01

228 8 0
                                    


"HINDI KA SABI AALIS, DITO KA LANG." galit na sabi nito sa babaeng hawak niya.

"Franco, hayaan mo na ko parang awa mo na, ayoko dito, ayaw kitang kasama!" she shouted as she move. Ganoon katindi ang galit niya rito.

"Hindi, dito ka lang, sa ayaw at sa gusto mo mananatili ka rito kasama ko." Kasabay non ang paghagulgol ng dalaga at pag mamakaawa kay Franco.

Its been 2 years. Dalawang taon na siyang nasa puder ni Franco, ang lalaking minahal niya ng mahigit 3 taon.

Dalawang taon na rin ng huli niyang malanghap ang sariwang hangin sa labas, makasalamuha ang mga tao sa labas. Kinulong siya sa bahay na 'to, hindi niya magawang makatakas.

Dalawang taon na rin itong umiiyak at nalulungkot, may mga bantay sa labas ng bahay at kwarto niya. Makailang ulit na din itong tumakas pero palagi na lang siyang nahuhuli.

Nagpunas agad ako ng luha ko matapos marinig ang mga katok sa pinto.

"Celine?" tawag nito.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"A-anong kailangan mo?" Magsasalita na sana ito ng muli siyang magsalita.

"Kung hindi mo lang din ako pakakawalan at paaalisin, mas mabuti pang hintayin mo na lang akong mamatay dito. Wag mo na kong kakausapin pa." takot akong nagsalita pero hindi ko pinahalata ang takot na yon.

Bumalik ako sa kama at hinayaang bukas ang pinto.

"Maligo at mag-impake ka ng mga gamit mo." walang emosyon na itong sinabi mula sa pinto.

"S-san tayo pupunta? Anong—? Ba-bakit?" tanong ko.

Naguguluhan akong tumungin sakanya at hinintay siyang magsalita.

"Ayusin mo na lang ang mga gamit mo, tatawagin kita mamaya. Wag kang magkakamali." at umalis siya sa pinto.

Hindi na ko nagreklamo at sumunod sa utos niya. Kinuha ko ang nagiisang bag sa cabinet ko at inilagay ang mga gamit ko.

Pumasok ako ng banyo at inayos ang sarili bago lumabas. Ilang minuto lang at dumating na siya.

"Nakapag-ayos ka na ba? Tara na." sabi nito.

"T-teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito.

"Dadalhin na kita sa New Zealand, doon na tayo titira." Kinuha nito ang bag ni Celine at ang kamay nito.

Pilit inagaw ni Celine ang kamay niya mula dito.

"Hindi ako sasama sa'yo! Franco, ayoko dito lang tayo sa Pilipinas, bakit mo ba 'to ginagawa sakin? Please dont do this. I beg you." kinuha muli ni Frano ang kamay niya.

"Franco, I promise, hindi na ko tatakas, hindi na ko aalis sa tabi mo. Just please, hindi tayo aalis ng bansang 'to. Nandito ang pamilya ko, ayokong umalis."

Nagsimula ng mag-unahan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya papunta sa pisngi nito. Pinahid ito ni Franco.

"If you promise me that, fine, we're not going to anywhere. Celine, ayokong ginagawa sa'yo 'to pero you always push me to my limits." marahan niyang nilapit si Celine sakanya at niyakap ito.

"Sana hindi panloloko ang mga bagay na sinabi mo. I will hold onto that." kumalas ito sa pagkakayap ni Franco at pinahid ang mga luha sa mukha.

"Bumaba na tayo, nakahanda na ang mga pagkain." sabi nito. Nakaramdam muna ako ng hilo bago tuluyang sumagot.

"S-susunod na l-lang ako." at umupo sa kama para hindi siya bumagsak sa sahig dala ng pagkahilo.

Ilang beses nang tumatakas si Celine sa bahay ko. Matagal ko na siyang hindi pinapalabas. Masaya kaming nagmamahalan noon kung hindi lang niya kailangang makipaghiwalay sakin at mangibang bansa para sa utang ng mga magulang niya.

Nakasagap ako ng balitang kapag nasa Canada na siya, ipakakasal siya sa isang abogado na lubos kong ikinagalit at humantong sa pagkulong ko sakanya dito. I didnt mean to scare nor hurt her feelings but I need her. I love her and I will do anything for her to be mine.

cloaked heartWhere stories live. Discover now