02

105 2 0
                                    

NAGISING sa lakas ng katok sa pinto si Celine. Tumayo ito kahit blur pa ang nakikita dahil sa kagigising lang niyo at binuksan ang pinto.

"Ah Maam, bumaba na ho kayo't kumain." bungad sakanya ni Alicia.

"Mag aayos lang ho ako, sabay na po tayong kumain." sabi nito at muling isinara ang pinto.

Napatingin siya sa kalat ng maliit na mesa sa kwarto niya at napangiti.

Patunay lang yon na kahit papaano ay nakakagalaw siya ng malaya.
Puno iyon ng mga pinagtasahan ng crayola, mga punit na papel at water color.

Lumapit siya sa lamesa at kinuha ng sketch pad. Pinakatitigan niya ang mga gawa niyang designs ng sapatos.

"Parang mas okay kung green yung kulay nito?" Kausap niya ang sketchbook na parang sasagot ito sakanya. At tila pinagiisipan niya talagang mabuti ng mapakamot sa ulo.

Huminga siya ng malalim at binitawan ang sketchbook na hawak. Kumuha ng suklay at humarap sa salamin. Pagkatapos talian ang buhok ay lumabas na siya sa kwarto at dumiretso sa kusina pagbaba.

"Kamusta ho ang tulog niyo?" tanong ni Manang Alicia sa kumakaing si Celine.

"Ayos naman ho, ang ganda po ng nabili niyong mga gamit ko, salamat ho." sabi nito at muling sumubo.

"Manang, gusto ko po ng tuna sandwich." aniya at tumingin sa kasamabahay.

Pagkatapos gawin ni Manang Alicia ang hininging sandwich at umupo ito sa katabing upuan. Hindi na niya namalayan ang dinukot ni Manang Alicia sa ilalim.

"Maam, heto oh, naitabi ko pa yan. Alam kong importante sainyo yang mga yan."

Napahawak sa bibig si Celine at tila hindi makapaniwala.

It's her sketchbooks that were thrown away by Franco himself at nakita nang mga mata niya yon.

Napatayo na lang siya at niyakap si Alicia. "Manang, thank you so much for this. Promise babawi po ako sainyo, salamat po!" Walang humpay ang pasasalamat nito hanggang sa matapos ang pagkain nila.

[Okay naman po ang lahat boss. Pagka alis niyo ho kahapon nagpabili ho siya ng sketchbook at ilang mga crayola. Mukang babalik ho siya sa pag guhit.] mula sa kabilang linya ng telepono ni Franco.

"Well, that's good alam kong hindi siya mababagot dyan. Please, bantayan niyo siyang mabuti. Mapapaaga ang uwi ko, naging 1 day conference na lang ito." sagot nito.

[Wag na ho kayong mag-alala Sir, kami na ho ang bahala magingat po kayo.] at tuluyang nagpaalam kay Franco.

"Jason? Jason!" tawag ni Celine sa baba. "Maam? Ano ho yon?" lumapit si Jason kay Celine na hindi pa din alam ang gagawin.

"Sa tingin mo, mas maganda ba yung yellow dito sa dulo or mas okay pa din yung orange?" Ipinakita ni Celine ang kanyang gawa dito.

"Nako Maam, wala ho akong alam sa mga ganyan pero mas okay po kung yellow na lang." suhestiyon nito.

Nakangusong bumalik si Celine sa silid niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ngayon niya lang uli naramdam ang saya, kung paano siya nagiging masaya kasama ang papel at lapis at kung paano gunagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nagdedesign siya ng sapatos.

Naka bukas ang pinto kya madali niyang naaninag si Alicia, "Manang, ano ho iyan? Lalabhan?" tanong niya habang naka upo pa din sa sahig. "Ahh, Oo, Maam." sagot nito habang nakangiti.

"Hmm, gumawa ka na lang ng iba, ako na ho ang maglalaba." suhestiyon ni Celine at tumayo.

"Lapag niyo na lang ho yan sa laundry area, kukunin ko lang po yung mga labahang damit ko." sabi nito at pumasok sa banyo.

cloaked heartWhere stories live. Discover now