Wakas

444 20 3
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the last part of this story, my first story. Thank you so much for staying with me until the end. I hope you'll support my future stories too. I know my works aren't perfect, I'm sorry if I didn't meet your expectations but thank you again for understanding! Anyway, this is going to be on Alastair's POV. Enjoy! Stay safe!

——————————————————

"Paano ba 'yan Alas? Kailangan pa nating pumunta sa bayan para ibenta ang mga 'to."

Itinuro ni Mang Isko ang baldeng may laman na mga huli naming isda. Medyo marami ang nahuli namin ngayon kaya hindi naubos ng mga sumalubong at namili kanina.

"Ako nalang ho." Maagap kong sagot. Kawawa naman ang matanda kung paglalakarin ko pa ng malayo. Isa pa, may gusto rin akong bilhin doon ngayon.

"Sigurado ka? Naku salamat! Napakabait mo talaga."

Umiwas ako ng tingin at tumango lang sa kanya. Nasa ibang bagay ang isip ko.

Nandoon pa kaya iyon? Sana.

Pagkatapos mabenta ang mga isda sa maliit na palengke sa bayan ay nagmamadali akong pumunta sa pwestong madalas kong pinupuntahan tuwing nagagawi ako rito sa bayan.

Nakasuksok sa kanang bulsa ko ang aking kanang kamay. Mahigpit na hawak doon ang perang kinuha ko pa sa ipon ko.

"Uy ikaw na naman!" The saleslady smiled at me widely.

Tumango lang ako sa kanya habang ginagala ang tingin ko sa mga shelves. Nasaan na? Naglipat ba sila?

Napansin ng nasa counter ang pagsuyod ko ng tingin sa mga display nila. Marahan siyang naglakad palapit sa akin.

"Bibilhin mo ba sana iyong tinitingnan mo kahapon? Sayang! May nakabili na eh! Sa lahat ng artista, si Lia kasi talaga ang mabenta!"

Mabigat akong napabuntong hininga. Naiinis ako na may ibang nakabili sa magazine na iyon. Pero mas nakakainis yata iyong huling sinabi ng babae.

"Oo nga! Kahit mahal ang mga photocards at magazine no'n mabenta pa rin, laging nauubos." Sabat ng isa habang nagsasalansan ng magazine ng ibang artista. Itinaas niya ang isa, the girl on the cover is pretty, pero hindi lumapit manlang sa ganda niya.

"Ito? Si Emerald! Ayaw mo ba nito? Maganda rin naman 'to ah. At saka bestfriends sila ni Lia! Kaya siguradong meron din si Lia sa loob nito."

"Ano ka ba! Huwag mo na pilitin at si Lia ang gusto niyan! Meron naman tayong bagong dating na stocks!" Sabay lahad sa akin ng dalawang magazine at dalawang poster na hindi pa nai-didisplay.

I bit my lip to hide my excitement. Bibilhin ko ang mga iyon.

"Miss! Bibilhin ko iyong posters!" Nilingon ko ang dalawang lalake sa aking likod. Their eyes sparkled of something. Hindi ko alam pero naangasan ako sa sarili ko. Anong karapatan kong ipagdamot siya? Isa lang din naman ako sa milyon-milyong taga hanga niya.

Pero hindi, madamot na kung madamot. Nilingon ko ulit ang dalawa at nakita kung paano pinagkiskis ng isa ang mga palad niya habang nakatingin sa posters ng babaeng...gusto ko.

Ang mga gagong 'to!

"Bibilhin ko lahat." Napamaang ang babae sa akin. Hindi makapaniwala. Paano, kahapon kasi hindi ako nakabili dahil kulang ang pera ko. Tapos ngayon bibilhin ko pa lahat?

Sigurado ba ako?

Nalingunan ko ulit ang dalawang lalake sa aking likod. Pagkatapos ay mabilis na inilipat ang tingin sa babaeng nagtitinda. Tinanguan ko siya. Sinimulan ko na rin ang paglapag ng mga perang papel at barya sa harap niya.

Comfort of Darkness - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon