Tahimik akong lumabas mula sa opisina ni Vin matapos basahin ang sulat doon. Iniwan ko na rin ito doon. Bakit? Sino ang gustong manakit sa akin? Sa harap ng papel ay ang buong pangalan ko. Sa likod noon ay ang mga salitang 'kailangan mong mawala'. Paano ito nalaman ni Vin? Higit sa lahat, kanino ito galing?!
"Let's go?" napatalon ako kay Vin na wala sa sarili kong nakasalubong.
Pupunta sana muna ako sa kwarto para mag-retouch. Pakiramdam ko kasi medyo na-stress yung mukha ko sa nabasa ko.
"R-retouch lang, ang tagal mo e!" Pinilit kong ngumisi at hindi na siya hinayaang sumagot.
Lumambas din ako kaagad pagkatapos. Nadatnan ko si Vin sa sala na ibinababa ang cellphone. Napapaisip tuloy ako kung sasabihin niya ba sa akin iyon. Sigurado naman akong nakita na niya dahil nasa drawer niya mismo.
"Wag na tayong pumunta." He pouted after scanning me.
"Maayos naman ang damit ko," sabi ko.
"Alright, it's simple but you're so beautiful-"
Tumatawa akong hinila na siya palabas ng unit. Ayokong magtagal kami doon at baka matanong ko na siya ng tuluyan. Shit! I will not probably stay happy later. Sinong magsasaya pagkatapos mabasa ang ganun?
"Boss!" Nadaanan pa namin si Mizuki na pabalik na yata sa sariling unit. Sumaludo siya kay Vin at tinanguan lang naman siya ni Vin.
"Neena, balik nalang tayo." Agad akong napatingin kay Vin na parang dismayado nang pinagbuksan niya ako ng pintuan.
Hindi ako sumagot at napansin ko ang paglingon lingon niya sa paligid. He really knew! At mukhang wala siyang balak sabihin sa akin.
"M-may... may gusto ka bang sabihin, Vin?" tanong ko nang makapasok na siya sa driver's seat.
"Let's not ruin the night for us," he whispered and smiled.
Another one! Mukhang alam niya ring alam ko na ang tungkol doon.
Napabuntong hininga ako. I need to call someone, really. Kung ano man ang ginagawa ni Vin tungkol dito ay kailangan kong malaman. Ako iyong binabantaan e. Napapaisip tuloy ako kung dahil din ba sa akin ang pamamaril sa kanila. Lastly, I must not let the Manzano know about this. Ayokong idamay sila.
Buong biyahe ay napuno iyon ng utak ko. Agad kaming nakarating sa Booze at nariyan lang si Vin sa gilid ko na tahimik. Dumiretso kami sa taas kung nasaan ang mga kaibigan ko. Naghiyawan naman ang lahat. Kami nalang ang wala roon.
Naramdaman ko ang hawak ni Vin sa baywang ko nang tumayo kami sa gitna ng tatlong sofa ng mga kaibigan namin.
"Grabe, grabe, ang init!" sigaw ni Jemimah nang umupo na kami.
"Vin, eto si Jilian ni Kathleen. Si Mico ni Shiela tapos eto si Keene ni Vanesa. Guys, ito si Vin boyfriend ni Neena," pakilala ni Angel na may kasamang tili.
"H-hoy! Anong..." angal ni Vanesa na nalunod sa kantyaw.
"Sige, itanggi mo!" tawa ko nang mag-blush siya.
"Not yet," sabi ni Keene habang kumikindat kay Vanesa kaya naghiyawan na naman kami.
Napatingin ako kay Vin na pinapanood lang ako. I smiled at him and he smiled back. Gumaan naman ang pakiramdam ko at hinayaan muna ang iniisip kanina. But I promise to myself that we will talk about it tomorrow. Right!
"You okay?" tanong ni Vin. Tumango lang ako.
Nagsimula na silang uminom kaya sumama na rin kami ni Vin. Tinatawanan pa namin si Jemimah na sumasayaw sa gitna ng table namin kapag umiinom ng shot niya. Nasa likod ko lang ang braso ni Vin at nasa gilid din siya ng sofa.
BINABASA MO ANG
To Have You (Serez Cousins #1)
BeletrieSerez Series #1 "Now, there's no shutting down the lens because this is where I found her. I found her with my eyes and she's the one who captured my heart." She lies, she hides. She is the unwanted child. She is a sign of a mistake. She never felt...