Oliver's Pov
Napansin ko na ang mga kaibigan ni Jad bago palang ako makapasok sa practice room.
Sopistikada..
Maarte..
Mayayaman..
Di mukhang friendly..
Pero..
Lahat sila magaganda..
Sana maganda din mga ugali nila..
Tsk tsk tsk..Pero sobrang layo ni Jad sa kanila.. Sya lang ang walang make up.. natural beauty.. May pagka boyish.. Seryoso pero mukhang mabait..
"Hi Jad." bati ko sa kanya.
Tinanguan lang nya ako at bumaling ng tingin sa mga kaibigan...nakatagilid kame sakanila kaya di ko maiwasan na mapatingin di sa mga ito.
Tss. Magaganda nga mga nakasimangot naman.
"Strengthen your body class.. we will do some basic sparring today."si coach
Agad kame nagsipagsunod kay coach at nagumpisang mag push up and sit up.
Mahalaga ang lakas ng katawan sa larong ito. It is required for many of the moves. And so, push-ups and sit-ups are there to help you gain that strength. From leg lifts to planking, there will be all kinds of strength exercises involved.
Pagkatapos naming naiwarmth up ang mga katawan namin ay agad namang nagbigay na sparring partner si coach.
"Cris will spar with Sarah." sabay turo ni coach kina Cris at Sarah
*TUG TUG TUG*
*TUG TUG TUG*
"Gab with Wena."
"Oliver with Jad. Pat will just stay watching tutal 4years na syang taekwondo player." dagdag ni coach
*LUNOK*
Kakalabanin ko si Jad???
"C-coach pwede po ba yun boy and girl?" tanung ko.
"Yes of course taekwondo is play regardless the gender."
But i cant fight with this girl!!
>>__<<
Habang pinapanuod ko sina Cris and Sarah ay di ako mapakali sa kinauupuan ko panay ang sulyap ko kay Jad na talaga namang seryosong nanunuod lang sa dalawa.
Nang matapos sila ay sumunod naman sina Wena at Gab. Panay parin ang sulyap ko kay Jad at di ko inaaasahan na magtatama ang paningin namin. Agad ko naman binawi ang paningin ko sakanya at agad na napayuko habang nilalaro ko ang daliri ko.
Kinakabahan na ako sa pwedeng maging resulta ng sparring namin ni Jad.. practice lang naman ito pero ayaw ko pa rin syang kasparring o kahit na sinung babae.
Taekwondo is play regardless the gender ika nga ni coach Oliver....
Nang matapos sila ay agad naman kameng tinawag ni coach napabuntong hininga pa muna ako ng malakas at dahan dahang tumayo.
"Are you okay?" tanung saken ni Jad.
"Ah haha yeah.. yeah.. im okay." pilit na ngiting sabi ko sa kanya.
"Good.. wag kang mailang saken.. Ako lang to." sabay ngiti na sabi nya.
"M-medyo lang naman baka kasi masaktan kita eh umiyak ka haha." biro ko sa kanya.

YOU ARE READING
Friends Over Love
Novela JuvenilSina Zyxel, Jes, Clang, Bal, Aivee, Leigh at Jad ay magkakaibigan simulang nung first year high school pawang magagaan ang loob nila sa bawat isa simula pa lamang nung unang araw nila sa eskwelahan. They found each other a sister, a bestfriend, a jo...