Kabanata 4

492 91 118
                                    

Daisy nudged me. "Hoy!"

"Bakit?"

"Kanina ka pa tulala. Anong meron?" She eyed me curiously. I suddenly felt uncomfortable with her stare. It feels like I'm under a microscope lens an d she's watching me closely.

Nababasa niya ba ang tumatakbo sa isip ko? I'm spacing out because I kept on thinking about Alas.

Napatitig ako sa kwarto ng lalake na hindi na muling bumukas simula nang pumasok siya, pero nalipat din agad ang tingin kay Irene nang malakas itong tumikhim.

She looks like she's having a hard time supressing a smile.

"So na-meet mo na pala si kuya."

"Yeah." Maiksi kong sagot habang iniisip kung bakit nga ba hindi niya nabanggit na may kapatid siya. Pero mukhang nabasa ni Irene ang ekspresyon ng mukha ko.

"I'm sorry kung 'di ko nabanggit na may nakatatanda akong kapatid. Nagkagulatan siguro kayo kanina? O baka natakot ka kasi hindi mo siya kilala tapos nasa loob siya ng bahay?"

Malumanay na ngumiti siya.

"Gusto ko sana kasi na ipakilala siya sa'yo kapag nakauwi na siya. Natagalan siya at kanina nga ay kakauwi lang. Galing pa siyang laot. May farming doon ng mga guso na pagmamay-ari namin. Seaweeds ang tawag sa mga iyon in english. Season na kasi ng pagtatanim kaya nagstay muna siya doon kasama ang iba pang seaweed farmers para siguraduhin na maayos ang pagkakatali ng mga tinanim nila sa dagat."

Kaya pala ngayon ko na lang siya nakita kahit na madalas akong tumambay sa dalampasigan para sumilay sa kanya.

Seriously Lia? You still have time for silly things even if you're currently facing a dilemma?

Kastigo ko bigla sa aking sarili.

The situation I'm in is already complicated. Would I dare add something or someone to my life that I know for sure will complicate it more?

Well, If the trouble is as hot and irresistible as Alas then why the hell not? Might as well add some colour to my problematic and dull life.

Ngumiti ako kay Irene. "Oh I see. Okay lang naman. Medyo nagulat nga lang ako kanina. Akala ko pa nga boyfriend o asawa mo siya."

Ang pagngiti ko ay nauwi sa mahinang tawa nang maalala ko ang nakakahiyang tagpo kanina. Bakit ba kasi ako nag-assume kaagad? But I hope the embarassing moment earlier will serve as our ice breaker. Sana next time may matino na kaming encounter. Sana makapag-usap man lang kami ng maayos sa susunod.

Pero mukhang imposible, galit yata sa tao ang supladong iyon at wala yatang balak umalis hanggat nandito kami o ako sa tahanan niya.

Natawa si Daisy nang marinig ang sinabi ko. "Bakit Ellie? Hindi mo ba napansin ang pagkakahawig nilang dalawa?"

"Paano mapapansin eh hindi naman sila magkamukha. Ang pangit niyan eh."Nginuso ni Kiko ang babaeng katabi ko.

Hindi ko mapigilang mapangisi sa pang-aasar ni Kiko. Nawawala na ang pagkamahiyain nito.

"Ah talaga ba Kiko? Sinisimulan mo ba talaga ako? Kaya mo na ako?" Nakangisi rin si Irene nang balingan ko. Nakatutok ang mapanghamon niyang tingin kay Kiko. Nakataas pa ang kilay.

"Papalag na yata sa'yo to eh. Matibay na siguro ang buto." Natawa na lang kaming lahat habang hinihimas ni Pio ang balikat ni Kiko.

Napatingin ulit ako kay Irene habang humahalakhak ito. I wonder how will her brother look like when he's laughing.

Ngayon ko lang napansin ang pagkakatulad ng features ng magkapatid. Sa malapitan pala ay talagang sobra pagkakahawig nila ng kuya niya.

Magkakulay sila ng balat.  Pati ang hugis at kulay ng labi ay magkapareho. Mapula at mukhang malambot. They have the same bushy eyebrows too. Pero mas matingkad ang mga mata ni Irene, habang ang sa kuya niya ay walang kasing dilim. Naalala ko na naman kung paano tumingin ang lalakeng iyon. Malalim at seryoso. Tapos ang mukha niya, wala akong maipintas. I sighed. Gwapo. In fact, sobrang gwapo. Kahit na laging nakasimangot.

Comfort of Darkness - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon