Zyxel's Pov
Lumapit na samin si Jad pagkatapos ng practice sparring nila.
"Nice fight." seryosong sabi ni Bal.
Huh??? Di ko malaman kung compliment ba o pangaasar ang pinapakita ni Bal sakanya.
"We didn't know that you're that 'Good' in sparring." si Jes.
Tsk tsk tsk. Isa pa to. Anu bang meron?? Bat parang wala sila sa mood
Di sila inimikan ni Jad at agad na nagayos ng gamit saka lumabas. Para naman kameng tanga na sumunod din sa kanya palabas.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming lima.
Maaga pa pero nakakapanibagong wala man lang nag ayang gumala.
Dumeretso kame sa room at kinuha pa ang ilan sa mga gamit namin na naiwan dun. Naglalakad na kame palabas ng school ng wala pa ding gustong magsalita.
Why o why oliver..
"Hmm." sinadya ko ang umubo para naman mawala ang tensyon na namamagitan samen.
"Lets have milktea.. Im craving." nakangiti kong sabi sa kanila.
Pero wala akong nakuhang sagot sa kanila kaya tinuon ko na lamang ang tingin ko sa daan.
Nakarating kame ng parking area ng......
"Kelan mo ba balak sabihin samin?" seryosong sabi ni Jes kay Jad bago pa man ito makarating sa motor nya.
Napatingin kame lahat tanung nyang yun.
Seriously?? Dahil kay Oliver?? Kaya nagkakaganyan??
"What?" mahina na tanung ni Jad pero dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig namin yun.
"Narinig mo ako kaya di ko na uulitin pa." at naglakad palapit si Jes sa kanya dahilan para lumapit na din kame sa kanilang dalawa.
Matagal silang nagtitigan ni Jes kaya naman..
"Mmm. Anu bang problema natin?? Bat parang ang bigat naman ata? Sarkastikong sabi ko. Pinilit ko paring magbiro sa kabila ng tensyon sa amin.
" Jad magsasalita ka ba? Sabi ni Bal
Mahihimigan mo sa salita nya ang isang tanung na kailangan ay may magandang sagot. Yung tinig na tanging sagot lang sa isipan nila ang kailangan isagot ni Jad at wala ng iba.
>>__<<
Tss.. Pati ba naman ikaw Bal??
Nagkatinginan kame ni Clang at bakas sa mukha namin ang pagkalito kung bakit ganun ang inaasta nila.
Tanging kame lang nina Clang, Jes, Bal at Jad ang nandun.. Si Leigh ay nauna na dahil mamimili pa ito para sa pagpunta nila s baguio at si Aivee naman ay umuwi na din dahil dumating ang dad nya.
Tinignan ko si Jad na kalmadong nakatingin lang kay Bal at Jes. Na parang walang kinalaman sa mga sinasabi nila.
Gusto kong matawa dahil nagkakaganun sila dahil lang sa isang lalaki and worst dahil lang sa crush nila ito..
We've been friends since high school pero kung kelan naging 4th year saka ganyan?? Tss Kalokohan!!
"Wala akong dapat sabihin sa inyo." seryosong sabi ni Jad
"Hahaha.. Sarkastikong tumawa si Jes. seryoso??.. Wala??.. Tatabalahin mo na ba kame ngayon?"
Di pwedeng magpatuloy ito baka magsabunutan sila.. Tsk tsk tsk.. Agad kong nilingon si Clang at sumenyas na sya na bahalang umawat.
YOU ARE READING
Friends Over Love
Teen FictionSina Zyxel, Jes, Clang, Bal, Aivee, Leigh at Jad ay magkakaibigan simulang nung first year high school pawang magagaan ang loob nila sa bawat isa simula pa lamang nung unang araw nila sa eskwelahan. They found each other a sister, a bestfriend, a jo...