09

76 2 0
                                    


HINDI makapaniwalang binasa ni Celine ang nandoon. "H-hindi pa po namin napag-uusapan ni F-Franco ang tungkol dito." tinignan niya ang ginang na naka-upo sa kama.

"I know, about that, I'm doing this for the both of you. Magkaka-apo na ko, hindi ba mas magandang tingnan kung kasal na kayo bago pa lumabas ang bata?" taimtim niyang ipinaliwanag ang nasa isip.

"Kakausapin ko ho muna si Franco para — "No no, alam na ni Franco yan, at pumayag na siya, so sign it." at ngumiti ito sakanya.

"Don't hesitate to sign it, mahal ka ng anak ko at kapag may mangyayaring ayaw mo ako ang bahala sa anak ko. Pirmahan mo na, anak?"pagkumbinsi pa nito sa dalaga.

"Fine. Hintayin natin si Franco, mamaya sa dinner alright, my daughter?" tumayo na ito at iniwan si Celine sa kwarto.

Magaala-sais na ng makauwi si Franco galing sa opisina. Dumiretso agad siya sa kwartong inuukupa nang makita si Celine sa maliit na teresa. Nilapitan niya ito at tinanong kung anong iniisip, binigyan siya ni Celine ng envelope sa sinabing basahin ito.

"Wait. Who gave you this?" gulat itong nakatingin sa laman ng evelope. "Si M-mama." sagot niya habang nakatingin sa malayo. "Sabi niya, alam mo na ang tungkol sa bagay na yan." — "Wala siyang sinabi sakin, maniwala ka man sa hindi."

Hindi makapaniwalang tinignan ni Franco ang kamay ng dalaga, binbigyan siya nito ng ballpen.

"I already signed it." napatanga na lang siya sa narinig sa dalaga. "What?! Baba lang ako, I need to talk to her." bigla na lang siyang hinawakan at pinigilan ni Celine sa pag-alis.

"It's my way saying, I'm sorry, at magkaka-baby rin tayo. T-tama naman ang Mama, mas..maganda kung kasal na tayo bago ako... manganak."

Parang natauhan si Franco sa sinabi ng dalaga, tama si Mama, "Are you sure about this?" tumingin sa mga mata niya si Franco. "It's time na siguro oara ayusin natin kung anong nangyari sa nakaraan?" — "Pero.. hindi ko pa kayang magpatawad sa lahat ng ginawa mong ikinasakit ko. Sa gagawin kong to, sana mapatawad mo na ko sa ginawa ko, I cheated on you."

"Is this what you really want?" mapait na tumawa ang dalaga. "Franco, tingnan mo ako, hinawakan ni Celine ang parehas nitong kamay,  may magagawa ba ko? Dito na ko sa tabi mo, saan ako pupunta? May mapupuntahan pa ba ko? Kung tatakas ako? May ipapakain ba ko sa anak natin? Wala. Wala Franco. Do I have any choice, hah? And then you're here, asking me what I really want?!" Celine sighed. "So, just signed it para matapos na." lumuluha ang dalaga pagkatapos sabihin lahat ng nararamdam niya habang wala pa si Franco kanina, ito lang ang laman ng isip niya.

Tumitig siya sa kamay ng binata nang umupo ito sa mesa at pinirmahan ang papel na ibinigay niya. Tumingin ito pabalik sakanya, hanggang sa tumayo na ito sa yumakap sakanya.

"'Wag ka nang umiyak, don't stress yourself out. Do it for our child. Pumirma ko para sa kapakanan ng anak natin at wag mong iisiping pinatawad na kita sa panlolokong ginawa mo sakin kasama ang Jacob na yon. You owe me that, Celine. You. Owe. Me." at bumitiw sa pagkakayakap, dumiretso sa banyo para mag-palit ng damit.

8 p.m

"Paki-abot naman ng egg salad, Celine, 'nak." sabi iyon ng ginang na nasa kabilang side ng table. Iniabot naman agad yon ni Celine dahil nasa tapat niya lang ito.

Iniabot niya yon kahit pa naiirita siya dito dahil vegetable salad at egg-avocado salad lang ang ipinakain sakanya ng ina ni Franco dahil daw buntis siya kaya dapat ay masusustansya ang mga pagkaing kinakain niya. "Eto na po pala yung binigay niyo sakin kanina. We both signed it." iniabot ni Celine ang envelope na yon sa ina ni Franco. "Good decision for the both of you at naiintindihan niyo kung para saan ito." nginitian lang sila pareho ni Franco at nagpatuloy sa pagkain.

cloaked heartWhere stories live. Discover now