Andrea Pov
Isang linggo ang lumipas simulang nung aksidenteng nangyari. Mabuti na lang talaga kakilala ni kuya 'yon at syempre ang importante ay hindi namin siya nabangga!
Kaya ang ending nung aksidenteng narinig nila nanay at tatay 'yon ay pareho kaming nasintrong dalawa. Grabe 'yong galit ni tatay dahil sa ginawa namin at halos dalawang araw kaming hindi kinausap!
Pero nung nagsorry kami at sinabi ni Drei na si Ivan 'yong student na 'yon ay pareho ulit kaming nakatanggap ng batok mula kay nanay naman. Grabe kahit isang linggo na 'yong lumipas ang hapdi pa rin ng puwet ko!
"Napakadaldal mo kase Andeng!" biglang sabi ni Drei nang pumasok siya sa kuwarto ko.
Ganito laging ginagawa niya nitong mga nakaraang araw. Biglang papasok sa kuwarto at parehong linya ang sasabihin niya. Naiinis na nga ako!
"Malay ko bang nakikinig sila nanay at tatay! At saka ikaw nga lang dapat 'yong masintron e dahil ikaw 'yong nagmamaneho tapos pati ako nasali! Ang sakit tuloy ng puwet ko!" sabay haplos nito habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.
Si Drei naman ay nakaupo sa kama habang inihahagis ang unan ko pagkatapos ay sasaluhin naman.
"Ikaw nga isang palo lang masakit na paano pa kaya 'yong akin na tatlo. Tss, hindi tuloy ako makapasok dahil don at paniguradong aasarin lang ako ng mga kaibigan ko,"
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Dahil ako pumasok pa rin ako kahit iika-ika na kung maglakad pero sana hindi na lang ako pumasok. Dahil imagine pagkapasok ko ng room tapos konting lakad bigla na lang nagtilian 'yong mga kaklase ko! Tapos bigla silang sumigaw ng...
"Congratulations Andrea!" Napatigil ako sa paghakbang nang sumigaw sila.
Kumunot ang noo ko at bahagyang napakamot sa pisngi, "bakit? May grade na ba tayo?"
"Susss....ito naman parang others! Naka-ilang round ka ba at ganiyan ang kinalabasan? Mukhang napalaban si ate gurl!" Sabay sabay pa silang napahagikgik dahilan para kumunot ang noo ko.
"Anong round?" takang tanong ko dahil hindi ko gets 'yong mga sinasabi nila!
May ginawa na naman ba akong kalokohan!? Juskoo lagot na naman ako nito kila nanay at tatay!
"Hay naku! Hindi ba kaya iika-ika ka maglakad dahil nadiligan ka na? Hindi ka na tuyo't? Alam mo na....nakatikim na ng hilaw na hotdog at take note baka jumbo hotdog paaaaa," tiling sigaw ni Thea at dahil sanay na ako sa tabas ng bibig niya ay unti-unti kong naintindihan 'yong mga pinaparating nila.
"Mga tanga! May ginawa lang akong kalokohan kaya nasintron ang beshy niyo! Mga baliw! Ulol!" Sunod-sunod na mura ko sa kanila pero ang mga loka-loka ay tinawanan lang nila ako at nagpahayag ng matinding kahinayangan.
Kaya ang ending umuwi na lang ako at buti na lang sem break na namin kaya eto kami ni Drei at awat muna sa pag-aaway habang nagpapagaling.
"Kung sabagay kapag pumasok ka aakalain nila natira ka ng ano-----"
"What the fuck! Bunganga mo Andeng huh!" biglang sigaw ni Drei na ikinatawa ko na lang bago siya binelatan sa salamin.
Inirapan naman niya ako bago ipinagpatuloy ang paghahagis ng unan ko sa ere. "Are you bored?"
"Nah...just waiting for Ivan,"
"Ivan?"
"Yep. Sabi ni nanay at tatay ay gusto nila raw makita si Ivan kaya pupunta siya ngayon," kumunot ang noo niya bago sumama na naman ang titig sa akin, "bakit crush mo?"
YOU ARE READING
Mind Play (ON-GOING)
RomansaWhat if our mind is what's trully trapping us? Trapped within our own dream, Spiriling into cycle of loss, Beaten mind with a bruised experienced, Addiction of ideality to escaped reality.