CHAPTER 1

3 0 0
                                    

Time Againts On Us
Yourownshadow

Siguro nga sadyang may mga taong pinagkaitan talaga ng tadhana, yung tipong kahit anong hirap ng buhay ay may mas mahirap pa don at yun ang meron ako, sabi nila sa lahat ng nilalang sa mundo ako ang totoong depinisyon ng salitang Pinagkaitan dahil sa sakit na meron ako, bata palang ako--- erase erase, simula ng isinilang palang ako dala dala kona ang kakaiba, at pinakang nakakatakot na sakit na imposibleng taglayin ng isang ordinaryong katulad ko

Bata palang ng simula kong maranasan ang maging tampulan ng tukso kahit saan ako mapunta puro panunukso at pananakit ang nararanasan ko kaya mas pinipili kong manatili na lang sa silid ko, sa simbahan. sabi ng padre ng simbahan na si father Isaac baby palang ako ng iwanan ako ng nanay ko sa tapat ng pintuan ng simbahan halatang ayaw na nya sakin dahil sa itsura ko kaya siguro imbes na patayin ako mas pinili nyang iwanan ako dito, inalagaan ako ng mga padre at madre dito sa simbahan sila na ang nagmistula kong mga pamilya dahil sa pagmamahal na nararanasan ko sa kanila at doon palang ay ayos nako, kahit na sa labas ng mundo na ginagalawan ko kung saan puro pagmamahal ay madilim at puro mapanglait na tao ang nakatira

Wala akong kaibigan kahit na sino sa labas ng simbahan, lahat ay nilalayuan at kinakatakutan ako, walang ni isang nagtatangkang magsayang ng oras sakin, dahil sa mga panunukso napagdesisyunan nina padre isaac na pagaralin ako sa bahay, na mag h'home study na lang ako para iwas tukso, at alam ko naman 'yon

Habang lumalaki ako mas dumarami ang nalalaman ko tungkol sa sarili ko, pakiramdam ko habang lumilipas ang panahon dapat ang edad ko ay nadagdagan pero iba ang nangyayari, kabaligtaran ito, imbes na dumagdag ito ay paurong. paurong ang bilang ng edad ko dahil ang sabi sa mga findings na resulta ng mga doctor ng isilang ako ay hindi pang buwan ang tinataglay kong edad kung di pang matanda na malapit ng mamaalam sa mundo.

I was 16 years old back then when i realize that i have no a normal life

Time Againts On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon