Jes' Pov
Dumeretso ako sa paborito kong bar pagkatapos naming magtalo ni Jad.
Sobrang badtrip...di ko maintindihan kong bakit kailangan nya kameng pagsekretuhan. Kung pagiging childish ang tingin nila saken wala akong pake.. Di naman sa dahil gusto ko si Oliver kung bat ako nagkakaganito kundi dahil kay Jad because of her for being secretive.
Buti na lang at maagang nagbubukas ang bar na to. Pumasok ako agad at dumeretso sa bar island.. Di pa ganun kalalim ang gabi kaya wala pa masyadong mga tao.
Umorder ako ng tequila..
"Hi mam Jes. Medyo napaaga po kayo ngayon ah." sabi nang waiter at mabilis namang lumapit saken nang maupo ako.
"Mmm. Maagang nabadtrip eh." sabi ko at ininum ang binigay nya saken na tequila.
Nababadtrip ako dahil ngayon lang nangyari samin ang magkasagutan ng ganun.. Uminum ako ng uminum hanggang sa di ko na namalayan na napadami na pala ang inum ko.
Tinignan ko ang relos ko at laking gulat ko ng makitang alas nwebe na pala.
Shit...!!
Dumaan muna ako sa cr para magretouch para makauwi na din. Nang malapit na ako sa cr ay may biglang humila saken sa madilim ng parte ng bar.
Medyo madilim sa parteng yun kaya di ko maanigan ang mukha nya. Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at nagsalita.
"Hi sweetie."
Muntik na akong matumba ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
Si lavacake. O_o
"W-what are you doing here?" tanung ko sa kanya.
"I just sense na nandito kaya dito ako dinala ng mga paa ko." naniningkit ang mga matang sabi nya.
"Come with me dun ako nakaupo." sabi nya at hinila ako sa may couch na malapit sa stage. May mga kasama syang tatlong lalake medyo pamilyar saken ang mga itsura nila pero dahil sa tama ng alak di ko matandaan kung saan ko sila nakita.
Pinakilala nya ako sa mga kasama nya at binati naman ako ng mga ito tanging tango lamang ako nagawa ko. Nang makaupo kame ay binigyan nya ako agad ng beer ng tulad ng iniinum nila.
"Here.. Mukhang may problema ka na naman ata kaya ka nandito."
"Wala naman. Trip ko lang uminum ngayon.. Eh ikaw ba??"
"As I've said i sensed that you're here that's why im here." sabi nya sumandal sa couch at nilagay ang kanang kamay sa likod dahilan para mukhang nakaakbay sya saken..
Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya at mukhang marami na rin ang nainum nya. Mya mya lang ay sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko.
"Come with me." sabi nyang pabulong.
Nabigla naman ako sa sinabi nyang yun. May tama na ako ng alak pero alam ko pa din ang nangyayari sa paligid ko.
Pero masyado syang gwapo para tanggihan ko. Ayokong sumama ang loob nya saken.
"Hmmm. Sure." saka ako tumingin sa kanya.
Napaayos naman sya ng upo ng marinig nya ang pagsangayon ko sa alok nya.
Kinuha nya ang beer na hawak ko at binaba sa mesa agad naman nya ako hinila patayo at mabilis kameng lumabas sa bar.
Tahimik kameng nakarating sa parking at mabilis na nakasakay sa kotse nya.
Para akong napako sa kinauupuan at di ko magawang magsalita. Natatakot akong magtanung kung saan kame pupunta.

YOU ARE READING
Friends Over Love
Teen FictionSina Zyxel, Jes, Clang, Bal, Aivee, Leigh at Jad ay magkakaibigan simulang nung first year high school pawang magagaan ang loob nila sa bawat isa simula pa lamang nung unang araw nila sa eskwelahan. They found each other a sister, a bestfriend, a jo...