Chapter 3

34 24 18
                                    

Andrea Pov

"Maayos na ba 'yong pakiramdam mo?" mahinahong tanong ni nanay habang nakaupo sa gilid ng kama ko at hinahaplos ang aking buhok.

"Opo nay. At saka hindi naman na kailangan ng doctor nay dahil maayos na ako. Huwag kayong magpapaniwala kay Drei dahil masyado 'yong OA!" inis na sabi ko dahil akala ko pa man din ay nag-aalala talaga siya pero hindi dahil ginawa pang kalokohan 'yong nangyari sa'kin kanina.

Pagkarating namin sa loob ng bahay ay agad na nakita namin si nanay at tatay na nakaupo sa mahabang sofa sa sala namin.

"Oh? Anong nangyari sa'yo Andeng?" mabilis na dinaluhan ako ni nanay at pinaupo sa sofa sa pagitan nila ni tatay.

Ngumiti ako kay nanay bago hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko.
"Okay lang po ako nay. Mukhang nagutom lang ako kaya medyo nahilo lang po kanina. Mabuti na lang andiyan si Drei para alalayan ako," pasimple akong sumulyap kay Drei na blanko lang na nakatitig sa'min habang ako ay tinaasan pa siya ng kilay.

Kita mo 'yon Drei? Pinupuri kita sa harapan nila nanay at tatay! For sure naman ayos na kami hehehehe.

"Gutom raw...." bilang sabat ni Drei at nakuha pang umupo sa sofa na nasa tapat namin bago nagdekwatro at nakahalukipkip na nakatitig sa mga mata ko. "Nag-iinarte lang 'yan nay kase nandun nakatitig 'yong crush niya! Akala niya naman hindi ko napansin na nasa likuran niya lang si Tophy!"

"Nasa likuran ko siya!?" Namumulang tanong ko kay Drei nang marinig ang sinabi niya.

Pinanlakihan naman niya ako ng mga bago itinuro ako kay nanay, "o, kita niyo na nay? Ako na todo alala pa tapos nung nakita ko si Tophy na nakatitig sa kaniya aba alam ko na agad na nag-iinarte lang 'tong anak niyo!"

"Hoy ang sama mo naman Drei! Hindi naman ako nag-iinarte at saka....uhm..." bahagya kong inilagay ang buhok sa gilid ng tenga ko bago kumurap-kurap kay Drei, "totoo bang nakatingin sa'kin si Tophy----"

"Shut up! Hindi kayo compatible nun! Pareho kayong madaldal kaya walang thrill! Magsasawa rin kayo sa isa't-isa! At saka hindi ka type nun!"

"Ang sama mo! Nakakainis ka!" padabog akong tumayo at pumunta na lamang sa kwarto ko bago ko pa masabunutan 'yong magaling kong kapatid!

"Pareho lang kayo Drei!" Rinig ko pang sermon ni nanay kay Drei pero hinayaan ko na lang at naligo na lamang ako bago humiga sa kama.

Pero habang nagpapahinga ako ay pumasok sa kwarto si nanay at sinabing magpapatawag siya ng doctor para ipatingin ako. Kaya eto ako at todo kumbinsi na maayos na ang kalagayan ko.

"Konti na lang iisipin ko na totoo 'yong mga sinasabi ng kuya mo," ngumuso na lang ako bago inilagay 'yong unan sa hita ko bago ito gigil na tinusok-tusok.

"Papansin talaga si Drei! Nakakainis! Naiinis ako! Hindi ko na siya tutulungan kay ano! Hmp!" bulong-bulong ko ngunit natawa lang si nanay at sinabing mukhang okay na raw ako kaya nagpaalam na siya para maghanda ng aming dinner.

Ngunit bago siya lumabas ng pinto ay nagsalita muna siya.

"Si Tophy ba 'yong matagal mo ng crush? Limang taon mo na yatang pinagpapantasyahan ang batang 'yon Andeng. Kahit nakakahiya ay close ko ang mommy nun. Gusto mo bang ilakad kita?"

"Nay naman!" nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni nanay. Bahagya akong tumikhim bago nag-iwas ng tingin kay nanay, "pero gagawin mo talaga 'yon?"

Tumawa na lang si nanay at hindi man lang ako sinagot at tuluyan ng bumaba sa kusina.

Napanguso na lang ako nang maalala si Tophy. Si Tophy Angelo Fajardo na 5 years ko ng crush. Kaklase siya ni kuya and magkaibigan rin sila. Papansin lang si Drei pero lagi siyang nababadtrip kapag pinag-uusapan na 'yong crush ko dahil alam niya na matagal ko ng crush si Tophy.

Mind Play  (ON-GOING)Where stories live. Discover now