Andrea Pov
"Napakatagal mo naman kase Andeng kung magbihis! Ano bang pinaggagawa mo at halos dalawang oras ka kung mag-ayos!" halatang badtrip siya kaya parang umamong tupa ako ngayon sa gilid niya habang naglalakad kami patungo sa gate ng school namin. "Aisssh! Late na late na tayo sa school! Andeng naman! Sa susunod apat na oras bago ang pasukan dapat gising ka na!"
"Okay kuya Drei," halos bulong na sabi ko na bahagyang napanguso dahil nangingilid na naman ang mga luha sa aking mga mata.
Tumigil sa paglalakad si kuya dahilan ng pagtigil ko rin. Nanatili akong nakanguso nang hawakan niya ang baba ko at iginaya upang magtama ang paningin namin. Ang kaninang badtrip na mukha niya ay unti-unting lumambot dahil sa kahabag-habag na hitsura ng kaniyang pinakamamahal na kapatid.
"Subukan mong patuluin 'yang luha mo lagot ka sa'kin Andeng." Bantang sabi niya kaya umirap na lang ako sa kaniya at nauna ng maglakad patungo sa gate.
"Good morning manong!" Bati ko nang makapasok ako.
"Oh? Pinaiyak ka na naman ba ng kapatid mo at parang naiiyak ka pa, Andeng," sunod-sunod akong napatango kay manong habang tumigil naman sa gilid ko si Drei.
"Hay naku manong! Huwag niyo ng kampihan 'to. Dahil sa kabagalan niya ay absent na kami sa unang subject namin!" inis na bumaling sa'kin si kuya bago niya ako pinanlakihan ng mata, "sa susunod na gawin mo 'yan ay iiwan na talaga kita!"
Binelatan ko muna siya at sa sobrang inis bago sinipa marahan ang kaniyang hita bago kumaripas ng takbo.
"Malamang babae ako at lalaki ka kaya talagang mas mabagal akong kumilos kaysa sa'yo! Nakakainis!" bulong-bulong ko sa sarili habang tinutungo 'yong classroom namin.
"Edi iwan mo lang kase! Para namang kaya niya, tss, sumbong kita kay nanay, e!""Nag-away na naman ba kayo ng kuya mo at parang biyernes santo ang mukha mo?" bungad agad ni Kei nang makapasok ako sa room namin at nakita niya akong papalapit sa kaniya.
"Nakakainis kase siya, e!" inis na sabi ko habang pumapadyak-padyak sa harapan niya.
"Oh, kalma ka lang," hinila niya ako sa upuan ko at sapilitang pina-upo, "upo ka muna at kalmahan mo lang. Ano bang nangyari?" habang kinukuwento ko 'yong pinag-awayan namin ni Drei ay tawa naman siya ng tawa.
Nagulat pa ako nang bigla niyang tuktukan ang noo ko bago naiiling sa akin. "Alam mo naman 'yong kuya mo ayaw ng nalelate. At saka kaya nainis 'yon dahil ang alam ko may long quiz sila at mukhang dahil late kayo ay hindi na niya naabutan,"
"Totoo!?" gulat na tanong ko dahil hindi ko naman alam na may quiz pa lang ganap 'yon! Hallah nakakaguilty naman! "Teka...teka..." naningkit ang mga mata ko sa kaniya bago siya tinaasan ng isang kilay, "pa'no mo nalaman na may quiz sila?"
"Ah...uhm....kay ano....uhm kay Harold!" bahagya pa siyang umiiwas ng tingin sa'kin dahilan para tampalin ko ang braso niya.
"Ikaw ah! Malaman-laman ko lang na nagkabalikan kayo ay sinasabi ko Kei! Mata niya lang walang latay!"
"Oo na...Oo na at saka natuto na ako, noh,"
"Whatever....by the wag lagot pala talaga ako neto kay Drei!"
Tumango-tango naman si Kei bago siya naglagot sign. Inirapan ko na lang siya bago umayos na ng upo dahil nandiyan na prof namin sa Oral Communication na subject.
I am currently a grade 11 student taking up GAS strand while Drei is in his grade 12 already taking up STEM strand.
Dalawang klase na nga lang ng hapon ay nalate pa ako kaya isang klase lang 'yong napasukan ko. Pero naguiguilty pa rin talaga ako sa sinabi ni Kei! Dahil kung totoo 'yon ay kailangan kong bumawi kay Drei.
YOU ARE READING
Mind Play (ON-GOING)
RomanceWhat if our mind is what's trully trapping us? Trapped within our own dream, Spiriling into cycle of loss, Beaten mind with a bruised experienced, Addiction of ideality to escaped reality.