Kabanata 7

55 4 0
                                    

Imbes na magmukmok ay binalitaan ko ang mga kaibigan sa chat namin.

Shiela:

Ang sabi sa akin ay wala naman talagang girlfriend si Vin Serez.

Jemimah:

Ang hot niya kaya! Anong aasahan mo? Isa pa si Diana ang sikat at kilala niyang girlfriend nga daw. Madalas kasama sa mga events.

Tinapon ko ang cellphone sa sofa'ng kinauupuan. Pilit pinapakalma ang mapait na pakiramdam.

"Ma'am, pasok na po kayo." Inilahad ni Hana ang pintuan.

Hindi pa lumalabas iyong Diana at ayaw kong gumawa ng akward scene. Kaya naman umiling ako. Nga lang ay tumunog ang isang speaker sa mesa ni Hana habang kinukuha ko ulit ang cellphone.

"Hana, tell her to get inside."

"Okay sir." Umirap ako sa speaker na ginamit ni Vin mula sa loob.

Tumango ako kay Hana at pumasok na. When I entered I think I did another embarrassing action. Seeing the lady in front of Vin made my head fall down. Nakatungkod ang dalawang kamay ng babae sa mesa ni Vin na seryosong-seryoso. Isa pa, naabutan kong tumatawa ang babae kanina.

"I better go. See you there." The girl waved her hand and went to her bag in the chair in front of Vin.

She walked with confidence and glanced at me nang magpantay ang kanyang nilalakaran mula sa kinatatayuan ko. She's indeed beautiful. Ang ganda ng kilay niya at ng kanyang mga labi. Napalunok ako nang makakuha ng kakaibang tingin mula sa kanya. After that I went to the sofa and started to open the module I can't understand earlier. Pero mukhang mas hindi ko na maintindihan dahil lang sa babae kanina at sa ayos nila ni Vin.

I heard footsteps nearing me but I made myself busy with the stupid modules. I don't have the right to be jealous! Uulit-ulitin ko yata ito sa isip. Walang klaro sa mga pinagsasabi niya at palagay ko normal lang ang mga iyon na sabihin niya. Bakit ba naman kasi ako nagi-ilusyon dito ng mga posibilidad?! Wala siyang kinumpirama kaya dapat tigilan ko na ang pag-iisip ng tungkol dun!

"Hey." Napansin kong wala na ang coat niya.

"M-may hindi ako maintindihan," iyon nalang ang nasabi ko.

Itinuro niya rin naman sa akin iyon. The whole time I diverted the whole moment sa kung anong pwedeng pag-usapan. I know that he is a good observer at ayokong pag-usapan ang bagay na ikinakagambala ng utak ko sa ngayon!

"Let's have our lunch first. Maaga rin ang uwi ko ngayon," he informed me nang kumatok si Hana at sinabing ipapasok na daw ang mga pagkain.

Tahimik kaming kumain. Naging busy siya sa mga huling oras sa opisina niya kaya naman tuwang tuwa ako. Natapos ako sa module ko at nakatulog pa ako.

"Neena." I am looking for Vin in my dreams but he's not there. I openened my eyes.

He is in front of me. Nakatitig at bahagyang malapit sa pagdungaw sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at napansin kong maayos na ang table niya at table sa mini living room kung saan ako nag-aral.

"Uwi na tayo?" Pinagmasdan niya ako saglit bago tumango at tumayo para makapag-ayos.

Tahimik kaming umuwi at ganun din sa mga sumunod na araw. Hindi na nga lang ako pumunta sa opisina niya.

"Good night," paalam ko lang kapag gabing nag-aaral kami at sa oras na halos siyang pagkausap ko sa kanya.

O 'di kaya ay tuwing may hindi maintindihan o nagka-klase kami. Hindi naman siya nagtatanong at mas lalong ginusto ko iyon kahit na kumikirot ang puso ko sa hindi pagkausap sa kanya. I should stop doing certain attachments to him. Sumabog din ang balita tungkol sa girlfriend niya ulit kaninang umaga. Iyong Diana.

To Have You (Serez Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon