CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Time Againts On Us
Yourownshadow

"Angelo anak" agad kong inilapag sa lamesa ang mga hawak ko ng tawagin ako ni tatay fe, ang pastor ng simbahan nato

"Po itay? may kailangan poba kayo?" magalang kong tanong ng makarating ako sa harapan nya

"Ipapasuyo ko sana ito sayo, magbibigay na ng oscha si father sa mga katolikong nasa loob ng simbahan, pwede bang ikaw na muna ang maging tagahawak nito? may kailangan kasi akong gawin ngayon" napatango ako saka kinuha ang maliit na bowl na pinaglalagyan ng mga pira pirasong oscha

"Sige po itay, ako na ang bahala dito" nagpaalam nako sa kanya saka lumabas ng simbahan na suot ang jacket bonet at salamin

"Tinatawagan po ang lahat na tumayo upang tumanggap ng banal na katawan ng ating panginoong Jesus" matapos sabihin ni father ang mga katagang 'yon nag porma na ng linya ang mga katolikong naglilingkod sa Diyos, isa isang binigyan ni father ng oscha ang unang linya at paulit ulit na sinasabing "Katawan ni cristo" at sasagot naman ang mga tagatanggap ng "Amen"

Diko mapigilang di mapangiti ng makita ko ang bawat taong ngumingiti pag nakikita ako, naguumapaw sa galak ang puso ko sa bawat mga ngiti at masayang mga matang sumasalubong sakin, pero isang mata lang ang talagang nakaagaw ng atensyon ko, ang mga pares ng kulay asul nyang mga mata na kakikitaan mo ng galak, mga matang nagpapahayag ng kanyang niloloob, ang mga pares ng matang panigurado akong babaunin ko hanggang sa mawala ako

"Katawan ni cristo?"
"Amen po father"

Nakangiti nyang tinanggap ang oscha saka binaling sakin ang mga tingin, sa lahat ng mga bago sa simbahan nato pag unang kita palang nila sakin puno na agad ng pagkagulat at takot ang kanilang mga mata, pero sa babaeng nasa harapan ko ay iba, wala kang makikitang takot, kaba o pagkagulat ngitian nya ako na para bang ako lang ang nagiisang lalaking nakikita nya

Kahit na makalagpas ito sakin ay diko parin maialis ang tingin sa kanya, gusto ko syang lapitan, gusto ko syang makilala at.. at gusto kong maging parte ng buhay nya.

Time Againts On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon