Kabanata 14

362 62 27
                                    

"Bakit ang tagal niyo?" bungad ni Irene matapos pagbuksan ng pinto sina Pio at Kiko.

"Ang arte kasi ni Daisy! Ang tagal namin inaya pero ayaw talaga sumama." Nakasimangot na sagot ni Pio, tinanguan niya ako nang mapatingin siya sa akin.

Kiko sat beside me. "K-kumusta Ellie?" Mahina niyang tanong. Medyo matagal na rin kaming magkaibigan ni Kiko pero hanggang ngayon ay parang may kaunting ilang pa rin siya sa akin.

"Parang tanga naman 'yang tanong mo pre. Hindi ba kagagaling lang natin dito noong isang araw? Kung makatanong ka akala mo ang tagal niyong hindi nagkita ah?"

Nakita kong namula si Kiko. Sinamaan niya ng tingin si Pio na natatawa naman sa reaksiyon niya.

Lahat talaga walang takas sa mga pang-aasar ni Pio. Kaya si Daisy pikon na pikon sa kanya. Pero hindi ko maitatanggi na namimiss ko rin makita ang bangayan ng dalawa.

Pio grunted when Kiko kicked his feet.  Napansin niyang nakita ko iyon kaya nahihiya siyang napakamot ng batok at ngumiti sa akin.

To ease his uneasiness, I smiled at him widely. Pero lalo siyang namula at halos hindi na makatingin sa akin.

"Maayos na ako, totally. Pero tinutulungan at sinasamahan pa rin ako ni... Irene." Bumuntong hininga ako. Binaling ko ang tingin kay Pio na pasalmpak na naupo sa tabi ni Kiko.

"Bakit hindi sumama si Daisy?"

Pio shrugged his shoulders. "Inaatake na naman siguro ng kaartehan. O baka nahihiya sa'yo? Nadisgrasya ka dahil sa katangahan niya." Sinapak siya ni Irene sa braso.

"Akala ko ba walang may kasalanan dahil aksidente ang nangyari? Bakit ngayon parang sinisisi mo na si Daisy samantalang noong isang araw pinagtanggol mo siya?"

"Eh naiinis ako sa kanya eh! Masyadong pabebe. Pag tinanong naman kung anong problema ayaw magsabi. Ang arte!"

"Let's be more patient and understanding with her Pio. Baka nga may pinagdadaanan siya at hindi pa siya handang mag open up sa iyo o sa kahit sino sa atin."

Tumingin lang sa akin si Pio pagkatapos niyang matahimik.

I sighed when I remembered Daisy's innocent face and bubbly personality. Ang isiping naguguilty siya ay naghahatid ng lungkot sa akin. Napapikit ako. Wala naman talaga siyang kasalanan. Gaya ng paulit-ulit naming sinasabi, aksidente iyon. Walang may gusto ng nangyari.

Hindi niya sinasadya ang nangyari.

Hapon na nang umuwi ang tatlo. Kanina ang ingay ng bahay, ngayon halos paghinga ko nalang ang naririnig ko. I suddenly felt lonely. Naisip ko si Alas. Umuuwi lang iyon pag matutulog na ako. I wonder where he is. Bakit kasi hindi ko pinatapos si Irene sa pagsasalita kanina? Edi sana hindi ako nanghuhula ngayon kung nasaan ang kuya niya.

Baka naman bumabawi sa mga raket na pinalampas niya? Ilang araw din niya akong inalalayan dito sa bahay.

O baka naman may iba nang inaalalayan?

What the fuck?

Ang bilis gumana ng imagination ko. Malinaw na nakikita ko si Alas, naglalakad patungo sa isang babaeng morena at maganda. Ngiting ngiti ito. Tinakbo ng babae ang distansya nila at agad tinapon ang sarili kay Alas.  Maagap naman siyang sinalo nito at mahigpit na niyakap. Humiwalay sila ng kaunti sa isa't isa at nagtitigan. Dahan dahang yumuko si Alas at tumingkayad naman ang babae.

Bago pa maglapat ang mga labi nila ay nasabunutan ko na ang sarili ko. Gusto kong dukutin ang sariling utak. Dinidemonyo ako nito!

The hell?

Comfort of Darkness - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon