08

73 1 1
                                    



HINDI SIYA makapaniwalang tumitig siya kay Celine dahil sa sinabi nito.

"No Celine! Hindi mo gagawin yan!" singhal niya kay Celine. Dahan dahan siyang bumangon at hinawakan ang kamay ni Franco.
"P-pero Franco, m-ma...sasaktan l-ang lalo siya k-kung mabu-buhay siya." sagot ni Celine.

"Hindi ko hahayaang mangyari yon. Celine, hindi ko papatayin ang anak natin so STOP. THIS."

"Hindi ako kasingsama nang iniisip mo, na ipalalaglag ang sariling anak. Celine, anak mo rin siya, anak natin how could you do this to your child?!" sunod sunod niyang sigaw, alam niyang malakas yon.

"Franco.. marami ka naman ko—-neksyon  di ba? Matutu..lungan n-nila tayo, pu..mayag ka n-na. Pa..pahihirapan mo lang kami ng a-anak ko, i-its way be..better than t-this."

"Ano! Ano bang nangyayari sayo Celine?!! Naririnig mo ba lahat ng sinasabi mo?!" hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Celine sakanya.

Hindi niya makuhang maniwala na wala itong pakialam sa anak nila, umiiyak siya, he can feel it, there's something in her tears. Ayaw niyang mawala ang anak nila, yon ang nakikita niya sa nga mata ng dalaga pero kabaligtaran sa sinasabi nito sakanya.

"Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa, tutal katawan ko naman to." ramdam na ni Franco ang tapang at lakas sa boses ni Celine.

"Sige, gawin mo. Ito lang ang tatandaan mo, sa oras na may mangyari sa anak ko, people aroud you will suffer nang hindi mo nalalaman kung ano sila sa buhay mo, at sa nakaraan mo."

Hinila niya ang kamay na hawak ni Celine at nagmadaling lumabas, inihilamos niya ang sariling kamay sa mukha niya.

Hindi siya pwedeng makita ni Celine na umiiyak.

Hinilot ni Celine ang sintido, ang bigat ng kalooban niya sa lahat ng sinabi niya, ayaw nyang mawala ang anak niya. Ayaw niyang gawin yon pero alam din niya ang buhay na naghahantay sa anak niya, dito, kasama si Franco.

Eksaktong isang araw na niyang hindi nakikita ang mag-ina sa bahay. Hindi na niya yon inintindi dahil alam niyang busy ang mga ito.

Hindi niya rin maintindihan ang nararamdam niya, nagsusuka at laging nahihilo. Baka dahil buntis ako. Papasok siya ng banyo nang may kumatok sa pinto. Agad niya namang tinignan kung sino ang kumakatok. It's Francine. Takot agad ang pumasok sa isip niya.

"M-may ipaga..gawa ho b-ba kayo, M-aam?" nauutal siyang nagsabi sa ginang. "It's Mama, I just wanted to talk to you. Can I?" tumango si Celine at binuksan pa lalo ang pinto.

Umupo siya sa kama at ang ginang sa pang-isahang sofa na nasa kwarto ni Franco.

"I know how much Franco loves you at alam kong hindi mo yon nakikita sa ngayon." hinawakan nito ang parehas niyang kamay at tumingin sa mga mata niya. "Hija, I'm sorry.  I'm sorry for all of this. Alam ko na ang lahat tungkol sa'yo at sa anak ko." — "A-nong t-ungkol sa kin?" balik niyang tanong sa ginang.

"Sa reaction mo mukhang hindi mo pa alam, it's something na kay Franco mo dapat malaman at hindi sakin. Hija, just one thing, I know you can't forgive me this instant but really am, I'm really really sorry for causing you pain and trouble. Muntik na kong mawalan ng apo, at alam ko na ding gusto mong ipalaglag ang anak niyo, huminga muna nang malalim ang ginang bago magsalita, No, Celine, you can't do that, I can see kindness to your eyes, hindi mo magagawa ang sinasabi mo." Ngumiti ang ginang at pinisil pisil ang kamay ni Celine. "alagaan mong mabuti ang anak ko pati ang apo ko. I may be bad to you at first but it doesn't mean forever." nang matapos ang ginang sa pagsasalita, tumayo ito at niyakap siya.

cloaked heartWhere stories live. Discover now