Kabanata 17

35 1 0
                                    

"Neena, Neena, sigurado ka na sa pinsan ko?" Tumawa si Sly. Hindi ko namaan siya nasagot dahil nahihiya ako.

May dessert kasi pagkatapos naming kumain kaya naman nandito pa rin kami. May wine din pero hindi pa ako umiinom. Ang tatlong lalaki lang na kasama ko ang mga umiinom. Pinagmasdan ko si Aian na tahimik. Si Sly na tatawa tawa habang si Vin ay seryoso lang na maya't mayang ngumingiti sa akin.

I looked away when he started to plant his eyes on me again. Nasa likod ng upuan ko ang isang braso niya. Pinagmasdan ko ang paligid na tahimik pero may tawanan sa dulo. Mukhang malaking pamilya rin ang naroon. Ang iba ay magkakaibigan. Napansin ko rin ang mga matang dumidikit sa table namin. Ang mga leeg na nababali at todo sa pagtanaw sa mga lalaking kasama ko.

Gwapo naman kasi silang tatlo. Tapos ako? Mag-isa lang dito. Ang swerte ko naman pero parang natutunaw ako sa kinauupuan dahil hindi lang si Vin ang  tumitingin sa akin. Kung 'di halos lahat yata ng babae na nandito.

Sly Serez have this playboy look na talaga namang head turner. May tumili nga kanina nung kumindat siya sa waiter na nagdala ng wine. Aian Serez, hindi naman madaldal kagaya ni Sky at mukha siyang misteryoso. Pero alam ko nasa loob ng kulo nito kasi yung mga ngisi niya iba. Bitag niya iyon panigurado.

"Basta ako, panalo na dito." Hinaplos ni Vin ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

Pumungay ang mga mata niya habang humihilig sa akin. And this Serez beside me is the innocent one and the ideal man, I guess? "I love you," mahina niyang bulong na nagpangisi sa akin.

"What?" aniya nang hindi ako sumagot. Nakatingin kasi si Sly!

"Anong what?" tanong ko kahit alam ko na.

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya.

"Ha?"

"Where's my 'I love you too', huh?" ngumuso siya at lumapit naman ako sa kanya para bumulong.

"I love you too," nakangisi kong bulong para manahimik na siya. Ramdam ko agad ang pagpula ng pisngi ko sa lapit namin.

"Pardon?" sabi niya at mas lumapit. Lumayo naman ako ng onti. Konti nalang kasi magbaabanggaan na yung ilong namin! Tinignan ko ang dalawang may kanya-kanya namang ginagawa.

Napakagat ako sa labi at binigkas ulit iyong sinabi ko. Mas hininaan ko kasi may babaeng taga-ibang table na nakatingin."I love you too." Sumimangot si Vin at lumayo. Umupo ako ng maayos.

"Hina naman. Hindi ko marinig,"  tunog nagtatampong sabi niya.

"E, mahina yung sa'yo," sabi ko.

"Really?" aniya at itinaas ang isag kilay sa akin. Alanganin akong tumango. He heaved a heavy sigh and gave me his stupid sexy smirk.

"Stay here."

Pinanood ko siyang maglakad. Mukhang magc-CR. Binalingan ko si Sly at Aian.

"Neena, have you ever wondered kung may naging girlfriend na iyang pinsan naming 'yan?" tanong ni Sly.

"M-minsan," I said the truth.

Minsan iniisip ko iyon. How was he in his past relationships? Parang hindi ko nga kayang isipin na lahat ng pinaparamdam at ginagawa ni Vin sa akin ay ginawa niya na rin sa iba.

"Trust me, wala." Pinagsiklop ni Aian ang kanyang mga kamay sa mesa.

"Imposible?" mangha kong tanong. "Flings?" sunod kong sabi.

Sly and Aian chuckled. "Ayan! Mahaba ang resibo niya riyan," tumatawang sabi ni Sly.

Kumunot ang noo ko at medyo sumama yata ang pakiramdam ko sa narinig.

"But, he just play with them. Kinakausap niya lang naman. Wala pa akong nakitang dinate niya."

"Pero may dates naman na naganap, insan," dugtong ni Sly kay Aian.

"Inaaya siya, he's just being polite," sabi ni Aian.

Tahimik akong nakikinig sa dalawa. Gusto kong itanong kung may special someone ba siya sa past niya kasi ganun kadalasan ang nangyayari hindi ba?

"Neena," tawag ni Sly. "What we are trying to say is we can see that our cousin is serious about you. Sana hindi mo siya saktan kasi ngayon lang yan. At kita ko sa pagtingin niya palang sa'yo kanina sa beach..." Umiling si Sly.

"Baka Serez ka na sa susunod na magkita tayo." Aian smirked.

Tipid akong ngumiti. Hindi ako makangiti ng maayos. Bakit? Kasi ilang araw palang kami ni Vin. Marami pang mangyayari. What if we break up? Paano kung hindi naman kami sa huli? It's too early to claim it.

"W-we're not sure."

"We're sure," giit ni Aian na nginitian ko.

"Thanks for that," tanging nasabi ko.

"Baka unahan ka pa niyan, Aian! Akalain mo, si Mr. Perfect mauuna tapos ikaw." Umiling iling si Sly habang umiinom ng wine.

"Tumigil ka nga. Ikaw naman siguro ang magiging pinakahuli. Basta gago kasi tumatakbo," inis na sabi ni Aian.

"Really? Ano sa'yo? Gago ka rin naman!"

"Basta gwapo sigurado." Kumindat si Aian na tinulak ni Sly.

Natahimik kami at narinig ko si Sly na sumipol sa isang babae sa malapit. Agad na nag-blush iyong babae at nataranta sa paglalakad. Sino ba namang hindi matataranta sa mala-diyos na sumipol nalang bigla sa'yo.

Sarap tapikin ng magpipinsan at sabihing 'Uy! Nice genes!'

Nag-asaran ang dalawa sa harap ko habang iniisip ko iyong usapan namin kanina. Vin, gaano ka kasigurado?

Sarap pukpukin ng ulo ko sa iniisip ko. Iyong mga nababasa ko kasi na sa una ay masaya talaga ang pagmamahalan ng dalawang tao tapos sa kalagitnaan, sa oras na akala mo perfect na biglang mabubuwag ang lahat. Either the feelings or the whole of it. At dead end agad.

"Stop! Stop. Hindi na umiimik si, Neena." Tumigil sa asaran ang dalawa at sabay na tumunog ang kanilang mga cellphone. Sabay pa silang dumungaw doon.

Nasan na kasi si Vin?

"Neena, back to our topic. Gaano ka ka-sigurado na dead end ka ni Vin?" Nagulat ako sa tanong ni Sly. Iyon kasi ang nasa isip ko kanina pa. At wala talaga akong maisasagot.

Nag-kibit balikat ako.

"Alright, if you're not sure or you're sure but you can't say it. Please, let him tell the world how sure he is," seryosong sabi ni Aian na parang yung puso ko ang direktang nakarinig at ang lakas ng kalabog nito.

Nagsimula akong makarinig ng tugtog na malumanay. Piano lang yata iyon. Agad naghanap ang mga mata ko sa paligid. Everyone is looking at the man in the mini-stage striking the keys. The man who is making the sweet melody. Agad dumapo ang tingin sa akin ni Vin habang nakaupo ng maayos sa harapan ng piano. Of course! That's my man. Natapos ang tugtog niya sa isang malumanay na pindot sa huling key. He smiled.

Akala ko ay iyon lang. Kaso humataw na yung puso ko nang may mic siyang kinuha sa gilid.

"Good evening,love... Neena Jes Chua..." He smirked. "Serez." His cousins roared for a loud laugh. Ang mga tao sa paligid ay nagsingisian at may bahagya pang napapalakpak habang hinahanap ang babaeng sinasabihan ng lalaki sa harap.

"She's there," sabi ni Vin sabay turo sa kinauupuan ko.

"Pinsan ko yan!" Tumatawa si Aian habang si Sly ay todo ang pagpalakpak.

"Can I get my loud 'I love you too' now?" Ngumisi siya habang seryosong tumitig sa akin.

Natakpan ko ang aking mukha habang namumula na sa reaksyon ng mga tao sa paligid. How dare he do this to me! My heart is beating so fast. Sana makahinga pa ako ng maayos!

"Ay sayang, taken." Rinig ko ang singhal nang nagsalitang babae.

"We're still available." Nagtilian ang mga babae sa sinabi ni Aian.

"Neena..." marahang tawag ni Vin na nasa stage pa rin.

Naku po. Tumindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig niya. Wala na akong ibang makita kung 'di ang gwapo niyang mukha. Wala na rin akong marinig sa lakas ng tibok ng puso ko. And I know this won't stop unless he stay out of that damn stage! Pero hindi rin naman siya aalis diyan kung hindi ko siya sasagutin. Ugh!

Dahan dahan akong tumayo at ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko. Agad na ngumiti si Vin at iniwan ang entablado. He swiftly went to me. Pero tumigil siya sa hindi kalayuan.

"Malakas na yun, ah!" natatawa niyang sabi.

Napailing ako habang sinasabi ang aking sagot. Sa isang malakas na boses. "I love you too, Vin." Mukhang mapapaupo pa yata ako sa kahihiyan, sa kasiyahan ng mga nasa paligid, at sa dami ng taong nakarinig.

Bako pa ako humandusay sa upuan ay hinuli na ni Vin ang baywang ko. "Very good," aniya nang nakangisi kaya naman kinurot ko na ang braso niya.

"Bwisit ka! Nakakahiya!" sabi ko pa habang niyayakap niya ako.

"Thank you. The whole world must know, wag ka ng mahiya. I will always want the world to know that I love you and you love me too."

Masaya sa puso iyong nangyari kahit na nakakahiya. Dios mio naman! Kaya kong rumampa ng rumampa kahit saan pero sa ginawa ni Vin nagsilipina paalis sa katawan ko yung confidence.

"Good night to the two of you." Ngumiti si Aian.

"Pinsan and cousin-in-law, see you around!" Kumindat si Sly habang ang kanyang mga mata ay mapupungay na. Mukhang siya ang nakarami sa alak kanina na inorder ni Vin nang matapos ang kanyang palabas.

"Salamat. Nice meeting you two!" Ngumiti ako sabay siko kay Vin na nakatitig na naman sa akin. Mukhang wala ng balak magpaalam sa dalawa.

"Alis na kayo?" Tinignan niya ang dalawa niyang pinsan. "Mabuti naman." Agad ko siyang kinurot. Napakabastos din ng isang 'to. Kung sabagay, kanina pa kasi siya tinutukso ng dalawa.

"Sus! Hiwalayan mo nga, Neena."

Agad napatalon palayo si Sly nang kumalas si Vin sa akin at akmang aabutin ang batok ng kanyang pinsan. Naramdaman ko na ang lamig. Nasa labas na kasi kami ng restaurant.

"Alis na kami," ani ni Aian na hinila na si Sly.

Tumango si Vin. "Pakikamusta ako kina tito at tita."

Pinanood naming tumalikod ang dalawang pinsan ni Vin. Nagulat ako nang maramdaman ang jacket na pinatong ni Vin sa balikat ko. Mukhang dala niya ito galing sa kotse niya kasi naka long-sleeve na damit siya.

"Saan sila tutuloy?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya. Sa gilid lang naman kasi ng restaurant ang free parking space nito.

"Home. Uuwi na sila."

"Ha? Gabi na ah?" sabi ko sabay tingin sa wrist watch niya. Malapit na mag-alas nuwebe.

"Chopper," tipid na sabi ni Vin.

"Naks! Yaman naman ng dalawang yun," sabi ko.

"Kay Sly lang yun, mahilig siya sa pagtatravel through aerial transportations. May airport din siya." sabi ni Vin na siyang nagpanganga sa akin. Super rich.

Narating namin ang kanyang sasakyan at agad kaming sumakay. Saka nalang namin pinagpatuloy ang usapan sa loob.

"Ang galante naman ni Sly. May pa-helicopter at eroplano, kaya siguro natakbuhan niya yung girl." Tumawa ako habang sinasabi iyon.

Binalingan ko si Vin. Natawa siya pero nasa kalsada ang kanyang mga mata.

"Chismosa ka," aniya kaya hinampas ko siya.

"Tse! Eh si Aian, anong meron sa kanya?" kuryoso kong tanong. Hindi na siguro ako magtataka kung mansion na marami ang meron sa isang 'to.

"Islands and resorts."

"Wow naman! Sana ganun din ako. Mahilig kasi ako sa mga beach!" Grabe ang ganda panigurado nun. Noon nga e iniisip ko yung sarili kong nasa tabi ng dagat na pag-aari ko tapos nagbabasa lang ng libro habang-buhay. Mga ganun. Kaso tuwing napupunta naman ako sa mga beach puro gig at trabaho ang inaatupag ko.

"I know," mahinang sabi ni Vin. Ngumiti ako. Ang dami niya na talagang alam sa akin. Makapagtanong nga.

"Ikaw?" Nilingon niya ako ng mabilis bago tumingin ulit sa kalsada.

"Hmm?"

"Anong meron sa'yo bukod sa kumpanya niyo?" I bit my lower lip when I saw him thinking. Sinandal niya ang siko sa bintana ng sasakyan niya at nakahawak ang hintuturo sa ibaba ng kanyang labi. Mamaya pa ay lumingon siya sa akin.

"Ikaw." Kinapos yata ako ng oxygen sa sinabi niya at sa nakakahilo niyang titig. "Aside from my family's riches, I have you."

"Anong meron sa akin?" tanong ko. Duh. I'm just a simple girl na magulong magulo ang buhay noon. Wala pang perpektong pamilya.

"You're a treasure I found on my own. Sa akin ka lang, wala ng ibang nagmamay-ari sa'yo. A treasure is better than any kind of riches." He smiled sweetly and pulled over.

Tinapos namin ang bakasyon sa Palawan nang matiwasay. Marami rin kaming pictures lalo na at sa beach iyon. Mas ganado ako roon. Todo kilig pa ako nung huling araw na kasi sinulit namin iyon ni Vin na hindi ginagawa iyong work namin. Mukha rin naman kasing may napili na siya at siya rin ang nag-insist na tama na yung shots.

Masaya, para akong lumulutang lalo na at hindi pa ako nakakaget-over sa mga pinaggagawa niya the past days. Kahit na maraming tumititig sa kanya minsan na akala mo ay hinuhubaran na siya sa mga isipan ng mga babaeng naka-swimsuits ay nawawala agad ang irita ko. We ended the day with a simple bonfire habang nakatingin kami sa langit.

"Let's go?" Tumango ako kay Vin.

Kakacheck-out lang namin at palabas na kami ng resort. Nagulat ako nang may mamataan akong pamilyar na tao na pababa sa kanyang sasakyan.

"Neena? Oh my gosh, hija!" Tumili si tita Chloe habang hyper na niyayakap ako. "You're here! Kumusta ang bakasyon?" Natigilan ak osa a tanong niya pero sinagot ko pa rin siya.

"It was g-great tita." Doon ko napansin ang tikhim niya na nasulyapan si Vin sa tabi ko.

"Who's this young man, hija?" she asked.

"Ah! Carl Vin Serez po... uhm... my..." Boss? Boyfriend.

"I am her boyfriend, madame. How are you?" tanong ni Vin.

"Oh my, I am good!" Inilahad niya ang kamay niya kay Vin at tinanggap naman iyon ni Vin. Nagtagal iyon at nakita ko ang mga malamig na titig ni Vin. Si tita naman ay nakangiti sa kanya. Si tita Chloe and naunang humila sa kanyang kamay.

"I know you wanted to go now, so?"

"Uh... sure tita. Enjoy the vacation."

"I surely will. See you when I get back!" She smiled sweetly and went away.

What is she doing here? Business maybe.

"Tara na Vin."

Tahimik kami sa buong biyahe ni Vin dahil maingay ang chopper. Yes, his cousin insisted. OA nga raw sabi ni Vin pero sabi ni Sly ay sign of welcoming niya daw sa akin ito. Ang ipasakay ako sa brand new niyang helicopter na binili niya after akong i-meet. Jusmiyo marimar. Tumatae yata iyon ng gold!

"You okay?" tanong ni Vin nang nasa sasakyan na kami pauwi sa condo niya. Ibang sasakyan ang gamit namin dahil naiwan pa sa Palawan iyong isa.

"Oo naman."

"Did you have fun?"

"Oo naman! Patingin ako ng pictures mamaya, ha? Maga-upload ako!" Inakbayan niya ako habang papunta kami sa elevator.

"Neena, kung sasabihi ko bang wag susundin mo?" Agad kumunot ang noo ko sa tanong ni Vin.

"Ang alin?" I asked.

"Wala. Nevermind, rest and we will pack for Thailand."

Hinatid niya ako sa kwarto kasama ang maleta ko. Nagbihis muna ako bago gawin ang planong matulog. Pero napawi ang antok ko nang may tawag na pumasok sa cellphone ko.

"Hello?" tanong ko sa number na hindi naka-register sa cell phone ko.

"Kumusta ka, Neena?"

________
This story is updated with advance chapters on Storyon, Finovel, and Novelah app.

To Have You (Serez Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon