CHAPTER 14

3 0 0
                                    

Time Againts On Us
Yourownshadow

Dahan dahan kong tinanggal ang blanket na nakatakip sa mga hita ko, nakaligtaan kong humiga sa kama ko kaya nakatulog ako dito sa tumba tumba ko, may edad nako pero di pa ganon kahina ang resistensya ko

"Lola!! Lola Julia where are you po?" agad akong napatingin sa pintuan ng marinig kong tinatawag ako ni Sofia-- ang anak ng anak ng pamangkin ko

"Oh apo may kailangan kaba?" nakangiti kong tanong sa kanya inalalayan ako nitong makaupo saka sya tumabi sakin

"May sulat po akong nakita don sa mailbox, mukhang inyo po ata to may palangan mo kasi ih" natawa naman ako ng mali ang pagbigkas nya ng pangalan, instead kasi na pangalan eh palangan ang pagbanggit nya

"Talaga? oh sya akin na at matignan ko" ng makuha ko ito ay agad kong binasa ang pinagmulan

"Home Orphanage" pagbanggit ko

Home orphanage? bakit naman kaya ako pinadalhan ng mga to ng sulat?

napabuntong hininga ako saka tinuloy ang pagbasa

           
                         213 St. Peter Home
                         Orphanage.
                         November 25, 2017

Dear: Ms. Nolasco
   Good Day!

I am Mother Conception of the st. peter home orphanage, i just want to inform you that the united state of america sent their former patient, he has no parents because his poster parent Mr. Felip Pervera died at the age of 86 at March 06, 2009, i just want to say that this boy named Angelo Isaac Pervera is here and waiting for his guardian.

        Thank you!
        

                           Mthr Conception
                           __________________
                            Sincerely yours,
                   

Napatakip ako ng bibig ng mabasa ng buo ang nilalaman ng sulat, after 24 years bumalik na si Isaac binalikan nya ko

Nagpahatid agad ako sa driver papuntang St. Peter para makita agad si angelo, punong puno ako ng pag asa at puros kasiyahan lang nararamdaman dahil sa wakas matapos ang napakahabang panahon ay makikita kona muli sya

"Ms. Juliana Nolasco, you're already here, come here nandito sya" tumango ako at naglakad habang inaalalayan ng driver kona maglakad

pumasok kami sa isang special room ng kwartong ito, may isa pang madre na bantay sa gilid non ay may isang piano set diko makita kung sino ang nagpapiano dahil nakaharang takip nito sa katawan nya

"Simula ng dumating sya dito ay wala syang ibang inaatupag kundi ang pagtugtog ng piano at kung minsan naman ay madalas syang nagiisa at nakatulala" sabik na sabik nakong makita ang mukha nya pero mas pinili ko munang makinig sa kwento ng madre

"Para din syang wala sa sarili, pag tinatanong namin kung sino ang mga magulang nya eh tinatapunan lang kami ng tingin, ang tangi lang naming alam tungkol sa kanya ay sya si Angelo Isaac Pervera na pasyente ng namatay na si Doktor Manuel, halika at ng makita mona sya" tumango ako dito at hinawakan ako nito sa braso

Parang nag slow motion ang lahat sa paligid ng makita ang itsura nito

H-hindi, b-bakit ganito?

"Naipaliwanag na samin ng mga doctor sa america ang lagay nya, kung sa buhay ng isang tao ang edad nyang 'yan ay 17 years old pero sa lagay nya isa na syang 83 years old na matanda, wala din syang matandaan sa mga dati nyang buhay dahil ang sabi ng doctor habang lumilipas ang kanyang panahon ay bumababa ang chances na maalala nya pa ang mga nakaraan sa kanya"

Napatakip ako ng bibig, diko na mapigilang di mapahikbi ang sakit ang akala ko ay gagaling sya at magkakasama pa kami

"Madam, ayos lang kayo?" nagaalalang tanong ng driver ko, tinaas ko ang kamay ko na nagsasabing ayos lang ako

"I-isaac?" banggit ko sa pangalan nya, itinigil nya ang pagtugtog at tinignan ako

wala na don ang mga kinang sa mga mata nya, maging ang masayang awra na dati ay nararamdaman ko sa kanya ay tila naglaho na

"K-kumusta? n-natatandaan m-moba ko h-ha?" tanong ko, umaasa na sana ay um-oo sya

"Maiwan na muna namin kayo" anya ng madre

Pero tanging iling lang ang natanggap ko sa kanya

"A-ako to si J-julia" kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit ko paring tumayo ng maayos

Napatigil sya sa balak na pagtugtog ng marinig ang pagpapakilala ko

"Julia?" banggit nya

Time Againts On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon