath, parang di na sila nagpansinan ni Russ.
Then yung malala, si Kyle na yung lagi nyang kasama. But Kyle was still giving a time for us, para daw di unfair. Nagagalit tuloy sa kanya si Rose. Hayst.
Ang dami ng nagbago, at ngayon eto na nga pababa na ko ng jeep para pumasok.
Pagdating ko sa gate, binigyan naman ako ni Manong guard ng flowers. "Ayy hehe, para san po toh??" Tanong ko pero di man lang ako sinagot. "Pasok na po kayo" napatango nalang ako, at dumiretso na sa loob.
Pagdating ko sa loob. Halos lahat ng students na nadadaanan ko, binibigyan ako ng mga bulaklak.....
Putcha mamamatay na ba ko??....asan na ba yung mga kaibigan ko??
Mahigit benteng lalaki ang nagbigay sakin ng bulaklak. Ang gagwapo pa, para sakin din ba sila? Charr.
Pagtingin ko sa building, may tarpaulin don na bigla nilang ibinaba. At nakalagay don, 'I STILL LOVED YOU KEISHA! AND I'M READY TO PROVE MY LOVE FOR YOU. CAN YOU GIVE ME A CHANCE??'
0___0?????
Nagulat naman ako ng may tumugtog na gitara sa likuran ko. At narinig ko naman ang boses nya.
"Keisha, this is for you. Listen" sabi nya at nagsimula ng galawin ang strings ng gitara nya. Habang ako tulala lang at hiyang hiya na dahil sa dami ng taong nakapaligid samin.
(Midnight Sky by Unique Salonga )
"Every time in my mind, I'm telling myself. Should I be? Who will be? The man that will hold your hand~~" ngumiti naman sya sakin at nagpatuloy na ulit sa pagkanta.
"Whenever I close my eyes, I can see your lovely smile. And I open it again then I see, the midnight sky~~
Chorus:
Wishing that I'll be. The man that you'll touch and see.~~
I'll give my love that can't explain, we will be running in the rain. And I will hold your hand~~
Hold my hand~" napaluha nalang ako ng di ko namamalayan."Hmmm~........Hmmm~" himinto na sya sa pagkanta, at saka lumapit naman sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"I'm sorry for everything. Di ko sinasadya love. May deal kami about company, dahil tinutulungan ng family ko ang business nila." Paliwanag nya, habang yung luha ko patuloy pa rin sa pag agos.
Sa tingin nyo ba, dapat pinakinggan ko na sya simula palang nung una? Hayst.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon.
"D-dapat na ba kitang pagkatiwalaan u-ulit??" Utal kong sabi.
Tumitig lang sya sa mga mata ko..
"Oo, pagkatiwalaan mo na ulit sya Keisha." Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Ito nga pala yung buong sound record na pinarinig ko sayo, kasi ang totoo pinutol ko yun nung una. Pero ito, worth it pakinggan. I'm sure na mapapangiti ka." She said while wearing a genuine smile.
" Alam mo Keisha, naiinggit ako sayo. Lalo na sa pamilya mo, pati sa kabaitan mo. Hehe nung una kitang nakabonding, naisip ko na maling inagawan kita. Pero mahal ko pa rin kasi si Russ nun eh, pero nalaman ko na ikaw pa din ang mahal nya. Sobra. I realized na maling magmahal ng taong may mahal ng iba. I did my best for him, pero lamang ka pa din. Buti nalang nandyan si Kyle, pinasaya nya ko. Pinaramdam nya na hindi ako nag iisa." Tumingin naman sya kay Kyle. Habang pinupunasan ang mga luha nya.
"He was amazing, so Kyle thank you for everything. And you Russ, thank you for understanding me. Keisha, thank you for all. Thank you everyone. At ngayon aalis na ko, kaya wala ng makakagulo sa inyo. Magtatransfer na ulit ako sa America. So please, give him a second chance to loved you again." Ngumiti naman sya sakin habang hawak ang dalawa kong kamay
"Totoo ba yang mga sinabi mo??" Tanong ko, baka kasi nagpapaawa effect lang sya.
"Oo naman. Sa haba ng mga sinabi ko sa tingin mo nagsisinungaling ako??" Natawa naman ako sa sinabi nya. "Ows. Let me hug you Keisha." Niyakap ko naman sya ng mahigpit.
"Thank you, Cath." I whispered at her. She smiled at me.
"Good bye, thank you again." She said at nagsimula ng maglakad. "Cath. Your always welcome." Sabay yakap ni Russ sa kanya.
"Sandali. Ang totoo magtatransfer na din ako sa America, para makapag aral ng photography." Nagulat naman kami sa sinabi ni Kyle.
"Totoo ??" Tanong namin sa kanya. Tumango naman sya "Yup. Heheh take care always Keisha. Wag na wag mo na syang sasaktan ulit Russ." Tumango naman si Russ. At saka sila nagsimulang maglakad.
Lumingon naman ako Kay Russ...."Yiieee comeback! Comeback! " sigaw naman ng mga nasa paligid namin.
"Russ. I giving you a chance to loved me again" sabi ko, habang nakatingin sya sakin.
Bigla naman nya kong niyakap.
"Thank yoouuu love! I love yoouuu!" Sigaw nya. At hinalikan ako sa noo kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao
"I love you too!" I said while smiling widely.
____________________
BINABASA MO ANG
^^PRANKING MY BOYFRIEND^^
Teen FictionAng sarap sa relasyon yung hindi lang puro seryosohan..para saken mas masarap yung tipong ipaprankkk mo yung taong mahal mooo hihi like surprise jokeee Di naman masama yung trip mo yung mahal mo eeh, ang masama kung totoo yung ginawa mo...yun yung m...