CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Time Againts On Us
Yourownshadow

"Sige na gelo, sundan mona ang babaeng yon bago pa sya makaalis"

agad akong nagulantang ng biglang magsalita si father sa tabi ko, kitang kita ko ang kakaibang ngiti na isa sa pinakang paborito

may halong pang aasar ang tinig ni padre na syang kinatawa ko

"Hindi na po father, baka matakot lamang sakin ang babaeng yon sa oras na kausapin ko sya" natatawa kong sagot saka lumabas ng simbahan para dumeretso sa gilid ng simbahan na kung saan ay may munting pintuan upang ilagay ang ilang gamit

"Hi?" agad akong napalingon sa likod ko ng makarating ako sa gilid ng simbahan, bumulaga sa harap ko ang pinakang magandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko, ang babaeng may asul na mata

"Ako si Juliana Rain, ikaw sino ka?" nakangiti nyang inilahad ang kamay sa harap ko na syang mas kinagulat ko

K-kakaiba sya

"A-ah, hmm.. a-ako si.. ako s-si Ange-gelo I-isaac" utal utal kong pagpapakilala sa kanya habang nagdadalawang isip kung tatanggapin koba ang kamay nya dahil nahihiya ako kasi puro kalyo ang kamay ko

"Ano ba wag kang mahiyang makipag shake hands sakin" anya saka kinuha ang kamay ko at inilapat ito sa kamay nya na ikinalunok ko

"Ang ganda ng pangalan mo, Angelo Isaac!" pagbanggit nya sa pangalan ko na may halong ngiti, at ang ngiting yon ang talagang tumatak sa utak at puso ko

--.

Naging mas malapit kami sa isa't isa, lahat ng gusto at hilig namin ay parehas na naming alam kung minsan nga kahit di pa linggo ay nagpupunta na sya dito sa simbahan dahil daw sa namimiss nya ko, bawat salitang lumalabas sa mga labi nya ay diko nakakalimutan maging ang pagtawa pagsimangot at maging ang kakarampot na salitang binibitawan nya ay diko nakakalimutan, habang lumilipas ang panahong kasama ko sya mas lalong yumabong ang kakaibang nasa loob ko na talagang gustong gusto ko pag sya ang nasa harapan ko, sabi ni padre kahit daw matanda na sya alam nya ang pakiramdam ng nararamdaman ko dahil naramdaman na daw nya ito noong kabataan pa lamang nya bago nya naisipang maglingkod sa Diyos

"Anak ikaw ay umiibig sa babaeng yon, kitang kita ko sa mga mata mo na walang paglagyan ang galak mo pag sya na ay nasa harapan mo, mahalaga ka sakin gelo kaya ayaw ko lamang na ikaw ay masaktan" mga salitang tumatak ng husto sa kukote ko, naiintindihan ko si father, ayaw nya lamang na masaktan ako

Time Againts On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon