07

78 1 0
                                    

  HINDI na kinaya ni Franco ang kakaibang nararamdaman, sa loob ng bahay, lagi siyang kinukutuban na hindi niya naman dapat niya maramdaman sa una pa lang.

"Manang, tell me, anong nangyayari dito sa bahay habang nagtratrabaho ako?" nasa pool area sila nang tanungin niya ang matanda. "H-ho? Wa..wala, — "Manang, please. Ilang araw nang parang wala sa sarili si Celine, hindi na siya yung Celine na nandito bago dumating ang Mama, I can tell. Please, spill it." tinignan niya ang mata ng matanda at halata mo rito ang takot, pero bakit?

"Sir, huwag sanang makarating kay Madam ito, pero— naku sir pasensya na po." yumuko pa lalo si Manang Alicia.

"Akong bahala sainyo, just tell me." sabi ng binata at tila inaabangan ang nga salitang lalabas sa bibig ng matanda.

"Sir, si Madam po kasi.. nung nga nakaraang araw, si...sinasabihan niya ng masasakit na salita si Maam Celine, lagi, lagi niya hong binabanggit ang pagpapakasal niyo kay Stella na yon. Sir, sorry po." parang naiiyak na hindi malaman ni Franco ang mukhang nakikita niya sa matanda.

 "What?!" 

 "Ilang araw na niya tong ginagawa kay Celine, bakit hindi niyo man lang sinabi sakin? Manang naman, I hired you so that someone will take care of Celine. Tapos ito?"

"Sir, binantaan po kasi ako ni Madam Francine na pahihirapan niya ang buhay ng pamilya ko Sir, wala naman ho akong magawa. Sir parang awa niyo na wag niyo kong tanggalin sa trabaho, sorry talaga Sir Franco, pasensya na po." umiiyak na itong nagsasalita.

"Bumalik ka na sa trabaho mo. Manang, pasensya na rin at nasigawan ko kayo. Umalis agad ito sa harapan niya.

Ilang sandali pa nang mapagdesisyunan niyang pumasok na sa bahay.

Tumawag ang sekretarya niya para sabihing nandoon na ang hinihintay niyang papeles mula sa Jung Corporation.

Mamaya ko na aayusin itong gulo sa bahay. I won't let you hurt Celine just like that, Mama.

NAGLALAKAD papuntang kusina si Celine nang makasalubong si Francine.

"Tapos mo na bang linisin ang banyo sa kwarto ko? I'm sure your done already cause youre here. Now, do the laundry first before you eat." utos na naman sakanya nito.

Ilang araw na siyang parang alipin dito sa bahay, nakikitira lang daw ito sa bahay ni Franco at wala siyang karapatang umasta na siya ang reyna ng bahay.

Hindi na niya kaya ang gutom  na kahit tubig ay hindi niya nagawang inumin.

Nasa pool area si Franco kanina ng masilip niya mula sa teresa sa kwarto ng ina nito. Nasa isip niyang kausapin ito pero pinangunahan na siya ng takot dahil alam niyang mas kakampihan ni Franco ang ina niya kaysa sakanya, sino ba siya kumpara sa ina nito, na noon ay kausap si Manang Alicia sa pool area, na parang pinagagalitan ito sa hindi niya malamang kadahilanan.

Pinalinis sakanya ang banyo, at ang kabuuan ng kwarto, kakain na dapat siya ng agahan pero inutusan na siya nito agad.

"Ma'am, pag..pagtapos ko na l-lang ho ku..kumain." mahina itong nagsabi sa ginang.

"Aba't sumasagot ka na ngayon? I'm Franco's mom, the owner of this house baka nakalilimutan mo. How dare you answer me like that!" at dumapo ang palad nito sa pisngi niya.

Narinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Francine na nasa table lang kaya't natigil

Franco

   We'll talk later, Mama. Alam ko kung anong ginagawa mo kay Celine. I won't let you.

Naiinis siyang bumaling kay Celine dahil alam niyang siya ang nagsabi nito sa anak niya.

cloaked heartWhere stories live. Discover now