Chapter 11

12 0 0
                                        

Zyxel's Pov

Dumaan muna ako sa gas station bago pumasok sa school. Motor ang gamit ko sa aming anim kame lang ni Jad ang nakamotor habang sina Bal, Jes at Clang naman ay nakakotse at hatid sundo naman sina Aivee at Leigh. Mas gusto ko ang motor dahil bukod sa mabilis ang byahe mabilis lang din itong ipark.

"Kuya full tank po" sabi ko sa isang boy.

" Yes mam" saka agad naman nilagyang ng gas ang motor ko. Napatingin naman muna ako sa kalsada nang mahagip ng isang pamilyar na lalaki ang tingin ko. Nakabukas ang bintana ng kotse nito at mabagal kung magpatakbo kaya kahit nakagilid sya sa gawi ko ay di ako magkakamali sa nakita ko.

Sinasabi ko na nga ba at sya yung nakita ko sa gym. Kahit nakatalikod ka kilalang kilala kita boy!!.

Pero anung ginagawa nya dun? Nagaaral???

>__<

Di pwede!!! Alam ba nyang dun ako nagaaral?? Sinusundan ba nya ako?? Pero bakit nya naman ako susundan?? Sunod sunod na tanung ko sa sarili ko.

Bumalik lang ako sa wisyo nang matapos na si kuya. Binigay ko naman ang bayad ko at agad na nagsuot ng helmet at mabilis na nakarating sa school.

School.

Parang wala ako sa sariling naglalakad papunta sa room. Puno pa rin ng tanung ang isip ko ng di ko namamalayan ay nasa harap ko na pala si Bal.

Nakamotor ka? Tanung nya habang nkatingin sa helmet ko.

Hindi. Dinala ko lang baka sakaling magamit ko sa tricycle. Seryosong sabi ko. Masyado akong seryoso ngayon kaya wala akong oras makipagbiruan sa mga tanung nyang wala sa ayos.

Hahaha. Korni mo talaga T. Dinig kong sabi nya saka tumalikod saken

Tss. Sabi ko nalang.

Bakit ba sya andito?? Bakit kelan ko lang sya nakita?? Baka di nya alam na dito din ako nagaaral kasi kung alam nya eh di sana matagal nya na akong hinanap. Pero matagal ng wala kameng communication simula nang umuwi ako galing Korea nung bakasyon. Galit pa kaya sya???

Matapos ang tatlo naming subject nung hapon na yun ay nagyaya naman si Jes sa practice para sa performance namin sa foundation day.

Matagal na kameng dancer sa school na to kaya kilala na din namin kung sinu sinu ang mga kasamahan namin sa club.

Dumaan muna ako sa cr para magpalit ng pang praktis na damit. Leggings at crop top ng maluwag ang suot ko saka ako nagrubber shoes ng white at tinali naman ang kulot kong buhok..

Nakapagpalit na din si Jes paglabas ko ng cr at agad kameng pumunta sa dancing room.

Agad naman kameng tinuruan ni Faye ng sasayawin namin sa foundation.

"Okay so 1.2.3.4 and then turn.. And wavee... And then turn.." Turo ni Faye

Tatlong kameng magkakatabi nila Jes Faye at ako sa unahan.

Agad ko naman nakuha ang step dahil kunti lang naman iyon at di mahirap kabisaduhin.

Mabilis na natapos ang practice namin. Dumaan muna kame ni Jes sa canteen.. nadatnan namin dun si Aivee at Jad nang makita naming may nag abot ng rose kay Aivee. Agad naman itong umalis at dumaan sa kabilang pinto.

Kunot noo kong sinundan ang lalaking nagbigay ng rose.

Huh?? At bakit may paabot sya ng rose?? Nililigawan ba nya si Aivee?? Pero bakit?? At pano nya naman nakilala to??

Friends Over LoveWhere stories live. Discover now