Kabanata 6

446 86 79
                                    

Dinadama ko ang malamig na hangin. I'm still in the middle of reminiscing when I felt someone else's presence behind me. Hindi ko na nilingon. The person behind me is just probably enjoying the fresh air like me.

I closed my eyes and thought of going back to my place. Lumalalim na rin ang gabi kaya nagiging malamlam na ang ilaw ng mga torches sa paligid. I'll try to call my dad again. I'm worried. I haven't heard from him since I got here.

Suddenly, I felt someone sat beside me. The person is too near. I can feel the radiating body heat.

Napakunot noo ako. The shore is vast, bakit sa tabi ko pa? Istorbo. I coughed fakely. I'm trying to let this person know that I'm uncomfortable. Then I slowly opened my eyes and turned to my right. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I gasped loudly, then I swallowed hard.

Hindi ko kayang tagalan ang titig niya. I tried to bring my eyes back to the sea's direction. Nakatutok lang ang mga mata ko roon. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon. My whole body is unmoving but my mind is in chaos. I suddenly feel concious! Nararamdaman ko pa rin ang init ng titig niya sa akin.

Hindi maiwasang maglakbay ng diwa ko sa nangyari noong isang araw. I can't stop the heat from crawling at tiyak namumula na naman ako. I want to hit myself! Ano naman kung pinaghimayan niya ako? Hindi naman na bago sa akin ang pagsilbihan ng mga tao sa paligid ko. People willingly bleed for my whims. Sanay naman ako sa mga taong nag-eefort para sa akin. Pero kasi iba siya. Hindi naman kami close kaya bakit niya ginawa iyon? Dahil ba mabait siya sa lahat gaya ng sinabi ni Daisy? Parang hindi naman.

Tumikhim si Alas kaya kahit ayaw ko, ibinalik ko pa rin ang tingin sa kanya.

Ngumiti ko. I tried to be cheerful as I strike a conversation. "Hello. Bakit ka nandito?"

Mabilis kong nakagat ang dila ko. I mentally cursed! Agad kong narealize na ang sama pala ng tanong ko. Bakit naman ganoon ang bungad ko sa kanya? Sa akin ba 'tong dalampasigan ha? Shit! Kinakabahan kasi talaga ako. I'm attracted alright! And I can't deny it any longer!

I tried to redeem myself. Tumikhim ako. "I mean, bakit nandito ka pa e gabi na?" Thank God at hindi ako nautal.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito e gabi na?" Binalik niya lang ang tanong sa akin.

"I just want some fresh air." I smiled at him, medyo nabawasan na ang kaba at awkwardness.

His dark and grim face softened. It reminded me of our second encounter. The dim environment. My tears. And the unusual gentleness in his eyes.

Madilim pa rin ang mga mata niya. Pero may kakaiba na sa mga iyon.

His eyes drifted to my cheeks. Parang may hinahanap doon. I chuckled softly when I realized something. Napatingin siya sa akin. Our eyes locked again. Iniisip mo ba na umiyak na naman ako? Why? Are you worried Alas? Hmm? But again...why? We barely know each other.

I smiled again to assure him. "Don't worry. Hindi ako umiyak. I'm sorry you have to see me that way. It won't happen again."

Iiyak pa rin ako syempre, pero hindi sa harap mo o ng kahit na sino. I hate it when people see me cry. It's like baring my soul to them.

Bumuntong hininga siya, pagkatapos ay pumikit at tumingala. His perfectly angled jaw is gorgeous. His nose is high and proud. Idagdag mo pa ang madilim ngunit magandang mga mata. The wind blew softly. Bahagyang tumakip ang ilang hibla ng medyo maalon at hanggang balikat niyang buhok sa kanyang perpektong mukha. I suddenly want to put those hair strands away. Sobra ang ginawa kong pagpipigil.

Like this place, Alas is a beautiful mystery. Hindi ko akalain na may ganito kagandang nilalang ang nakatago sa liblib na probinsyang ito. Why did he choose to stay here? Hindi ba niya naisipang lumuwas ng Manila kahit minsan?

Comfort of Darkness - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon