"RESBAK at ang secret BOX"

1.2K 18 17
                                    

“RESBAK at ang secret BOX”

<Ranz’s POV>

“Hoy ikaw, siguro naman natutunan mo na leksyon mo. Sa susunod na makita kitang umaaligid kay Trisha hindi lang yan aabutin mo.” – Lance

Yan yung sabi niya pagkatapos niya kong upakan. Tss. Kala niya ha >:)

“Oh ano na Ranz?! Kelan ba natin reresbakan yung mga siraulong yon ha?” – Ully

“Teka lang. Maghihintay tayo ng tamang panahon. :)” (Sabi ko na lang kay  Ully)

Pag-uwi nalang ni Trisha tsaka ko gagawin yung plano ko. >:)

“Oy oy oy, basta di ako sabit jan ah.” – CAV

“Sige, pero tatanggalin ka na namin sa CHICSER. “ (Sabi ni Biboy tapos nginitian niya ng nakakaloko si CAV)

“KELAN BA NATIN UUPAKAN YUNG MGA YON HA?! NAEEXCITE NAKO EH!” (Sabi ni CAV. HAHAHAHA)

Nagtawanan kaming lahat :D

Pag kasama ko talaga tong mga lokong to nakakalimutan ko yung mga problema ko kahit sandali lang...

>>>Abandoned Hospital, 6:00 pm -Monday

<CAV’s POV>

Andito na kaming lahat sa abandoned hospital na sinasabi ni Ranz, aaminin ko ha, MEDYO nakakatakot dito, medyo lang naman. Eh kasi naman hospital to no?! Ok pa sana kung warehouse to eh. Walangyang author yan.

Nakakabading tuloy T___T Gustuhin ko man lumabas kaso tatanggalin nila ko sa CHICSER, tsaka what are friends are for diba? Teka mali ata yung sabi ko. Mehehe :33

So bale, ang plano ni Ranz is tinext niya yung si Lance ng:

To: ONGgoy

Hi Trish!Welcome back sa Philippines! Yung plano natin mamayang 6 ah :) See you na lang sa abandoned hospital. Wag mo to ipapakita dun sa boyfriend mong unggoy ha. Loveyou :**

Sinadya niya yan, kunyareng na wrong send. Hindi nag-reply yung unggoy na si Lance pero sigurado daw si Ranz na pupunta yung abnormal na yun.

*BOOGSH

“Luh. Ano yun?” (Bulong saken ni Owy)

Magkatabi kame ni Owy tapos si Ranz at Ully nandun sa may likod ng pintuan naka-abang tapos si Oliver at Biboy nasa kabilang room kung san dadalin si Lance at yung kaibigan niyang mga animals.

Ang hindi namin ineexpect...

Si Lance kasama si Trisha nung pumunta! O.O Tapos si Ranz at Ully hindi gumagalaw nandun lang sila sa likod ng pintuan kahit nasa harap na nila si Trisha at Lance kasi hindi nila alam yung gagawin nila... pero hindi sila kita nina Lance.

Pagsilip ko nakita ko na nasa labas din pala yung si Troy at may kasama pa siyang 5 lalake! Dehadong dehado kami neto.

“Hoy RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE! Lumabas ka jan kung hinde may mangyayaring masama dito.” (Sigaw nung unggoy na si Lance tapos tinulak niya paharap yung Tricia ba yon? Yung kayakap ni Ranz sa may garden ng CSR? Yung soulmate niya daw? Basta yon!)

Parang nagulat si Ranz, syempre naman! Sinong hindi magugulat don?!

Sinenyasan kami ni Ranz na wag kaming gagawa ng kung ano man sinenyasan din namin si Oli at Biboy.

Tapos nun pinapasok ni Ranz si Ully sa room kung nasaan kame.

“BAKET?” Sagot ni Ranz dun sa Lance tapos naglakad siya papunta dun.

When A Tiger Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon