"Hi, sir," agaran kong bati para hindi magmukhang gulat.
Pero what the... I am holding his picture. Yakap yakap ko pa nga. Naibaba ko iyon sa mesa sa tabi. Napansin ko ring gabi na pala. Iginala ko ang paningin ko at nakapatay na rin ang TV!
"Sir, tinitignan ko lang kanina." Napaawang ang labi ko. Wala akong masabi. "Nakatulog lang ako... tapos, tapos, ewan." Yumuko nalang ako.
"It's okay." Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at inabot niya ang picture frame sa katabing mesa kanina.
Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Who's your crush?" Naglaro ang ngiti sa kanyang labi bago tumalikod para ibaling ang litrato kung saan ko kinuha.
Ano na namang naisip nito? Na gusto ko nga siya tulad ng sabi nina Jemimah? Lord, I'm ready to lose my job. Susuntukin ko na ang makapal niyang mukha.
"Ang kapal ng mukha mo, sir! Alam mo 'yon?" gigil kong sabi sa likod niya pero narinig naman niya.
"Hindi," tipid niyang sagot sabay sulyap sa tanawin.
The nerve of this guys to piss me!
"Hindi ikaw iyong crush ko, sir. Wag kang ano." Napaisip kasi ako sa sinabi rin nina Jemimah. Mukhang naniniwala siya roon.
Baka iniisip niya ring totoo ito, na nay gusto ako sa kanya dahil naabutan niya akong hawak ang litrato niya ng tulog. Shit! Umupo ako ng maayos at nagtanggal ng muta kung meron man.
"Kung hindi, wag mo rin akong tawaging sir." Sinulyapan niya ako at hindi natanggal ang ngisi sa kanyang mga labi. "And I'm not thinking about you having a crush on me," he said like it was disgusting.
Damn it! Nakakahiyang buhay. Sumunod ako nang dumiretso siya sa kusina.
"Sir, sir, sir. I won't allow that one."
Lumaki naman akong may respeto sa mga tao, ano. Umupo ako sa stool at pinagmasdan siyang pumunta sa ref.
"I will allow you though. Wag na maraming satsat. You better change. You look ugly. Bakit kaya ikaw ang napili ni mama?"
Natigilan ako. Tahimik akong pumunta sa kwarto at sumubsob sa kama. Hanggang dito pala may may ayaw sa akin? Namuo ang luha sa mga mata ko. Ano ba yan! Ang babaw ko. Agad akong tumayo at nag-shower na. Kagigising ko din pala kasi kanina naman. Parang feel at home pa ako. Nakakahiya.
Nag-chat ako sa gc namin bago ko naisipang humiga na. Wala akong ganang lumabas. Parang hindi ko kayang humarap sa kanya.
I was about to fall asleep while messaging my friends when I heard a knock.
"Neena." Napaupo ako bigla.
Kumatok siyang muli.
"Po?" Tumayo na ako at binuksan ang pintuan ng kaonti. Nanatili akong nakatingin sa paa ko. His large frame is invading the whole door like it was his.
"Sorry about that. What do you want for dinner?" Umiling lamang ako. Tinulak niya ang pintuan ko at napaatras ako. Pero hindi naman siya pumasok.
"Again, I'm sorry if I offended you."
Mamaya sabihin pa niyang ang arte ko kaya ngumiti ako at tumango tango nalang.
"Ayos lang po! Nakakahiya lang... na, hawak ko iyong picture niyo kanina. Promise, sir! Tinitignan ko lang iyon kanina."
Iyon nga ang nakakahiya Neena hindi ba? I heard him laugh. Nag-angat ako ulit ng tingin pero tiikom niya ang kanyang bibig. I saw his lips rose a bit for a smile he can't hide.
BINABASA MO ANG
To Have You (Serez Cousins #1)
General FictionSerez Series #1 "Now, there's no shutting down the lens because this is where I found her. I found her with my eyes and she's the one who captured my heart." She lies, she hides. She is the unwanted child. She is a sign of a mistake. She never felt...