I blinked twice to make myself more awake. Napaupo ako sa kamang kinahihigaan ko. The room was covered with white sheets. The bed, the pillows, and the curtains. Bumukas ang pintuan kaya napatigil ako sa naiisip. In a black dress with a deep neckline and black stilettos, Chloe Chua graced her way to me, with a smiling face.
"Oh, hija! Gising ka na." She smiled at me.
Nanatiling naglalaro sa isipan ko kung bakit ako nandito.
"Your papa wants to talk to you. Halika, nasa dining siya." Inilahad niya ang pintuan na may ngiti ulit sa labi.
"Susunod po ako," sabi ko.
Tumango siya at nauna nang umalis. Things appeared on my mind. Dito ba ako dinala ng mga taong iyon kanina? At bakit kailangan pang ganun akong papuntahin dito?
Ginawa ko ang sinabi niya pagkatapos kong mag-ayos. Lumabas ako ng kwarto, only to find a maid waiting for me.
"This way, ma'am."
Sumunod lamang ako at natatanaw ko na ang hagdanan ng mansion na ito. Nakita ko din ang antigong orasan sa living room nang mapadaan. Alas singko na ng hapon! Ganun ako kahabang natulog?
"Hello, Neena!" Nasa gitna ng mahabang mesa si papa at tita Chloe na nagsalita habang nakataas ang kilay sa akin.
"Hello po," I greeted them.
"Dear, please have a seat," si tita Chloe iyon na inilahad ang upuan sa harap niya.
Hindi pa nagsasalita ang tatay ko na kasalukuyang sumisimsim sa isang mamahaling alak na siyang nakaupo sa kabisera ng dining.
"Why did you bring her here?" matigas na tanong nito sa asawa.
"John, don't be rude! Besides gusto ko na kayong magkaayos ng anak mo." Tita Chloe smiled at me. Hindi ako makangiti pabalik sa hindi malamang dahilan.
"Dear, kain ka na," malambing ulit ang boses ni tita Chloe sa akin.
Kahit hindi gutom ay tumango na lamang ako. I can't stop to think things with tita Chloe's gestures to me.
"Hija, I am planning to make you stay here already." Napainom ako ng tubig sa biglaang sinabi ni tita Chloe.
"Matagal ko naman nang alam ang tungkol sa iyo and it is really fine for me so I am suggesting that you just need a bond with your father."
"Ayos lang po ako sa tinitirhan ko ngayon," tipid kong sagot. Hindi a rin maintindihan ang nangyayari.
Kung ayaw sa akin ng tatay ko ay hindi ko ipipilit.
"Sige na hija. John, at least talk to your daughter. I heard ayos na kayo ng mama mo hija? At ng pamilya niya?" tanong ni tita Chloe kaya mabilis akong nag-angat ng tingin.
"Po?" Hindi ko na naiwasan ang pagkakakunot ng noo ko. Kanina lang iyon at papaano niya nalaman?
"Don't look at me like that. My amiga told me she saw you and her family in a restaurant this morning." Tumawa siya at ngumiti pagkatapos.
Now I find her something, I can't just tell it even in my head!
"Chloe, leave us for a while," sa wakas ay nagsalita na ang tatay ko at natatawang umalis ang asawa sa dining.
"Neena..." huminga siya ng malalim.
"Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko. I hope I can still pay you. Your tita Chloe is right. Kung pwede lang ay pumarito ka muna?"
Tinagilid ko ang aking ulo. Grading the atmosphere here, parang ayoko rito. At isa pa, naunang nag-aya sina mama. But everything is still overwhelming to me. Hindi pa ako sigurado at ngayo'y dinadagdagan ni papa!
BINABASA MO ANG
To Have You (Serez Cousins #1)
General FictionSerez Series #1 "Now, there's no shutting down the lens because this is where I found her. I found her with my eyes and she's the one who captured my heart." She lies, she hides. She is the unwanted child. She is a sign of a mistake. She never felt...