Kabanata 9

45 1 2
                                    

Naramdaman kong lumuwang ang yakap ni Vin. Mukhang hinahayaan niya akong huminga bago magkwento.

"I have an imperfect life, Vin," ang mga binitawan kong salita ay nanatiling mabigat sa puso ko.

Hindi ko aakalaing ganun nga ang mga naranasan ko. I am an orphan before I could even say mama or papa. Wala rin naman akong tatawagin nun.

"Ang papa at mama ko may maling nagawa. Ako 'yon."

Pilit akong ngumiti nang lumandas ang sakit sa mga mata ni Vin. He groaned.

"You know what? Just tell me that some other time." Umiling ako. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"I... I'm a shame. My father and mother is both rich. Napapaligiran ng mayayamang tao at perpekto ang buhay. Ako lang iyong mali."

Humigpit ang yakap ni Vin at itinuloy pa niya ang pag-alo sa akin.

"Tama na, Neena," pigil niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Iniwan ako ni mama sa ampunan. Nang lumaki ay dinadalaw naman ako roon at nagpaliwanag siya na... hindi ako pwedeng sumama sa kanya. Though she promised me that I will leave the place soon."

Naalala ko iyon. Tuwang-tuwa ako. Akala ko naman kasi iuuwi ako ni mama at may pamilyang naghihintay sa akin. May pamilya ako na totoo at hindi kagaya ng mga kasama kong walang wala na.

"When I entered high school I was dropped off by my condo. Iyon lang," my voice broke as what I expected.

Tuluyan nang kinalas ni Vin ang mga braso sa akin at pilit na iniharap sa kanya. He lowered down his gaze to meet my eyes.

"Mag-isa ako roon at wala akong ibang kasama. Iniwanan lang ako ni mama ng pera. Ang condo at skwela ay sinagot lang din nilang dalawa."

Tears visited my eyes as I continued my story.

"Neena," tawag ulit ni Vin. Mukhang sising-sisi sa nangyayari at pagkukwento ko.

I smiled at him.

"Pero ayos lang. I found friends at... ngayon medyo nabubuksan na ang isipan nina mama tungkol sa akin."

He helped me wipe my tears. "Stop talking now, I'm sorry," awat niya pero hindi ako nagpatinag. Hinayaan niya na tuloy ako at nanatili lang ang mga titig sa akin.

"Naiinggit ako noon." Kinagat ko ang labi sa nagbabadyang paghahulgol. Nagawa ko naman pero bumuhos pa rin ang luha ko. "S-sana hindi nalang ako n-nabuhay. Pero mali iyon para... isipin ko. I remained happy though. Tinanggap ko ang lahat." Tinitigan niya ako ng mariin pero nginitian ko lang siya.

"I remained happy even if I should not. May maisisira akong mga pamilya. Perfect families... na wala ako." Humikbi ako at nagpasya nang tumigil.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa, agad pinunasan ang mukha ko.

"Ano ba yan!" tawa ko nang marealize na parang nagkwento naman ako sa MMK!

"I'm sorry," seryosong sabi ni Vin.

"Ayos lang. Ahm..." Sinulyapan ko siyang seryosong pinupunasan ang mukha ko. I pouted with his face. Galit ba siya sa akin?

"Noong nakaraan nagkita kami ni mama at... inaayos na ang lahat. Pinaalis ako sa condo bago ang lahat at kinuha ni mama ang mga pera niya pero ayos lang. Ayos na ngayon ang lahat." Pero paunti-unti lang iyon at kuntento na muna ako sa ganoon ngayon.

Tumigil siya sa pagpunas sa mukha ko at tumingin sa mga ilaw na natatanaw sa aming pwesto. It's beautiful. Sobrang gaan sa paliramdam. Bonus na iyong may naikwento ako kay Vin. It felt so calm and light.

To Have You (Serez Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon