Chapter 7

6 0 0
                                        

Jad's Pov

Dumating ang biyernes, ang araw ng practice namin sa taekwando. Nung elementary sinali na ako ni mama sa taekwondo class para daw kaya ko ang sarili ko laban sa mga masasamang tao. Ngayon ko lang ulit naibalik ang hilig ko dahil required sa graduating na tulad ko ang sumali sa mga clubs. 

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at di na ako sumabay pauwi dumeretso ako sa practice room at agad nagwarmth up. 

Inaayos ko ang mga gamit ko ng biglang umingay. Parang mga nagkakagulong mga babae Anung ingay yun? May artista ba?

"Grabbeeee. He's so hot bagay na bagay sakanya ang uniform ng taekwondo." Dinig kong sabi ng isa

"Oo nga Mae sana mapansin nya tayo. Ayyiiieee"

-.-

Buti  na lang talaga at wala sa mga kaibigan ko ang humahabol sa mga lalaki at nagsusumigaw ng ganyan. 

Nang maayos ko ang gamit ko agad na nagtawag si coach at agad naman akong tumayo nang pag harap ko ay.... 

**LUNOK**

O_o

Si Oliver? oo si Oliver ang isa sa mga gwapo sa campus namin at kinababaliwan din ng mga kaibigan ko ay di pala sina Bal, Aivee, Leigh at Jes lang samakatuwid tatlo lang kame nila Clang at Zyxel ang walang gusto sa kanya. 

Naku kung andito din ang mga kaibigan ko baka buong praktis ko nakabantay sila. 

Agad akong napapitlag kakatitig sakanya  ng magsalita si Coach.

Okay class so please introduce yourself in front..  para naman magkakakilala tayo dito. Si Coach

Nakabilog kame habang naka indian sit. 

'Tss sa harap ba talaga diba pwedeng dito nalang sa pwesto kung saan nakaupo na kame.Tatayo pa eh Jahe amp.'

A-aahh Coach. lakas loob ko. 

Yes?

Pwede bang wag nalang po sa harap kahit  dito nalang po  habang nakaupo? 

Sure kung dyan kayo komportable basta lakasan nyo na lang boses nyo. Okay so we'll start with you. Turo nya sa katabi nyang lalake

Hi friends ako pala si  Crisanto Castro Cris for short. 

My name is Gabriel Alcantara you can call me Gab.

Wena Collins. Nakangiting sabi nya. Tatlo lang kameng babae at apat naman ang mga lalake. 

Tumingin ako sakanya Hmp maganda, maputi, matangkad at mukha namang friendly. 

At pang lima ay ako 

A-ah Hi. M-my name is Jadine Zabala but you can call me Jad. Pilit ang ngiting bati ko.

Meron pang sumunod sa akin at nang matapos ay si Oliver na. 

Hello guyyss.. kaway na bati nya. Im Oliver Pangilinan you can call me Oli or Ver hahaha kung san nyo gusto pero mas okay pa din ang Oliver ahahaha  birong sabi nya. 

Natawa naman ang ilan sa amin. Akalain mong kengkoy din pala tong lokong to kala ko mayabang lang..  karamihan kasi sa mga kakilala kong ganitong itsura ay mayabang.. at kapag nalalaman ng madaming nagkakagusto mas lalong yumayabang... 

Okay class at ako nga pala  si Coach Maddy. Im hoping na ibibigay nyo ang best nyo dahil di lang to para sa club para na rin to sa school dahil makikipag compete tayo sa ibat ibang school and Im hoping nothing but the best from you. Understood? paliwanag ni Coach

Yesss Coach sabay na sabi namin

Sabay sabay kameng tumayo at tatlong boys ay  aligaga namang tinulungan si Wena maliban lang kay Oliver. 

Maganda kasi di na ako magtataka. 

Nagstretching kame at nagpractice lang ng mga basic. 

Agad ko namang inayos ang mga gamit ko nang matapos ang praktis at saka umupo sa tabi ng bintana at nilabas ang cellphone.

Nagchat ako sa gc namin

Nakauwi na ba kayo? chat ko

Yep. Am so damn tired ang dami namang kinabisadong sayaw.  reply ni Jes

Me too. si Aivee

Di ko na inantay pa ang mga iba pa at agad binulsa ang celphone. 

"Ayiiieeee.... Tara papicture tayo sa kanya"

" Di ba nakakahiya? baka masnob lang tayo"

"Di no!!! Anu kaba Aproachable kaya sya"

"O sige sige. Tara naaa..."

Dinig kong bulungan nga mga babae sa gilid ko. Nasa labas sila ng practice room namin at inaantay na makalabas ang prince charming nila. 

'Tch mga abnormal. Ganyan ba talaga sila parang di nakakakita ng gwapo? Sabagay gwapo naman kasi kaya.. Bulong na sabi ko nang biglang may nagsalita sa likod ko. 

Ako ba yung gwapong tinutukoy mo? 

*LUNOK*

>_<

Agad akong nahintoi sa ginagawa ko nag marinig ang pamilyar na boses. 

'Letse narinig ata ako'  Nakakahiya baka isipin din nyang may gusto ako sa kanya. 

Unti unti kong inangat ang ulo ko at paglingon ko ay nakayuko saken si Oliver. 

W-what? sabi ko

Ako ba kako yung gwapong tinutukoy mo? paguulit nya habang nakangiti. 

Ayy wow.. whoah..  akalaing mong summer ngayon pero parang biglang may dumating na bagyo  pagpaparinig ko..  kunwaring kausap ang sarili ko. 

Bwahahahaha. Okay then..  bye and take care.. nakangiting sabi nya na talaga namang nilabas pa and dimple. Tss pacute ang king ina. 

Agad kong binilisan at agad na nakarating sa parking lot. Nagmamadali akong nagsuot ng helmet at agad na umalis. 

Bilis..  bilis.. baka maabutan pa ako. 

Bahay

Friends Over LoveWhere stories live. Discover now